Chapter 12: Sukat pa ng dress pa more feat. Sir Malik

428 21 4
                                    

Apecx'sPOV

Pumunta kami sa mall para magsukat at bumili ng gown/dress para sa grad ball namin sa isang gabi na yun.

"Maghiwalay muna tayo, I'll text you if kakain na." Sabi sa akin ni Mama.

"Uhm Tita pano po kami?" Tanong ni Kulot.

"You can get whatever you want or help these girls to pick a good dress." Sabi ni Papa, kahit di siya yung tinatanong.

"Ah, sige po." Sagot ni Kulot.

Ang galang ni Kulot. Di kapani-paniwala.

"Let's go?" Niall held out his hand. I took it and he laces his fingers to mine.

He nod for permission and I nod.

"Mauuna na kami sa shop." Biglang sabat ni Harry habang di nakatitig sa akin. At hatak-hatak nya si Kuya Luke.

Ano kaya problema nun?

"So san mo gusto mag-shopping?" Narinig ko si Kuya Calum habang nakaakbay sya kay Trisha.

"Kung san na lang malapit." Sabi ni Trisha.

Di ko talaga alam kung bakit di sinabi sa akin ni Harry na nakita nyang magkasama si Trisha at Kuya Calum, sa kanya pa ako humingi ng tulong para sa surprise ni Kuya Luke. Tapos may tinatago din pala sya. Tsk.

"Apecx, are you okay?" Niall snapped his fingers.

"Ugh, yes." I smiled.

"So where are we going?" Niall smiled.

"Sa candies muna, dun na lang ako titingin ng dress." Sagot ko sa kanya.

"Sige, sige." Sabi ko sa kanya, sabay lumakad papunta sa boutique ng Candies.

Harry'sPOV

"Nakakagago lang kasi eh." Inis na inis si Kuya Luke.

"Marami pang iba dyan." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw rin eh, ginagago mo ba ako? Alam mo bang, first time ko lang magkaganito sa babae?" Bigla syang lumapit.

"Tinutulungan lang kita." Sabi ko sa kanya.

"Di yan magandang tulong para sabihin ko sayo." Sabi niya sa akin sabay harap sa likod.

Nandito kami sa labas ng 'Shapes' na boutique ng mga dress tapos sa harap nito yung Candies.

"Nakita mo ba yun?" Biglang turo ni Kuya Luke sa loob ng boutique na shop.

"Si Sir Malik yun ah." Sabi ko sa kanya.

Ba't kaya nasa loob ng boutique si Sir Malik? Bakla ba 'to?

Pupunta na sana ako sa loob, para batiin si Sir Malik, pero pinigilan ako ni Kuya Luke.

Tumango siya dun sa loob at tinignan ko yung tinutukoy niya.

Nagulat ako nung lumabas si ChloeRodriguez Sa fitting room.

Napanga-nga si Sir Malik, habang naka-cross arms.

Si Chloe naman nakatayo sa harap nya habang suot yung cocktail dress na sky-blue habang nakaheels na white.

Ang sexy pala ni Chloe kahit medyo mukhang masungit sya dahil sa eyeglass nya tapos lagi pang nakabun yung buhok niya.

Nakatingin lang kami ni Kuya Luke sa kanila sa labas.

Lumapit si Sir Malik kay Chloe. Na-stuck si Chloe sa kinatatayuan nya habang si Sir Malik inalis yung salamin niya at yung tali niya sa buhok niya.

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon