Chapter 23

305 9 3
                                    

 MISSED US?

                                                                - 23-

                   

                                 FIFTEEN. TWENTY. THIRTY MINUTES. Magkayap lang kami ni Joaquin. His warmth. His embrace. It comforts me. Kahit wala siyang sabihin or gawin, sapat na ang mga yakap niya parapakalmahin ako.

And I hated myself na kahit ilang segundo lang, ay sumagi sa isip ko na sundin na lang ang kagustuhan ng mga magulang ko na iwan si Joaquin at magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal para lang matanggap nila akong muli. 

I hated myself for being able to think na kaya kong iwanan ang kaisa-isahang lalaking minahal ko ng ganito because I know for myself that I really could not do that.

Ikamamatay ko. Ganoon ko siya kamahal.

Ilang beses ko na bang sinabi kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko nararamdaman ang pagmamahal niya sa akin. Sa mga panahong hinahanap ko ang sarili ko, si Joaquin lang ang nagtiyagang damayan at tulungan ako. Sa kabila ng lahat ng pang-hahamak na natamo niya mula sa pamilya ko, he still stood by me at walang takot niyang hinaharap ang lahat para sa akin.

Dapat ganoon din ako. In love, it takes two to tango. It's a two way process at hindi lang ako dapat tanggap ng tanggap sa pagmamahal niya. I should not just love him. I should also be able to stand by him, through thick and thin. Because Joaquin and I's love deserves a good fight.

At sa pagyakap ko sakanya ngayon, mas lalo akong nabuhayan ng loob na ipaglaban kung ano ang ipinunta namin dito sa Manila.

We came here not to give in, but to show those people who do not believe in us that we are unseparable.

Joaquin and I decided to rest for a while para makapagplano kami ng mas maayos. Naisipan ko siyang dalhin sa condo ko, besides my mga ilang gamit din naman akong kailangang makuha doon.

But to my dismay, hinarang kami ng guard ng condo ko, telling us that we can't pass any further dahil pinagbawalan ng pamilya ko ang pag-access ng condo ko.

"Sorry Ma'am Meg, mahigpit na utos lang po ni Madam Elena."

Napatingin ako kay Joaquin. He just smiled at me at inalalayan na ako paalis ng condo.

"I asked Adam if he knows a place we can use temporarily. And he said he is willing to let us use his extra condo in QC."

Tumango ako kay Joaquin bilang response. I thank God he had a friend like Adam. Masyado na siyang maraming naitulong sa amin ni Joaquin.

Isla Luna : Illegal DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon