I need my mom
-26-
I am so determined to take this envelope to court. I'm willing to make everything right para maitama ang mga pagkakamali ng pamilya ko kay Joaquin. Todo-todong kaba ang nararamdaman ko ngayon at nanginginig ako dulot ng iba't ibang klaseng emosyon.
My life is a big mess right now. Lahat ng aspeto nito ay magulo. I don't know what to do anymore.
I love Joaquin so much and I am willing to do everything for him and his happiness. And to think na I play a part in his miserable life noong bata pa siya, ipinagkait ng mga magulang ko ang kasiyahang dapat ay natatamo nya. But at what cost?
If I bring this up to court, what would it cost me? My dad? My mom? Or even Joaquin? Am I really ready for the consequences? I don't know. My head hurts already! This is too much to handle. Hindi ko naisip na ganito pala kahirap magmahal. I love a lot of people and it hurts me na kung sino pa ang mga mahal ko sa buhay, sila pa ang may galit sa isa't isa.
I was about to open the door nang magbukas ito. I was stunned for a moment nang makita ko ang nakangiting si Joaquin.
Parang piniga ang puso ko. I wanted to cry a lot pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Hey." Malambing na sabi niya sa akin. "You and your girls having fun?"
Napalunok ako. I tried my best not to cry. Ayoko na siyang bigyan pa ng problema from now on. He must have seen the horror in my face dahil agad niyang hinawakan ang pisngi ko.
"What's wrong? Masyado ba akong napaaga?" Humalakhak siya. "Don't worry. Take all the time you need, sa kwarto lang ako."
Mas lalong nadurog ang puso ko. He's so kind and I'm starting to hate it! Sobra niyang bait. How can my parents hate him? How can Tito Antonio not fight for him, alam nyang inosente ang pamangkin nya! Napahawak ako ng mahigpit sa brown envelope na hawak ko.
Lumipat ang tingin nya mula sa mata ko hanggang sa kamay kong pinoprotektahan ang envelope.
"What's that?" He asked.
I shook my head. Now's not the time, Meg.
"Nothing. Mga files lang sa office. Ipapadala ko kay George." I looked at George at simpleng tango lang ang ibinigay niya sa akin. "C'mon, I'm going to cook dinner."
Hinarap ko si George at Cel na tahimik lang na nakaupo sa may dining area. Umiwas ng tingin si Cel sa amin and drank her wine.
"Dito na kayo magdinner." I told them. Hindi ko pa kayang mapag-isa sa tabi ni Joaquin ngayon. I need time to calm myself because I'm so itching to tell Joaquin already what I know. My friends' presence here would distract me somehow.
Matinding katahimikan ang bumalot sa amin. I'm out of words and so are my friends. Ngayon ko lang sila nakitang ganito katameme, as if naubusan na rin ng sasabihin. Iniwas ko ang tingin ko kay Joaquin. I know he's not stupid and by now, pwedeng nahahalata na nya ang kaawkwardan ng situation para sa akin.
Laking pasasalamat ko when Georgina broke the silence.
"So, Meg, anong lason naman ang ihahanda mo sa amin?" She raised her brow while drinking her wine.
"What kind of food are you going to feed us? Baka hindi na kami makauwi sa condo namin, bigla na lang kaming mangisay dito."
I grinned. Somehow, kumalma ako. God, what will I ever do if Georgina is not here! Tumawa na rin si Cel at si Joaquin sa sinabi ni Georgina. Fine, I'm not a good cook at all pero at least, I learned some cooking habang nasa Isla Luna ako.
BINABASA MO ANG
Isla Luna : Illegal Desires
Romance[BOOK 1] "Perfection: You and I" -Margarette Louise Del Valle