Chapter 33 ♛

19.6K 866 83
                                    


Liam's P.O.V.

"Anne wala ka ba talagang balita sa kanya? Baka naman sinabihan ka lang niya na wag sabihin sa akin nang makalimutan ko na siya, kasi hindi effective mas iniisip ko lang siya."

"Wala nga, pareho lang tayong nag aala sa kanya," sagot niya.

"Asan ka na ba babe?"

"Hoy saan ka pupunta hindi pa tapos ang klase natin!" sigaw ni Jin.

"Basta."

Lumabas ako ng room at pupunta sa private room ni Mirko. Naglalakad lang ako sa hallway ng may biglang sumigaw.

"Liam ng buhay ko!" ang jeje naman ng babaeng to.

"Fuck ang ingay mo! Tska pwede ba!"

"Hmm sungit naman ng mahal ko," sabi nito at kumapit pa sa kamay ko.

"Lumayo ka nga!"

"Ikaw naman wag ka ng mag palambing pa! Tara kain tayo," sabi nito at hinila ako papuntang cafeteria.

"Tss bitaw!"

"Bakit ba Liam ko?"

"Hindi ako sayo pwede!"

Nakakaleche tong babaeng to ang kulit, kung di lang siya babae baka nasapak ko na to eh.

"Akin ka lang! Akin!" sigaw nito at napatingin lahat ng tao sa cafeteria, tss agaw pansin!

"Walang sayo!" sigaw ko at umalis pero hinabol pa din niya ako.

"Liam! Kailan mo ba siya kakalimutan? Nandito naman ako!"

"Hinding-hindi ko siya kakalimutan."

"No akin ka lang!" desperada niyang sabi.

"Bahala ka sa buhay mo!" at naglakad ako paalis.

"Bakit ba di mo ko kayang mahalin? Maganda naman ako ah! Mas maganda pa kay Harumi! Ano bang meron siya na wala ako? Sabihin mo!"

"Dahil siya si Harumi at hindi ikaw siya."

"Then sabihin mo lahat ng meron siya, babaguhin ko ang sarili ko! Liam mahal kita!"

"Tama na, pinag mumukha mo ng tanga ang sarili mo."

"Tanga na ako simula ng minahal kita."

"Oo kaya tigilan mo na hindi maganda sa katawan ang katangahan."

"Eh bakit hindi mo tigilan ang pag papakatanga sa kanya?!" sigaw niya at napatigil ako sa paglalakad.

Nagpapakatanga na lang ba talaga ako? Sinabi niya wag ko siyang hintayin pero kabaligtaran ang ginagawa ko dahil mahal ko siya.

Mali ba talaga ang magpakatanga? Pero mahal ko siya, yun lang sapat ng dahilan.

"Ano sabihin mo sa akin, bakit ka nagpapakatanga sa kanya?"

"Dahil mahal ko siya! Siya lang at wala ng iba kaya tama na!" at iniwan ko siyang mag isa.

Tss napa punta tuloy ako sa parking lot ng wala sa oras, uuwi na nga lang ako.

Pagdating ko sa garage ng bahay namin nakita ko ang kotseng nag bibigay ng magandang ala-ala sa amin.

Ang kauna-unahang kotse ko na regalo sa akin nung birthday ko at ang kotse din na binuhusan niya ng pintura.

Hindi ko na ito ginagamit dahil hindi ko naman pinatanggal yung pinturang ibinuhos niya kahit na kulay violet. Adik talaga sa violet kahit kelan.

Yung babaeng adik sa violet... mahal ko iyon eh...

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon