Chapter 34 ♛

18.8K 918 115
                                    


"Miss na miss na kita," ulit-ulit kong naririnig ang mga katagang iyan na galing kay Liam at Maru.

Kailangan ko ng maka balik...

Ayoko ng mag-isa sa kadiliman na ito...

"You slept too much..."

"Sino ka?"

"Malalaman mo din pag gising ka na at ngayon gumising ka muna."

"Papaano? Tulungan mo ko..."

"Papaano ka ba napunta dito?"

Hindi ko alam... no alam ko!

"The light! Natalo ko ang wizard gamit ang ilaw ng kapangyarihan ko."

"Then makakaalis ka din ng dahil sa ilaw ng kapangyarihan mo."

"Pero hindi ko maramdaman ang Air magic ko."

"Pakiramdaman mo ang magic sa katawan mo."

The power inside me...

Gagawin ko kung ano ang dapat kong gawin... hintayin niyo ako...


Clare's P. O. V.

"River..."

"Yes Clare my loves?" masayang sabi niya.

"Satingin mo kailan gigising si Miru?" tanong ko habang nakatingin sa katawan niya.

"Malapit na yan, alam mo naman si Miru masyadong tulog mantika tska pagod pa yan."

"Siguro nga, Miru bilisan mong mag pahinga ha," sabi ko sabay haplos sa crystal.

"Oh bro bat nandito ka? Diba aalis kayo ni Care," sabi bigla ni River sa kakapasok na si Maru.

"Cancelled"

"Maru!" dinig namin na sigaw ni Care.

"Alis na tayo!"

"Akala ko ba cancelled?" tanong ko.

"Ayokong umalis ang lamig kaya."

"Fire mage ka naman eh," sagot ni Care.

"Tinatamad ako."

"Pagbigyan mo na yan Maru," sabi ko.

"Oo nga date lang naman eh," dagdag ni River.

"A...anong... hindi date to!" nahihiyang sabi ni Care.

"Ah andito lang pala kayo," sabi ni Clever na kadarating lang kasama si Aira.

"Eto kasing dalawang to ayaw pang umalis" sabi ni River.

"Bat sila aalis? Ahh yung date niyo," sabi ni Aira.

"Hindi nga date!" sabi ni Care.

"Ayoko nga kasi."

"Masyado kang loyal kay Miru brad! Keep it up!" sabi ni Clever kay Maru.

"Oh sabi na nandito kayo eh, Clever, Maru, River, Aira at Clare pinapatawag kayo ni headmaster," sabi ng kakapasok na si Dr. Flint.

"Bakit daw po?" tanong ko.

"Ewan puntahan niyo nalang."

"Hindi ako kasama?" tanong ni Care.

"Bantayan mo na muna si Miru," sabi ko.

"O...okay"

Care's P. O. V.

Lumabas sila ng clinic kasama si Dr. Flint at ako naiwan dito kasama ang katawan ni Miru.

"Ano bang meron sayo at hindi ka kayang kalimutan ni Maru?"

"Alam mo sana hindi ka na magising! Wala ka ng babalikan pa, na sa akin na ang mga kaibigan mo at alam kong konti na lang akin na din si Maru."

"Sana matuluyan ka na lang kasi wala ng may kailangan sayo dito!"

Tumayo ako para umalis at ikinabigla ko nang patalikod na ako nakabukas ang mga mata niya at matalim na nakatingin sa akin.

"Dr. Flint!" sigaw ko at tumakbo palabas.

Her gaze... it is cold as ice...

And her eyes are crystal blue...

Hindi ko alam bat ako biglang natakot sa mga nakita ko. Gising na ba siya?

"Anong nangyari Care?" tanong saakin ni Dr. Flint.

"Si...si Miru!!" at agad siyang tumakbo sa loob.

"Anong nangyari bat parang takot na takot ka?" tanong ni Maru.

"Si Miru bumukas ang mga mata niya," natataranta kong sabi at agad kaming tumakbo papasok.

"Dr. Flint okay na ba siya? Gising na ba siya?"

"Nothing happens," sabi nito.

"No nakabukas ang mga mata niya at nakatingin siya sa akin kanina paanong nangyari walang nangyari?"

"Wala talaga, her heart is still frozen."

Umupo ako at inisip mabuti ang nakita ko. Hindi ako namalikmata dahil nakapagtitigan pa siya sa akin. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya, tulog pa din pero ang nabigla na lamang ako nang makita kong nag smirk siya.

"Dr. Flint! Ayan! Tignan mo!" sabi ko pero wala na ito sa kanyang labi.

Ano bang meron Miru? Bakit ako lang ang nakakakita? Pinagloloko mo ba ako?

"Wake up! Wake up!" sigaw ko sa crystal sabay palo.

"Stop it! Wag mong ganyanin si Harumi."

"No gising na siya!"

"Tama na lumabas na tayo," sabi ni Dr. Flint.

Inilabas niya ako pero tinignan ko pa ang crystal and their I saw Miru, open eyes and with a scary smirk on her face.

Nanlamig ako nang may sinabi siya, kahit walang boses alam ko ang sinabi niya.

"I will kill you bitch."


Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon