Chapter 28 ♛

21K 901 223
                                    


Natapos ang kalahati ng araw at ang ginawa ko lang ay ang matulog. Pagod na pagod ang buong katawan ko sa pag t-training namin sa Heiwa Island at ngayon pa lang ako bumabawi ng lakas.

"Miru kelan ka ba tatayo diyan? Lunch na oh," reklamo ni Aira.

"5 minutes!"

"Sus kanina pa yan! Bahala ka kung ayaw mong tumayo uubasan na lang kita ng pagkain."

"Eto na tatayo na, Aira wag mong uubusin paliliparin kita!"

"Dalian mo ng umabot ka pa!"

Agad akong naghilamos bago bumaba dahil sa gutom na ako at alam kong uubusan niya ako ng pagkain.

"Oh bat ka nag mamadali Miru?" tanong ni Clever sa akin pagkababa ko.

"Ayan kasing si Aira uubusan ako ng pagkain."

"Kakatapos ko pa lang mag luto eh, tatawagin ko na muna sila Clare at River."

Pumunta ako sa kusina at nakita ko ang walangyang babae na nag lalaro sa phone niya. Ginagamit niya pa din yun kahit na may mas maganda kaming phone dito. Binatukan ko naman siya at kasabay noon ang paghangin ng malakas.

"Aray ko ah!"

"Aray ko, aray ko! Isa pa gusto mo? Minadali ko pa naman akala ko mauubusan na ako ngayon pala kakatapos niya lang mag luto."

"Para naman tumayo ka na."

"Oh napano kayo?" tanong ni River pag pasok sa kusina.

"Ayan kasi namamatok!" sumbong ni Aira.

"Asan si Maru?" dagdag pa niya.

"Ewan ko, wala na siya sa kwarto niya kanina pa eh," sagot naman ni Clever.

"Ah! Nakita ko kanina sabay silang kumain ni Care," sabi ni Clare.

Magkasama na naman sila?

"Kain na tayo."

Nagsi-upo kami at kumain nang maayos ng biglang pumasok si Maru, kumuha ito ng isang pitsel ng juice galing sa ref at agad na lumabas. Sinilip ko kung saan siya pumunta at kay Care pala na nasa sala. Ay wow bahay ni Maru to para mag dala ng bisita niya?

Ugh! Hindi ko alam bat ako naiirita sa presence ni Care. Dahil siguro naiiwan akong mag isa dahil kung partner lang ang titignan partner kami ni Maru sa team namin at ngayon solo na ako dahil sila na yata ang partner.

Ang hirap talaga ng pinag papalit. Pero mas mahirap yung iniiwan, ay ako pala ang nang-iwan. Leche! Nakaka ampalaya na ah! Ugh gusto ko ng bumalik ng normal world! Ayan sige magdusa ka Miru, okay kinakausap ko na ang sarili ko.

Pagkatapos kong kumain umakyat ako ng kwarto at binuksan ko yung bigay na high-tech laptop sa akin. Actually ganito yan, binigyan ako nito pagkatapos ng mission since meron na yung lima ako lang ang binigyan. Sana pag na complete ang mission ngayon ay bigyan ako ng 1 week sa normal world yung ako lang mag-isa para naman makasama ko si mama at sila Anne.

Binuksan ko ang laptop at pumunta sa messeger, ngayon ko pa lang susubukan ito kaya di ko alam kung available siya dito.

Halos magwala ako ng makita kong pwede siya. Nakita ko naman online ang bruha kong bestfriend kaya chinat ko.

"Hoy babaita!"

"OH MY GHAD Miru! Miss na kita!"

"OA mo ah."

"Anong OA 1 week na din kaya! Wait lang video call tayo."

Hinintay ko itong tumawag at bumungad sa akin ang panget na pagmumukha niya pag ka accept ko ng tawag.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon