Chapter 24

327 9 0
                                    

Brown Envelope

-24-

"MISSED US?" They asked in unison.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Meeeeeeg!" Then they both hugged me. At sa higpit ng yakap nila, parang hindi na ako makahinga.

I still could not believe that my two best friends are right in front of me!

Humiwalay sila ng pagkakayakap sa akin.

"Hoy Margarette ha. What kind of a friend are you? Hindi mo man lang kami sinabihan na mawawala ka!" May halong pagtatampo ang boses ni Cel.

"And what kind of friends do you think are we? You think we can't keep secrets? Hmp. Sana sinama mo na rin kami sa beach!" Nagtatampo namang sabi ni George. Hindi ko lang alam kung nagtatampo siya na tinago ko sakanila ang pagpunta sa Isla Luna or dahil hindi ko siya naisama sa beach.

Pero seriously, how did they know na andito kami? Na nakabalik na ako sa Manila?

George's gaze shifted from me to the man behind me.

"Oh, hi Joaquin!" Nagulat ako nang bigla na lang naglakad si Georgina papasok ng condo. "So you are Meg's precious one, huh? Wow she is right. Ang gwapo gwapo mo nga!"

Then she pinched Joaquin's cheek. Nanlaki ang mga mata ko! Pero nagulat ako ng imbis na magsungit ay napatawa si Joaquin.

Wait. Wait.

"Teka... Y-you know each other?" I asked disbelievingly. Naramdaman ko ang unting pagtawa ni Cel sa gilid ko habang pumapasok sa condo. I closed the door at muling tiningnan si Joaquin at Georgina na ngayon ay parehong nakahalukipkip at ngumingiti ng nakakaloko sa harap ko.

"Napanood namin sa TV yung eksena nyo sa hospital, so we already knew you're already here." Sabi ni Georgina.

"By the way, sorry for your mom, Meg." Cel said apologetically.

"Oh come on. The bitch deserve that." Mataray na sagot ni Georgina. The ever tactless Georgina.

"George!"

Pero umirap lang sa hangin si Georgina. Well, hindi naman ako naiinis sakanya dahil sanay na ako kay George. She does not care about anything as long as she knows she is right.

"So as I was saying, napanood nga namin kayo sa TV. So I used some connections to find you both, and tada... we called your hubby and he said na andito nga kayo."

Napatingin ako kay Joaquin who is now smiling genuinely at me.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. When he is just inches from me, he leaned forward to kiss my forehead.

"I know you needed some friends right now." He told me. "You talk."

Napansin kong aalis si Joaquin kaya naman hinawakan ko siya sa braso. "Where are you going?"

"I had to talk to Adam as well."

Tumango lang ako sakanya. Nginitian niya muna sina George at Cel. Bago siya tuluyang umalis ay binigyan niya ako ng matamis na halik sa labi.

Namula ang pisngi ko. He kissed me in front of George and Cel! Oh God. Ni hindi nga namin nagawang maging sweet in public ni James before eh.

Kaya naman nang makaalis na si Joaquin eh mapanuksong mga tingin ang ibinigay sa akin ng dalawa kong kaibigan.

"So... In love ka na niyan?" Tanong sa akin ni Cel.


Namula yata ang pisngi ko.


"No need to ask her, Cel. Her face shows."

Isla Luna : Illegal DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon