Chapter 51 ♛

20.2K 770 84
                                    


Nagising ako sa mumunting ingay at pag mulat ng mata ko may tatlong maid ang nag-aayos sa gamit namin at si baby Zero naman ay nakikipag laro din sa kanila.

"Good Morning Mommy!" bati nito nang makita ako.

"Morning baby! Did you sleep well?" tanong ko rito.

"Yup!" sabi nito at ngumiti. Cute! Pati mata nawawala!

"Binibini?" simula ng isang maid.

"Po?"

"Alas syete ng umaga po ang agahan at kailangan niyo na pong mag ayos."

"Oh osige gigisingin ko muna sila, dyan muna kayo sa tabi baka mapano kayo."

Sawakas makakaganti na ako!

Itinaas ko ang isang kamay ko at nag palabas ng madaming snow at ibinagsak sa ibabaw nila Clare at Aira.

"AAAAAAAHHHH!!!!!!! Ang lamig!!!!!!!" sabay na sigaw nila.

"Shh mahiya kayo wala tayo sa atin!"

"Leche ka Miru humanda ka sa akin!" sigaw ni Clare.

"Ops wag na gaganti mag b-breakfast na daw tayo kaya mag ayos na muna," sabi ko at humarap sa mga maid, "Pag pasensyahan niyo na po sila, asal kalye po talaga yang dalawa."

"Wow maka asal kalye ka! Paliparin kita eh!" sabi ni Aira.

"Oh diba! Tara Zero paliguan na muna kita!"

"Ako na po," sabi ng isang pang maid.

"Oh okay."

Kinuha niya si Zero at pinaliguan sa banyo. Lumapit naman yung dalawa pang maid na may bitbit na GOWNS!!

"Alin po rito ang gusto ninyong isuot?" tanong nila.

"I want the mint green!" sabi ni Aira.

"I'll get the dull blue then," sabi ni Clare.

"Yung black and white po ang akin," sabi ko.

"Bat di yung red mas bagay yun!" sabi ni Aira.

"Mas gusto ko yung black and white, eh yung kay baby Zero po?"

"Eto po," sabi nito at pinakita sa akin ang mga choices.

"Black and white po para partner kami," sabi ko.

Ilang minuto lang lumabas si baby Zero na balot ng twalya na buhat pa nung maid. Buti at hindi siya nahihiya at tumatawa pa ito, siguro nag laro sila.

"Ako na muna," sabi ko.

Mas mabilis akong maligo kaysa sa dalawa at oo mabilis ako sadyang mareklamo lang sila.

Pumasok ako sa malaking banyo at ginawa ang business ko.

Pag katapos ko inasikaso ako ng dalawang maid para sa buhok at makeup ko. Wow lang feeling ko prinsesa na ako sa lagay na ito.

Mabilis lang akong inayusan at katapos ko ay si Aira naman ang inayusan nila na katatapos lang maligo.

Alam ko maganda ako at mukha akong diyosa ngayon naman mukha na akong prinsesa.

Yung mga jewelries na ipinasuot sa akin at white gold lahat pero ang hindi ko pinalitan ay yung necklace ko. Ang gown kong mabigat ay kulay white and then may black na lacey pattern sa upper body. Yung buhok kong mahaba ay tinaggal ko ang highlights para mas magandang tignan tapos naka half messy braid and then kulot sa baba tapos may black na flowers sa may baba ng half braid ko. Nakasuot din ako ng kulay black na heels.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon