Chapter 95 ♛

10.1K 389 48
                                    

Wala kaming training ngayon upang makapag pahinga dahil kasama sa training ang tamang pahinga.

"Wala sa kwarto niya si Zero," sabi ni Maru sa akin.

"Nasa library na naman ba niya?" tanong ko at tumango ito.

Nag tungo ako sa kwarto ni Zero at agad na binuksan ang pinto papunta sa dating underground secret passageway namin na ngayon ay library na ni Zero. Ngayon pa lang ako papasok ulit dito ng dahil napakarami kong dapat aralin.

Pag baba ko ay na amaze ako sa nakita ko. Mukhang mas linakihan ito ni Clever, pero ang pinag tataka ko ay kung saan galing ni Zero ang mga librong hindi ko na mabilang sa dami.

"Zero!" tawag ko dahil hindi ko naman ito makita.

Well birthday ni Zero ngayon, November 22nd and 2 days after this is Care's birthday. Five years old na ang baby ko at syempre ay nag handa kami ng kaunting surprise party sa kanya.

Bigla ko na lang nakita si Zero na lumabas sa may dulong shelves.

"Hello baby!" bati ko.

"Hello mom!" sagot nito at tumakbo papunta sa akin.

Hinalikan niya agad ang aking pisngi at masayang ngumiti sa akin.

"Saan mo galing ang mga librong ito?" tanong ko ng umupo kami sa sofa.

Maayos ang pag kaka decorate ng library niya at pwera sa mga books ay may sarili itong refrigerator, aircon, banyo, comportableng mga sofa at katamtamang laki na table.

Binuksan ko ang refrigerator nito at nabigla ako sa dami ng pagkain nito.

"Saan mo galing ang mga ito?" tanong ko.

"The books are from sir Tech and other professors, kahit si headmistress ay binibigyan ako ng libro. Si papa naman ang pumupuno ng pagkain diyan," sagot nito.

Wow ah ang daming connection nito, pati si headmistress ay ka close.

"Akyat na tayo baby," sabi ko. Mukhang tapos na din sila sa pag aayos dahil naramdaman ko ang signal ni Clever sa lupang inaapakan ko.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan naman niya ito. Sabay kaming umakyat at lumabas ng kwarto nito.

Pag dating namin sa sala ay agad siyang binati ng mga ito.

"Happy Birthday Dear Zero!" bati nila at agad naman nag bukas ng party poppers ang mga ito.

Tinignan ko ang reaction nito at mukhang masaya naman ito. Sa ilang taon nag daan ang birthday niya ay alam kong ito ang first time na mararanasan niya ang ganitong celebration.

"Thank you po!" masayang sabi nito.

Pinag kanta namin ito at masaya itong nakatingin sa kanyang cake.

"Make a wish na baby tapos i blow mo na ang candle," sabi ko sa kanya.

Sinunod niya ang sinabi ko at masaya kaming pumalakpak.

"My wish will come true," masayang sabi nito sa akin.

"I know," sabi ko sa kanya.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Binigay namin ang mga regalo sa kanya at masaya niya itong binuksan.

"Una mong buksan ang sa akin!" masayang sabi ni Aera sa kanya.

Hindi naman umangal si Zero hindi gaya dati na makikita pa lang niya si Aera ay lumalayo na.

Pag bukas nito ay tumambad ang cute na bracelet na mukhang gawa ni Aera.

"Handmade ko yan!" masayang sabi nito kay Zero.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon