Chapter 7: The Dare Is Over.

636 29 16
                                    

Apecx's POV

"Attention!!" Sumigaw si Sir Malik. Nandito na kami sa pinakamalaking part ng school namin. Ang GYM.

"Lahat kayo ay io-organize itong Gym." Sabi ni Sir Malik.

"Wala po kaming materials." Sabi ni Trisha.

"Nandito na." Biglang pumasok si Kuya Luke at sila Kuya Calum at may hawak sila na mga kahon ng props or materials.

"Let's start na." Sabi ni Niall na katabi ko. Tumingin ako sa kanya at nagbigay sya ng nakakatunaw na Smile.

"Akala ko ba tutulong ka?" Tinanong ni Chloe. And Oh ba't ganun? Ba't parang tropapips lang?

"Excuse me?" Sabi ni Sir Malik, Sabay tingin kay Chloe.

"I mean Sir!" Yumuko si Chloe.

Ano kayang meron dito sa dalawang toh?

"We'll help pero may kailangan kaming pagmeetingan this week so this week kayo muna ang magoorganize." Sir Malik coldly explained.

"Sus Tinatamad ka lang talaga" Bulong ni Chloe at parang ang lalim ng galit nya kay Sir Malik.

Wait. Nasaan ba si Kulot? ba't parang nawawala? Anong nangyari dun?

Harry's POV

Hay sa wakas nakatakas ako.

Papunta na ako sa bahay ni Jenny. Oo alam kong dare lang yun pero I need to show care para di halatang dare lang.

Pero nung nandun na ako sa tapat ng bahay nila iriring ko na sana yung doorbell pero may narinig akong ingay sa loob, parang nagaaway? At naaninag ko yung mukha ni Jenny dun sa bintana. Hindi niya ako nakita pero ako nakikita ko sya and umiiyak sya at parang may sugat sya mukha? Hindi ko alam yung nangyayari pero naawa ako kay Jenny.

Apecx's POV

"Apecx!"

"Apecx!"

"Apecx!"

"APECX!" Sigaw ni Trisha sa harap ko. Nakaupo ako ngayon sa stage at ang una naming ginawa yung sign na "Grad Ball 2014" Sila Niall, sila yung mga nagsasabit ng mga abubot na design.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gumawa ka nga! kanina ka pang nakatanga dyan eh." Iritang sabi niya.

"Hinahanap ko lang kasi si Kulot, eh diba kasama rin sya dito?" I sighed. At pinagpatuloy ko yung paglalagay ng glitter sa letter "G"

"Oo nga ba't wala sya ngayon?" Tanong din ni Trisha.

"Di ko rin alam? Pero ang weird nya ngayon super weird." Sabi ko kay Trisha.

"Paanong weird?" Tanong niya.

"Napakaseryoso nya kasi tapos parang ang lalim ng iniisip tapos lalakeng lalake." Sabi ko sa kanya.

"Lalake naman talaga si Harry ah!" Trisha gave me a confused look and oo nga pala di niya alam yung tungkol sa pagiging bakla ni Harry.

"Oo, lalake yun." I smiled.

"Ahhhhhh." Parang nagiba yung mood ni Trisha.

"Hoy, ano problema?" Tanong ko sa kanya.

"Wala." She simply said.

"Anong wala? Kilala kita at kabisadong kabisado na kita Trish, so ano? ano ang problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa States na ako mag-aaral." She frowned. W H A T ?

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon