Chapter 85 ♛

9.8K 383 28
                                    


Sa nag daang araw ay balik sa school kaming lahat. Sa pag kaka alam ko kasi ako lang ang kinulong pero talaga hindi din sila pumasok. Si Care at ang dalawang bata lang ang pumapasok sa kanila.

Madaling araw palang at gising na gising na ako. Bigla na lang kasing sumulpot si Snow at binulabog ako sa pag tulog ko.

Ginising ko ang mga kasama ko at ngayon ay nasa sala kami lahat.

"Anong oras palang Snow bakit ba rush na rush ka?" tanong ni Clare.

Lahat sila antok na antok pa. Nakaupo si River sa tabi ni Clare at nakayakap ito habang tulog. Jusko umagang-umaga PDA!

"Dahil dito!" sabi ni Snow at lumabas ang librong binigay sa akin sa Glenstid.

"Ang Elemental Princess?" tanong ni Clever.

"Ano naman ang meron diyan?" tanong ko.

"I found out who the last elemental prince," sagot niya.

"Pero akala ko ba napunit din yun sa ala-ala mo?" tanong ko.

"Yes, kaya gumawa ako ng paraan para mahanap siya. Matagal din akong nawala and I'm sorry for not being here noong malungkot ka."

"It's okay, nandito naman sila para suportahan ako."

"Yeah pero nakakalungkot isipin, napaka gwapo pa naman ni Liam. Alam mo bang crush ko siya?" sabi nito at natawa naman ako.

"Back to the story," sabat ni Maru.

"Umalis ako para mahanap ang elemental mage, pero hindi ko siya mahahanap kung hindi ko alam kung sino ang huling mage."

"So sino siya?" tanong namin.

"He's..." putol na sabi ni Snow nang biglang bumukas ang pinto.

"He's Alistair Gregory, an air magician."

"Dad," biglang sabi ni Maru.

Pumasok ang lalaking may matipunong pangangatawan at may napaka striktong aura. Kamukhang-kamukha siya ni Haruma pwera sa mga mata nito. Ang mga mata nito ay para nag liliyab sa mga apoy hindi tulod ng kay Maru na napaka kalmadong apoy.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Maru.

"Hindi lang ako ang naririto aking anak," sagot nito at may sumunod pang pumasok.

"Mom! Dad!" sigaw nila na para bang ayaw nilang nandito sila gaya ng sigaw ni Maru kanina.

"What are you doing here?" tanong ni Aira.

"Oh darling I just want to visit you, and is Aera doing well?" tanong ng magandang babae na kamukha si Aira. Nakahawak siya sa lalakeng may hawig kay Aera.

"Seriously why are you all here?" bored na tanong ni Maru.

"Hindi ka pa din nag babago Maru, pati ba itong si Clever ko ay hindi din ba nag bago?" tanong nito at ngumiti ng matamis.

Ang ganda niya, yun lang ang masasabi ko. Para siyang isang fairy at ni hindi mo malalaman na mama siya ni Clever dahil wala silang hawig. Mukhang nag mana si Clever sa papa niya.

"Yo ma boy!" sabi ng isang babaeng may asul na asul na mata.

"Yo ma mom!" sabi ni River.

Mukhang na mana ni River ang pagiging jolly sa mama niya. Maganda din ang mama ni River at ang pinaka gusto ko ay ang buhok niyang mahaba na parang laging nasa salon sa sobrang kintab.

"Hoy Van Amstel! Girlfriend mo na itong anak ko?" sigaw ng papa ni Claire.

Actually hindi din sila magkamukha yung kulay lang ng mga mata nila ang pareho pero mukhang pareho sila ng pag uugali ni Clare.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon