Chapter 15 ♛

26K 1K 19
                                    

♛   

"Hoy Harumi! Bitawan mo na muna yang libro na yan!" saway ni Clare. "Mamaya na patapos na din ako," kasi naman hindi naman makapal ang book kaya matapos ng isang araw. "Bukas mo na ituloy nag sleep over pa tayo kung hindi tayo mag k-kwentuhan."

"Kanina ka pa kaya nag k-kwento diyan."

"Yun nga eh kwento ako nang kwento si Aira lang nakikinig."

"Ugh oo na po eto na ililigpit na," sabay tabi ng libro. Nasa kwarto kami ni Aira ngayon at nasa kama kaming lahat naka upo. Boring kaya makinig sa mga kabaliwan niya parang si Anne lang.

"Well..." umpisa ni Clare sabay tingin sa akin. "What?"

"Kwentuhan mo kami sa buhay mo sa normal world," sabi ni Aira. "Ha? Naku wag na wala naman exciting sa buhay ko no."

"Dali na kahit yung mga ginagawa mo sa school lang," pilit ni Clare.

"Well... may bestfriend akong baliw na tulad ni Clare, her name is Anne. Childish yun at pabebe kaya minsan, I mean lagi ko siya binabara. Ewan ko nga bat ako natagalan nun eh."

"Wow I want to meet her," sabi ni Clare. "Kung pwede lang."

"Well pwede naman na hindi," sabi ni Clare. "Clare what are you thinking?" tanong ni Aira. "Well hindi pwede kasi bawal umalis sa Academy pero pwede kasi pwede tayong tumakas gaya ni Maru!"

"Oo nga no! Naka punta na siya doon at isa siyang dakilang stalker!"

"Oh yes tell us about Maru!" excited na sabi ni Aira. "Huh?"

"Paano mo siya nakilala?"

"Hmm nakita ko siya sa roof top."

"At bakit ka nandoon?"

"Tinakasan ko iyong baliw kong kaibigan at tatlong hari."

"Huh? Anong tatlong hari? Di namin gets kaya paki ayos," sabi ni Clare. "Ganito kase yun..." sabi ko at kinwento ang buhay ko sa school.

Pinakilala ko na muna sa kanila kung sino-sino ang mga kaibigan ko roon at isa-isang k-nuwento kung anong klaseng tao sila.

"Waah! I want to meet them!" sabi ni Aira. "Ako din! Gusto kong ma-meet yung tatlong papable mo!"

"Hindi sila sa akin no, well iyong isa lang!" paliwanag ko sabay tawa. "Boyfriend mo?!" tili nila. "In my dreams." sabi ko with a disappointed look. "Well may Maru ka naman dito eh! Yiieeh!" sabi ni Aira. "What? Joke ba yun? Kasi sabihin mo lang tatawa na ako!"

"Sus may something sa inyo ni Maru diba! Aminin mo na ang obvious niyo kaya!" pilit ni Clare. "Walang something mag kaibigan lang kami."

"Ano? Magka-ibigan?" tukso ni Aira. "Ay bahala kayo wala talaga. Ikaw nga diyan eh Clare!"

"Napano ako?" tanong niya. "Sus wag mo nang itago alam namin na mag-on kayo ni River" sabi ko. "Huh!? No way! Hindi ko type yung water boy na yun!"

"Weh! Pakipot ka pa bestfriend!" sabi ni Aira. "Ho...oy bat ba napunta sa akin ang topic!"

"Inumpisahan mo eh," sagot ko. "Oh tigil na walang patutunguhan to," sabi ni Clare. "Pero matanong ko lang."

"Ano?" sagot ni Aira. "May gusto ba talaga sa River sayo Clare?" Mukhang nagulat sila sa tanong ko at nanahimik sila hanggang sa nagtinginan sila at sabay na tumawa nang malakas.

"Wala no hahaha grabe ka mag joke!" sabi ni Clare. "Kaya nga nag tatanong diba! Si Liam kasi ganyan siya akala ko nung una pinag tritripan niya lang ako pero hindi pala sadyang manhid lang ako."

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon