Apecx's POV
Nandito kami sa classroom ngayon nakatambay. Nagvolunteer kasi sila Sir Malik na sila na lang daw gagawa nung natapos namin. Para naman daw di namin isipin na masyado na kaming nagtratrabaho at nakakalimutan na daw ng mga teachers yung responsibilidad nila.
Ang arte diba?
"Psst, eto na yung starbucks natin, sorry natagalan ah." Dumating na si Niall galing starbucks di kasi kami nakabili ng maaga kasi akala namin bibilangin pa rin yung mga late ng students yun naman pala hindi. Ang AGA KO KASI NAGISING KAYA NAGMADALI KAMI. Yan bumalik tuloy siya sasama sana ako kaso sabi niya siya na lang daw. Ang sweet niya 'no? Kaya crush 'ko 'to eh.
"Thank you talaga!" I smiled at him.
Umupo siya sa tabi 'ko at inakbayan ako.
"San gusto mo pumunta pagkatapos ng klase?" Tanong niya sa akin.
"Bakit? Date ba tayo?" Tanong 'ko sa kanya and he grinned.
"Bakit gusto mo?" He winked at me.
"H-hindi Ah!" Protesta 'ko kahit talaga gusto 'ko.
"Sige, date na tayo mamaya." Inasar niya pa ako.
"Bahala ka nga diyan." Tinanggal 'ko yung kamay niya sa balikat 'ko at tumalikod sa kanya. Kunwari nagtatampo ako.
"Ang tampuhin mo talaga." Nagulat ako bigla siyang umupo sa harapan 'ko at ang lapit na ng mukha niya sa akin.
"Natulala ka nanaman sa kagwapuhan 'ko?" Pang-aasar niya. Kahit kailan talaga 'tong si Niall ang Hangin.
"Weh, epal." I rolled my eyes at him and he pinched my cheeks "Ang cute mo talaga kahit kailan!"
"Requesting all the honor students to proceed on the principal's office right now. Thank you!" Sa bi sa P.A Speaker namin.
"Oh, punta ka na dun." Sabi 'ko kay Niall, kasi alam 'kong honor student siya.
"Ayokong iwan ka." Sabi niya sa akin.
"Ang OA mo naman pupunta ka lang office eh." Sabi 'ko sa kanya.
"Hahahahah, sige na nga! Babalikan kita mamaya." Sabi niya sa akin sabay wink pa. Eto talaga si Niall lagi akong pinapakilig.
Wait lang bakit wala si Kulot dito? Hindi ba pumasok yun? Honor din yun ah?
"Uy Apecx!" Narinig 'ko na tinatawag ako ni Chloe.
"Uy Chloe!" Bati 'ko sa kanya.
"Nasan daw si Harry?" Tanong niya.
"Di 'ko pa nga nakikita eh, bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan siya sa office, may pinaguusapan kasi kami eh mga honor students. Sige salamat na lang. See you later!" Sabi niya sa akin at umalis na.
Triny 'kong tawagan ang phone niya.
*Calling Harry Kulot*
Pero out of coverage. Hala? Anong nangyari dun?
Lumabas ako ng classroom para pumunta sa Gymnasium. Pero bago yun dumaan muna ako sa C.R
Papasok sana ako ng may narinig ako na conversation.
"Oh talaga? Nakita mong may kahalikan si Sir Malik?" Sabi nung babaeng halatang napaka-chismosa.
"Oo, at di ka maniniwala kung sino." Sabi naman nung babaeng source ng chismis.
"Sino ba?" Ay aba, tinanong pa.

BINABASA MO ANG
Confused or Confirmed?
FanfictionKapag may confuse kailangan may i-confirm . . . (c) Confuse or Confirmed ((tagalog 1D + 5SOS))