Chapter 18

367 15 1
                                    

More than Enough

                                                                   -18-

                             HINDI ko alam kung anong oras na nakatulog si Joaquin kagabi. Hindi ko na nga namalayan na pumasok na pala siya sa kwarto namin kagabi eh. Magkausap pa kasi sila ni Adam sa cottage kagabi. Marami pa silang pinag-usapan about Joaquin's ownership of the Island at kung paano nila paplanuhin ang court hearing, in case madala doon ang kaso.

Sa sobrang antok ko ay nauna na ako sa kanilang dalawa.

Marahil ay napuyat nga si Joaquin dahil 9am na at hindi pa rin siya nagigising. Tiningnan ko ang mukha niya at napakapeaceful nito habang natutulog. At di hamak naman na mas gwapo siya kapag maaliwalas ang mukha niya. Hindi kagaya nitong mga nakaraang araw na parang marami siyang iniisip at inaasikaso. Well, can't blame him. Alam ko kung gaano niya kamahal ang Isla at kung gaano siya katakot na mawala ito.

Hinaplos ko ang mukha niya. Grabe. Mahal na mahal ko talaga siya. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ko siya minahal gayong ilang araw pa lang kaming nagkasama noon. Pero ganito na agad kalalim ang pagmamahal ko sakanya. Nagawa ko ngang talikuran ang pamilya ko, ang lahat lahat ng nakasanayan ko para sa kanya.

Siguro nadala lang ako ng kagwapuhan ng mokong na to. Pero hindi rin eh, dahil may iba sakanya kaya madali ko siyang nagustuhan. It's like we really are destined to be together. Na presensya pa lang niya, okay na okay na ang sistema ko, wala na akong hahanapin pa.

At dahil maganda ang mood ko ngayong araw, I took the opportunity and went into the kitchen. Ipagluluto ko si Joaquin. Pakiramdam ko ito na lang ang kaya kong gawin para mapagaan ang loob niya kahit papano.

As usual, busying busy na naman ang mga tao sa Isla. Medyo dumadami na rin kasi ang guests simula ng irenovate nila ito. And I could see na ikinasaya iyon ng mga katrabaho ni Joaquin. 

Wala naman ako masyadong alam sa kusina but I definitely know the basics like cooking hotdogs, eggs, pancakes, and such. Binuksan ko ang cupboard at napangiti ako. Isang buong cabinet ay puno lang ng mga cereals! I checked the refrigirator at tama nga ako, puno din iyon ng strawberries. I wonder kung saan sila nakuha ng strawberries dito.

Si Joaquin talaga, he really really takes good care of me. 

Hinanap ko si Nanay Carmen.

"Nay, ano po ba ang paboritong almusal ni Joaquin?" Naisip ko kasi na mag-effort naman na ipagluto si Joaquin ng paborito niya. Alam kong maappreciate naman niya kahit anong lutuin ko pero syempre, mas maganda na rin yung gustung gusto niya di ba?

Isla Luna : Illegal DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon