Chapter 7 ♛

31.9K 1.1K 38
                                    


Naka upo ako sa pinaka huling row kung saan naka upo yung lima. Bali ganito yung arrangement.

3 people |space| River, Clare, Aira |space| Clever, ako, Maru|

At sa kamalas malasan katabi ko si Marung-baliw. Pumasok yung teacher namin at nag discuss. Kamukha lang ng subject sa normal world ang pinagka-iba lang may fly subject kami at magic subject.

Hindi consistent ang mga subject, minsan isang araw lang tapos wala na tapos may bago na naman. In short magulo. Hindi ko namalayan yung oras dahil nakikinig lang ako sa teacher at narinig ko na lang tumunog ang bell, senyales na lunch break na.

"Tara na sa ground field," yaya ni Clever sa amin. Pumunta naman kami sa ground field at wow isa palang  picnic ground to eh. "Eh? How come may puno? Diba lumulutang tong school?"

"Plant mage ang may gawa niyan," sagot ni River. "At ang ground naman ay ang earth mage," dagdag pa niya. "Wow nice!"

"The air we breathe is the natural air from below."

"Totoo?"

"Yup, yung tubig natural din galing sa baba na dinala rin dito."

"Sino yung mga mages nagdala dito nun?"

"I k-kwento namin sayo mamaya ngayon mag ayos muna tayo ng pagkain," sabi ni Aira.

Umupo lang kami at kinuha yung pagkain na luto ni Clever. Kumain kami at nag start ng mag kwento si Aira.

"Yung may gawa ng school na to ay yung mga magicians na gustong bumuo ng magandang eskwelahan para sa mga susunod na generation. Binubuo ito ng mga elemental mages which is Air, Earth, Water and Fire kasama yung sub-elements. Sila ang bumuo ng school na ito. Actually nasa lupa lang ito nung una pero itinaas nila ito nang magkagulo. Simpleng school para sa mga magicians. Doon sila natuto kung pano gamitin ang mga powers nila. Habang tumatagal dumadami ang klase ng magic, hindi lang elements."

"Paano?"

"Actually matagal ng may basic magic hindi lang nila nadiskubre agad dahil hindi naman ito mabalis ilabas sa isang tao"

"Ohh so yung elemental magic mabilis lumabas?"

"Oo, agad mo ito makikita pero mahirap kontrolin. Ang namumuno sa kanila ay Elemental mages."

"Sino ba yung mga elemental mages?"

"The air mage is my dad Airo Summers," sabi ni Aira.

"Water mage is my mom Rain Van Amstel," sabi naman ni River.

"The earth Mage is my mom Lime Harlan," pag papakilala ni Clever.

"My dad is the fire mage Hiro Von Brandt," bored na sabi ni Maru.

"And my dad is the lightning mage Sparks Parker," at proud na sabi ni Clare.

"Wow! Mga parents niyo ang founder ng school!"

"Naging founder lang sila dahil sila ang nanguna sa pag protekta sa school at sila din ang naka isip na itaas ito. But this school actually existed before pero hindi ito focus sa mga magicians lang. More like normal school lang para sa citizen ng Magical World. Bali nung nag aaral na rito sila mama ay doon nagsimula na gawin itong school for the magicians."

"Pero ang kwento sa akin ni papa ay naisipan lang naman nila iyon para makalaya sila sa mga magulang nila. I mean most likely si tito Hiro daw ang gustong ihiwalay ito at gawing boarding school of magicians ang school."

"Well yeah, hindi maganda ang relation ni dad sa mga grandparents ko," pag agree ni Maru kay Clare.

"Actually meron pang isang mage na hindi nabanggit," sabi ni Aira. "Sino?" tanong ko.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon