Chapter 5

665 14 0
                                    

A Chance To Be

                                                                       -5-

                               

                                       Today is my my sixth day in this Island and so far, my experience is by far fun. I had never enjoyed myself more than I am now. Yesterday, wala kaming ginawa ni Joaquin kung hindi ang magkwentuhan ng magkwentuhan. In just a few hours, I felt like we've known each other for years. Sobrang makwento rin pala nyang tao. Minsan nga nakakasama pa namin si Nanay Carmen sa kwentuhan pero saglit lang dahil may mga kailangan pa raw siyang tapusin sa kusina.

"A little left more. Wala naman sa alignment eh!" tawa ko ng tawa habang pinapanood si Joaquin na maglagay ng mga dekorasyon sa  plato. Right now, we are decorating the whole resort. Why? As the CEO of the largest advertising company in the country, yours truly, I suggested na pagandahin namin ang buong lugar. Of course, we'll start at the lobby na lang dahil ito ang unang makikita ng mga turista pagkarating na pagkarating nila sa Isla. Maayos pa naman ang mga cottages kaya hindi kailangang palitan, kaya hindi rin kailangang gumastos ni Joaquin. As for the resort, I suggested na gumawa na lang kami ng decorations from recycled materials and since island naman ito, nangolekta na lang kami ng mga kahoy at dahon sa paligid atsaka namin dinesign-an para gawing palamuti sa buong lugar.

At ngayon nga, bilang lalaki si Joaquin, siya ang umaakyat ng hagdan at nagkakabit sa matataas na lugar ng lobby.

"Eh ano ba talaga? San ko ba talaga ilalagay to?" medyo naiinis nyang tanong sa akin. Alam kong hindi naman talaga sya naiinis, naguguluhan lang siguro dahil kanina ko pa sya inuutusan na baguhin ang placement ng welcoming banner.

"Sige na, sige na. Pwede na jan. Sungit." nakangiti kong sabi sa kanya. Sa wakas nagliwanag na rin ang mukha nya. Haha. Parang bata, ayaw mahirapan.

Umalis muna ako at nagpunta ng kusina. Kanina ko pa pinapagod si Joaquin kasi sya lang naman ang nagawa eh, ako taga-utos lang kung saan dapat ilagay. Kaya para naman makabawi sakanya, I decided to make him a smoothie. I heard from Nanay Carmen na mahilig si Joaquin sa Avocado kaya ayun na lang ang ginawa ko para sakanya.

Hindi ko pa natatapos ang ginagawa kong smoothie nang maramdaman ko ang malamig at malagkita na bagay sa pisngi ko.

"Joaquin!" sigaw ko sakanya. Tawa naman syang tawa sa reaksyon ko. Pinahiran nya ako ng lupa sa pisngi! Take note, LUPA!

Kinuha ko ang pinaka-unang bagay na nakita ko sa may kitchen counter. Ha! Humanda ka!

Nanlaki naman ang mga mata nya atsaka nagsimulang tumakbo paikot ikot sa may lamesa.

"Patay ka sa kin pag nahuli kita!" Sabi ko habang hawak hawak ang isang tipak na yelo. Tawa lang kami ng tawa habang naghahabulan, naghahabulan na parang mga bata. At ewan ko ba sa lalaking to dahil ang hahaba kasi ng mga paa kaya ang lalaki ng hakbang, ang hirap tuloy abutan.

Isla Luna : Illegal DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon