Welcome to Isla Luna
-1-
The moment I set foot on the lands of this beach, I told myself… I need to move on. I must move on.
Inalis ko ang sunglasses na suot ko at iginala ang mga mata ko sa buong lugar. Tumatama sa kutis ko ang mainit na sikat ng araw. Tanghaling tapat nang makarating ako sa Isla Luna, ang islang ipinayo sa akin ni Georgina.
She said I could take some break to compose myself. And I really hope, coming to this place is a really good idea.
“Salamat po, manong.”
Iniabot sa akin ng boat driver ang mga gamit ko. Dalawang maleta lang naman ito because I’m only staying here for two weeks. Sana ay sapat na yun para ayusin ko ang sarili ko. And in two weeks time, I’ll open myself to my mother’s suggestion: dating. Petty idea, I know, pero like what my mom had said, “You need distractions, Margarette.”
Habang naglalakad ako sa Isla ay hindi ko mapigilang mamangha. The island is just simple at wala masyadong tao at turista… Pero napakaganda ng dagat dito. Sobrang linaw ng tubig at kitang kita mo ang makukulay na kayamanan ng dagat. Bukod pa rito ay ang pagiging maaliwalas ng lugar. Buhay na buhay at tili nagsasayawan ang mga puno na pumapalibot sa buong lugar. Maganda rin ang pagkakaayos ng main resort at ng mga cottages. Refreshing, indeed. At kahit mainit ang sikat ng araw, malamig naman ang simoy ng hangin.
Finally, I coud breathe peacefully. This place is very much far from my hometown. Sa Manila kasi, puro usok. Bihira kang makasagap ng fresh air.
“Magandang Umaga! Anak po ako ng mama ko. Narito po kayo sa Isla Luna. Welcome po!”
Nagulat ako at napatingin sa batang babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa lobby ng reception.
“Nako Ma’am. Ang ganda ganda ganda ganda nyo naman po!” masayang sabi ng bata. Nginitian ko siya.
“Uhm.. Hi. Anong pangalan mo?” tanong ko sakanya.
“Liit po! Angelina ang totoo kong pangalan pero ang tawag po nila sa akin dito ay Liit!”
Napangiti ako. Napakabiba ng batang kausap ko ngayon. Magtatanong pa sana ako sakanya nang may biglang matandang babae naman ang pumasok mula sa kusina.
BINABASA MO ANG
Isla Luna : Illegal Desires
Romansa[BOOK 1] "Perfection: You and I" -Margarette Louise Del Valle