Chapter 6

555 13 0
                                    

 Uncontrollaby and Undeniably

                                                                         -6-

"Margarette?"

"Hmm?"

"Is there a chance that you could be happy with me?"

I held my breath for God knows how long. Para akong nabingi na lang bigla. Hindi magsink in sa akin ang sinabi ni Joaquin. More like, tinanong. Wala akong naintindihan. Wala na akong naiintindihan.

I really don't know what to feel right now. Matutuwa ba ako dahil sa gusto niyang ipahiwatig sa tinanong nya or mabibilisan sa mga pangyayari.

"Uhh.."

Shit, I'm lost for words. And for the first time in my life, I've sworn.                                          

My work has trained me to think as careful and precise as I could pero ngayon, wala akong maisip. Wala akong masabi. Blanko, blanko talaga!

Hindi ko alam kung saan ako titingin, sa dagat, sa stars, kay Joaquin o sa mga imaginary things sa isla na gusto kong imbentuhin right now. Sa kabila ng lahat, I chose to do one thing...

"Tara, anjan na yata sila Nanay Carmen, baka hinahanap na tayo."

At bigla akong tumayo at kumaripas ng lakad papuntang lobby. I know that he is staring at my back and watching me as I walk at unti-unti I felt like melting pero mas binilisan ko pa ang lakad ko. I need to get away fast! At kung talagang sineswerte nga naman ako, sakto pang bumaba ng tricycle si Nanay Carmen at si Liit kaya agad akong nakapasok sa loob.

"Oh, hija saan ka pup---"


Hindi ko na nagawang tapunan ng tingin ang mag-ina dahil any minute now babagsak na yata ang dibdib ko sa lupa. Today is too much and the least I could do is lock myself in my room and digest everything in.

Sumapit ang kinabukasan na hindi man lang ako pinatulog ng itinanong sa akin ni Joaquin. Ngayon ko din pinagsisihan ang ginawa kong pagtalikod sakanya because I realized how childsih that was. Pero anong magagawa ko? Nataranta ako eh. He asked that as if matagal na kaming nagkakilala. Is has only been a week pero possible nga kayang nagugustuhan na niya ako? Does he like that's why he asked me that? O baka naman feeling na talaga akong tao ever since I came here in this place? Gosh, I can't afford to think anymore!

Isla Luna : Illegal DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon