Chapter 17

384 13 1
                                    

                                                                   -17-

                               DAHIL nga puro cuddle lang ang ginawa namin kagabi, eh hindi na namin nagawa yung mga pinlano ni Joaquin for us. Pero I don't mind, dahil para sa akin wala na yatang mas masarap pa kaysa sa pagcucuddle. You get to hug the love of your life, and in return he gets to love you back. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa simpleng pagyayakapan lang namin.

Sanay akong maging busy dahil sa trabaho ko. Na kahit isang minuto lang ng slacking off ay hindi pwede dahil ganoon kaimportante ang oras. 

Na tipong hindi na ako nakain dahil sobrang busy sa opisina.

Pero dito sa Isla, ang bilis lang ng panahon. Paggising ko, umaga. Pero maya-maya lang gabi na naman. Ganoon kabilis ang panahon. Well, the saying must be true. Bumibilis ang oras kapag nageenjoy ka ng sobra-sobra. And that is what I'm experiencing right now.

At ni isang pagsisisi, wala akong nararamdaman.

Sobrang laki ng responsibilidad na tinakasan ko sa Manila. First, my whole family. Alam kong galit na galit na sila sa akin ngayon dahil sa ginawa kong pagpili kay Joaquin over them. I detest my mother at sinagot sagot ko siya. Second, I left Gab hanging. Alam kong hindi lang si mommy ang galit sa akin for that, but also Gab's mother na mukhang kasing taray ni mommy. All they care about is their name and pride at alam kong makakatapak ng ego nila ang ginawa kong paglalayas.

I know alam ng family ko kung nasaan ako. Where else could I be right? At ang ipinagtataka ko ay magiisang linggo na ako dito pero hindi pa rin nila ako hinahanap. I mean, walang sinuman ang sumusugod dito sa Isla at wala rin naman akong naririnig na kahit ano mula sa kanila. 

Tumayo ako sa pagkakahiga at hinalungkat ang telepono ko sa bed side table. 

For four days now, I've kept it shut. Ayokong magpacontact mula sa Manila. 

I came here decided to take my future with Joaquin at kasabay noon ang pagtalikod ko rin sa buhay ko sa Manila. There's no need to accept calls from anyone anymore dahil alam kong puro galit lang ang matatanggap ko. And I dont want that to ruin my very good mood here.

Ibinalik ko ulit ang telepono sa bed side table. 

Lumabas na ako para kumain. Napansin kong medyo late na rin kasi at wala na naman si Joaquin sa tabi ko. Where could he be? Ah! Baka nandun na naman sa tree house nya.

Dahan dahan lang akong naglalakad, wearing only a lose shirt and a short, nang may marinig ako nagtatawanan sa may cottage sa sea side.

"That was hilarious Adam. I could have seen your face." And that is Joaquin's voice.

Isla Luna : Illegal DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon