Chapter 100 ♛

9.7K 336 63
                                    

Third Person's P. O. V.

Hindi maintindihan ni Celeste ang ibig sabihin ni Crimson. Tinawag niya itong apo.

Hindi kilala ng mga magicians ang kadarating na wizard ngunit mababakas ang takot sa mukha ng mga wizards.

"Crimson!" tawag ni Celeste kahit na naguguluhan ito.

Sa kumpol ng mga wizards at magicians ay lumabas ang familiar na pigura ni Crimson. Ang kakambal ni Celeste at isa din elemental mage.

Tumakbo si Celeste palapit rito, niyakap ito nang mahigpit at binaliwala ang lahat ng nagpapalito sa kanya.

Niyakap siya pabalik ni Crimson ngunit nanumbalik ang pagkalito ni Celeste nang maramdaman ang ibang kapangyarihan nito.

"Saan ka ba nagpunta? Bakit mo ako iniwan nang hindi sinasagot ang tanong ko? Totoo bang kakambal kita?" sunod-sunod na tanong ni Celeste.

"Sumama ka na sa akin, nabibilang tayo sa mga wizards."

Mas lalong naguluhan si Celeste sa sinabi ng kanyang kapatid at doon niya na-alala ang huling pag uusap nila.

"Sa susunod na makikita mo ako ay hindi na ako ang Crim na kilala mo."

"Help me..."

"Promise me that you'll free me."

Kung hindi na siya si Crim na kilala ko, sino siya? Bakit kailangan niya ng tulong? Ano bang ibig niyang sabihin? Ilan lamang sa mga tanong ni Celeste sa kanyang sarili.

Tinignan niyang mabuti si Crimson at muli nakapansin ng ikinaguguluhan nito. Tandang-tanda niya na ang mga mata ni Crimson ay kulay crystal blue kagaya ng kanya dahil iyon ang namana nila sa kanilang ama na si Alistair sabi ng mga founder.

"Sino ka?" tanong ni Celeste kay Crimson.

"Mukhang nakukuha mo na ang sitwasyon rito, anak ka nga ni Chione."

"Sino ka?" muling tanong nito.

"Hindi ganyan ang tamang pag tatanong sa iyong lolo. Ako ang Dark King, ang ama ng iyong namayapang ina."

"Papaano? Bakit nariyan ka sa katawan ni Crim?"

"Nagawa ng iyong ina ito hindi ba? Bakit mo pa itinatanong?"

"Ibig mong sabihin ay..."

"I am proud to say ako ang may gawa!" masayang sabi ni Lucy na bigla na lamang sumulpot sa tabi ng katawan ni Crimson.

Hindi alam ni Celeste kung ano ang itatawag sa wizard na nasa harapan nito. Ito ang ama ng kanyang namayapang ina. Marami siyang hindi naiintindihan at gulong-gulo na ito sa nangyayari.

"Bakit mo ginagamit ang katawan ni Crim?"

"Wala naman masamang humiram, kambal kayo ngunit hindi kayo pareho ng mahika. Ang dark magic ay namana nito sa inyong ina. Nasa dugo ni Chione ang dark magic at ice magic."

"Pero bakit mo ito ginagawa?"

"Napakarami mong tanong hija, isa lang ang sagot at iyon ay ang pabagsakin ang mga magicians! Sa pamamagitan nitong elemental mage ay mapababagsak ko na sa wakas ang mga magicians!"

Namuo ang galit ni Celeste nang marinig ang sagot ng kanyang lolo. Hanggang ngayon ay sakim parin ito sa kapangyarihan.

"Pipigilan kita!" matigas na sabi ni Celeste.

"Subukan mo, kung kaya mo hija. Hindi lang ako basta-bastang wizards, nanatili akong buhay hanggang sa makuha ang bagong elemental mage simula noong mamatay ang iyong ama."

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon