Chapter 25: Summer Trip p2

43 5 2
                                    

Harry's POV

"Hoy gising!" Minulat ko ang mga mata 'ko at nakita 'ko si Apecx sa gilid 'ko.

"Why?" Tanong niya at nagpout siya.

"What's up with the face?" I asked her.

"Wala man lang, Goodmorning?" Sabi niya at natawa ako. Napatingin ako sa gilid 'ko at nakita 'ko na 6:00 pa lang ng umaga.

"Aga aga pa, dito ka muna" niyakap 'ko siya pabalik sa kama.

"Ehhh, alis na ako may makakita pa sa atin." Sabi niya habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap 'ko.

"Edi makita nila!" Sabi 'ko at bigla siyang namula. Ang kyut!

"Waaaaah, kulot ano ba!" Sabi niya sa akin pero tinitignan 'ko pa rin siya.

"Wag mo nga ako titigan, aalis na ako!!" Sabi niya habang pumipiglas at natatawa lang ako.

"Okay" I smiled at pinakawalan na siya.

Di 'ko talaga alam. Pero nagulat ako sa ginawa niya kagabi. Narinig nanaman siguro niya ako na sumisigaw dahil binabangungot ako.

Hindi 'ko alam pero ang bangungot 'ko kagabi ay hindi tungkol kay Jona. May sasaktan daw ako na babae at mas masasaktan daw ako sa gagawin 'ko. Di 'ko alam kung sino yung babae pero naramdaman 'ko yung sakit kagabi.

"Harry, stop thinking!!!!" Naghilamos na ako at lumabas ng kwarto.

Paglabas 'ko nakita 'ko si Apecx nandoon sa kusina at kasama si Niall. Oo yung boyfriend niya. Napailing na lang ako at pumunta sa may dining.

"Goodmorning!" Bati sa akin ni Jenny. Ngumiti ako sa kanya at sinabing goodmorning din.

"Bakit ang aga niyo magising?" Tanong 'ko sa kanila.

"Ewan 'ko rin eh." Nagtawanan kaming lahat.

"Wait lang!!!" Ang lakas nung sigaw nung kuya ni Apecx na si Michael.

"Hoy ang aga aga ang iingay niyo!" Sigaw ni Apecx sa kanila.

"Eto kasing Kuya Michael mo di pa pinapakilala yung kasama niya, ayaw pang buksan yung pinto." Sabi naman ni Ashton. Oo nga pala may kasama si Michael kagabi kaso di na namin nakita kasi nauna na daw yung dalawa sa kwarto.

Bumukas yung pintuan dun sa katapat na kwarto ni Michael. Natakot kaming lahat kasi kagabi nakalock lang yun.

"Anong nangyayari?" May babaeng nagsalita lahat kami napatayo at umakyat para tignan kung sino. May babae akong nakita Maganda, Sexy at Simple lang, parang si Apecx pero mas maganda si Apecx hehe.

"ANDI!??" Biglang lumabas si Michael at pumunta sa harap nung babae. "Sabi ko naman sa'yo wag kang lalabas eh." Reklamo ni Michael.

"Paanong di lalabas eh nagsisigawan na kayo diyan, akala ko kung anong nangyayari." Sagot niya sabay irap kay Michael. Natawa kaming lahat.

"Diba ikaw yung babae sa mall?" Sabi ni Apecx.

"Oo, nagtratrabaho ako dun as sales lady." Ngumiti siya kay Apecx.

"Ako si Apecx, kapatid ni Kuya Michael, step sister." Medyo nagulat si Andi sa sinabi ni Apecx. "I'm Andi"

"Don't worry kapatid naman namin yang tunay sa puso namin." Sagot ni Michael.

"Oh ayan na! Lumabas na siya happy na kayo?" Sigaw niya at lahat kami nagsitawanan at bumaba na rin kami at handa na daw kasi yung pagkain na niluluto nila Apecx kanina.

"Hey" Nakita ko si Niall na inapproach si Apecx at hinalikan ito sa pisnge.

"Kakagulat ka naman" Medyo nailang si Apecx at napatingin siya sa akin na naging dahilan kung bat ako lumihis ng tingin.

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon