Chapter 24: Summer Trip

86 12 6
                                    

Apecx's POV

Nakalimutan ko kung sa Batangas ba yung resthouse at beach resort nila Harry. Ang alam ko lang kasi si Tita ang nagmamanage nun pero di ko na maalala kung saan.

"Lot, saan yung resthouse?" Tanong ko sa katabi ko.

"Di ko rin alam eh." Sabi niya

Nagulat ako, siraulo ba siya di niya alam kung saan? Eh ano yung tinatahak namin?

"ANO!? DI MO ALAM?!" Sigaw ko sa kanya at natawa siya.

"Joke lang, alam ko HAHAHAHAHA" tawa siya ng malakas. Nakakainis niloloko nanaman ako.

"Apecx." Nagiba yung tono niya.

"Hmmm?" Sagot ko.

"Pano naging kayo ni Niall?" Tanong niya. Napatingin tuloy ako sa kanya, gusto niya pa ba si Niall?

"Bakit mo tinanong? Crush mo pa ba siya?" Tanong ko.

"Gaga hindi!" Natawa siya at natawa rin ako. "Feel ko kasi masyadong mabilis? Like mag iisang linggo pa lang?" Tanong niya. Alam ko naman yun, naisip ko na rin na bat parang ang bilis pero siguro dahil natuwa ako sa efforts niya, natuwa ako sa mga jokes niya at natuwa ako na kasama ko siya.

"Natuwa ako na kasama ko siya. Ang saya tapos ang effort niya pa. Sorry kung mabilis ah? Don't worry di naman ako ganun na-"

"Chill, wala naman akong sinasabi na mabilis kang makuha. I trust you and I know before you make decisions you already know what will happen next. Wag kang magalala tinanong ko lang." He smiled at me. That smile, that smile that almots make my heartbeat faster than ever! Bwisit bat ba ako ganito?

"Okay, atleast I made you smile" I smiled at him at bigla niya akong binigyan ng matipid na ngiti.

"Tara kain muna tayo" Oo nga pala dinner na. Siguro sa batangas yung pupuntahan namin.

Paglabas ko ng kotse nakita ko na rin yung mga kuya ko na nagsibabaan. Kasama ni Kuya Cal si Trisha sa isang sasakyan tapos si Kuya Luke magisa. Magkakasama sila Jenny tsaka yung ibang kaibigan ni Harry sa isang van. Kami ni Harry sa kotse niya.

Tinignan ko yung phone ko at nakita ko wala pa ring text galing kay Niall o miske tawag. Ganun ba siya kabusy sa studies nya? Na miske "iloveyou" di niya masabi or matext.

"Huy tara na" yaya ni Harry at sumama na ako. Ang lamig naman dito nasa tagaytay kasi kami eh. Malapit na ata kami sa Batangas. Nakashorts kaming mga babae except kay Trisha at Chloe inexpect na daw nila na magstop over sa Tagaytay kaya di na muna. Musta naman kaming tatlo nila jenny tsaka yung nagpipiling gf daw ni Harry.

"Ang lamig!" Sabi ni Jenny. Hindi na lang ako nagsalita. May bulalo naman dito kaya for sure hindi ko na mararamdaman yung lamig after.

"Babes! Nilalamig ako" sabi ni steff kay Harry. Umalis si Harry sa tabi namin at di ko alam kung saan siya pupunta.

"Saan ka pupunta babe?" Sabi ni steff pero wala pa ring reply ni Harry. Gusto ko matawa kaso di pwede nanginginig na yung paa ko sa lamig.

"You okay?" Tinanong ako ni Kuya Luke, nasa harap ko siya katabi niya si Kuya Calum.

"Opo okay lang." Sagot he just nodded at tinignan na ulit yung Menu.

Maya maya bigla akong nakaramdam ng makapal na tela sa mga balikat ko. Tumingala ako at nakita ko si Niall.

"Niall!" Nagulat ako, tumayo ako at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"I miss you!" Sabi niya sa akin.

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon