Chapter 30 ♛

19.9K 868 44
                                    


Bumalik kami sa bahay kung saan kami nag simula para mag plano.

"Let's divide into two group," simula ni Clever. "Miru maiwan ka dito kasama sila."

"I'll stay wala naman akong maiitutulong sa laban niyo," sabi ni Care.

"Buti alam mo," bulong ni Clare.

"I'll stay then" sabi pa ni Maru. Tss sila na naman kasama ko.

"Sasama ako," sabi ko kay Clever.

"No, its dangerous at hindi ka pa magaling."

"Kaysa naman maiwan siya dito kasama sila, mapapahamak lang siya lalo pag kasama niya yang dalawang yan," sabat ni Aira.

"Hey tama na yan," awat ni River.

"I'll go, swear mas kailangan niyo ako diyan."

"Fine pero hanga't maari wag kang lalayo sa amin," sabi ni Clever at tumango naman ako.

"We'll come," biglang sabi ni Maru.

"Nababaliw ka ba? Kailangan ng mag p-protekta sa kanila" sabi ni River. Baka kasi anong gawin ng mga wizards sa mga mamamayan kung iiwan lang namin sila.

"We can make a barrier."

"Pero..." angal ni River.

"We're a team," sabi niya.

"Oh di halata sayo ah, feel ko kase si Care lang ang ka-team mo," sabat ni Clare.

"Fine, everyone create the barrier." Command ni Clever dahil mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapan.

Napapalibutan ang bahay ng fire, water, earth, air, lightning and healing barrier.

"Let's go."

Hindi ko alam saan kami pupunta basta takbo lang sila ng takbo since kami ni Aira lumilipad.

"My queen bilisan mo baka mainip kami."

"Na saan ka?!" sigaw ko.

"Sinong kausap mo Miru?" tanong ni Aira.

"Yung shadow wizard, bumulong siya sa tenga ko."

"Miru, Aira! Baba na dito," sigaw ni Clever.

"Bat ka sumigaw?" tanong agad ni Maru.

"Kinausap siya ng shadow wizard," sabi ni Aira kay Clever.

"Na saan siya?"

"Bumulong lang siya sa akin hindi ko siya nakita."

"Bilisan natin ang pag hahanap."

"May nakita akong bundok doon sa medyo malayo at sa tingin ko nandoon sila," sabi ni Aira.

"Tara na."

Nakarating kami sa isang malaking bahay na sobrang luma na at mukhang hindi na ginagamit ng matagal na panahon pa.

"Masyadong madilim sa tingin mo Clare meron ka bang magagawa?" tanong ni Clever.

"Hmm titignan ko," humawak siya pader at naglabas ng power.

Unti-unting bumukas ang mga ilaw sa bahay, hindi ko alam kung tamang ipaalam sa kanila na nandito na kami pero since feeling ko kanina pa kami sinusundan nung shadow wizard na yun hinayaan ko na.

"Welcome our visitors," dinig namin sa isang pamiliar na boses. Ang shadow wizard...

"Magpakita ka!" sigaw ko.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon