Chapter 74 ♛

10.5K 414 38
                                    


Ilang araw na ang lumipas at ilang araw na din tambay lang sa dorm yung tatlong lalake. Hindi ko alam anong sense ng pag pasok nila dito o sadyang ayaw lang nilang mag graduate?

Sa pag kaka alam ko ang graduation ay ayon sa kung gaano ka na kalakas at ngayon wala na silang sched, isa lang ang ibig sabihin noon at yun ay malakas na sila.

Sa totoo lang bihira lang ang mga nag g-graduate dito dahil sa totoo lang ulit isa kami sa pinaka malakas na students.

"Hoy bakit ba hindi pa kayo magsi-graduate?" tanong ko kahit tinanong ko na yan sa kanila.

"Ulit-ulit Miru," sabi ni Clever.

"Ayoko pa ngang umuwi sa amin," sagot naman ni River.

"I'm waiting," sagot naman ni Maru.

"Nang alin?" tanong ko kay Maru.

"Hindi alin kundi sino, hinihintay ka namin. Hindi din naman aalis sila Clare kung di ka pa nag graduate," sagot naman ni River kahit hindi siya ang tinatanong.

"Ay ewan ko sa inyo!" sabi at iniwan sila.

Papasok sana ako sa kwarto ng makitang bukas ang pintuan sa kwarto ni Aira at ang ingay.

Pag tingin ko nandoon pala silang lahat at may kung ano-anong ginagawa kay Aera.

"Hoy ang bata pa niyan bakit nilalagyan niyo na ng make up!" bawal ko.

"Gusto naman niya eh!" sagot ni Aira.

"Mana sa ate yan!" sagot naman ni Clare.

"Kailangan maganda ako! Pupuntahan ko si Zero mamaya!" sagot naman ni Aera.

"May crush yata itong si Aera kay Zero," sabi naman ni Care.

"Ang bata mo pa," sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Yaaaaaa! Ops! Dapat pala mabait ako sayo! Hello future mother-in-law!" sabi agad nito.

"Mother-in-law!? Bawalin mo nga yang kapatid mo Aira! 4 years old lang yan!" sabi ko at nilayasan ulit sila.

Mother-in-law? My ghad! Ang advance ng utak ng mga bata ngayon.

Pumasok ako sa banyo at hinanda yung bathtub dahil well wala akong magawa kaya mag bababad nalang ako pero on the second thought may naisip pala ako.

"Hoy River!" sigaw ko pagpunta ko ng sala.

"Oh?!" sigaw nito pabalik.

"Clever!" sigaw ko ulit.

"Bakit?"

"Naisip ko lang na never pa tayong nag swimming ulit! Kaya dali gawa na kayo ng pool sa likod bahay," paliwanag ko.

"Nice gusto kong mag swimming!" sabi ni Clare na kalalabas lang galing kwarto.

"Pagagalitan tayo ni headmistress," sagot ni Clever.

"Tss ano ba yan!" reklamo ko.

"Bat ka pa pagagawa kung may pool naman ang school," sabi ni Maru.

"Eh ginagamit yun ng swimming class at iba pang students," paliwanag ko.

"Edi paalisin," sagot nito.

"Ay wow ah! Saan ang manners Maru?"

"Ewan ko sayo," sabi nito.

"Titignan ko na lang kung ginagamit nila at papareserve ko na din," sabi ni River at tumayo sabay hila kay Clever.

"Oh bat mo ko hinihila?" tanong ni Clever.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon