Chapter 3

659 12 0
                                    

It's not the end for you

                                                                        -3-

                                      PAGKATAPOS ng insidenteng yun ay hindi ko na muling nakita si Joaquin. It has been three days. Tatlong araw na wala ang presensya nya at sa totoo lang, nacucurious ako pero hindi ako nagtatanong kay Nanay Carmen dahil baka kung ano pa ang isipin nya.

Sa loob din ng tatlong araw na iyon ay hindi pa rin ako nakakamove on kay James. Sabihin nyo nang madrama ako pero talagang masakit sa akin ang mawalan ng kasintahan, ex-fiancee to be exact. At kahit magtatalong buwan na akong naaapektuhan ng pagkawala niya, parang wala na akong pakialam. Ang sakit sakit lang, sobra.

I've been a good person, a good daughter. Lahat ng gusto ng magulang ko ay sinunod ko. Lahat ng ipinagawa nila sa akin ay ginawa ko. I've been a good friend to my friends. Wala akong nakasamaan ng loob, wala akong naapakang tao. I've been a good boss. Ni minsan ay hindi ko sila pinagtaasan ng boses. I'm also generous when it comes to giving them bonuses or whatever financial aid they may need. Lahat ng alam kong tama, ginawa ko na. Pero ano pa ba ang kulang? Ano pa ang kulang at ang kaisa-isang lalaking nakakapagpasaya sa akin ay kinuha pa?

What did I ever do to deserve this?

Nanghihina ako sa tuwing maalala ko yun. At mabuti na lang mag-isa ako dito sa isla dahil kapag nakita ako ni George or ni Cel na parang baliw dito at iyak ng iyak, tiyak kong lulunurin nila ako sa dagat para makalimot.

Ayoko na rin naman na laging nagmumukmok, pero I can't help it. What should I do? Lumayo na nga ako para makalimot pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin magawa?

I'm hopeless. I really am.

Buong araw ay nasa kwarto lang ako.

Wala akong gustong gawin, wala akong gustong kainin, wala rin akong gustong makitang tao. Buong maghapon ay nakatingin lang ako sa larawan namin ni James. Wala akong magawa. Wala na akong gustong gawin. Minsan nga naiisip ko, sumunod na lang kaya ako kay James?

Ipinikit ko ang mga mata ko. Tuyung tuyo na ang mga mata ko sa kakaiyak. Pero parang hindi naman nauubos ang mga luha ko kahit na ang hapdi hapdi na ng mga mata ko. But I didn't stop myself from crying. I cried my heart out dahil baka sa paraang ito, matutunan ko nang makalimot.

Halos malaglag ang puso ko nang may kumatok ng pagkalakas lakas sa pintuan ko. Hindi lang isa, but a series of knocks at halos magiba na ang pintuan. I opened the door only to find out that it was him who is knocking. 

Wala na akong lakas na tanungin siya kung bakit siya nandito kaya I just gave way para makapasok sya, kung papasok man siya.

Isla Luna : Illegal DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon