Chapter 16: Uhm Grad ball?

358 16 11
                                    


Hi! eto na yung new chapter :) uhm gagawan 'ko ng part sila Trisha and Luke dito :) sana okay lang sa inyo hehehe :) okie!!

----

Apecx's POV 

"Mag-suot 'ka ng benda!" Kanina pa ako kinukulit ni Harry sa telepono na magsuot daw ako ng benda sa paa. 

"Paheels-heels 'ka pa kasi kanina, yan tuloy sinumpong nanaman yung paa mo." Sabi niya sa akin. 

"Ang pangit naman kasi naka-dress na ako tapos lalagyan 'ko pa ng benda yung paa 'ko." Sabi 'ko sa kanya. 

"Nandito na ako sa bahay niyo! Aakyat ba ako agad?" Sabi niya. 

"Wag, nag-aayos pa ako." Sabi 'ko sa kanya. 

"Arte, parang hindi naman kita nakikitang nagaayos." 

"Basta para maganda ako pag nakita mo hehe" Sabi 'ko sabay baba ng telepono. 

Humarap ako sa salamin. Sinuot 'ko yung gray kong dress at nakablack-heels ako. Nakalugay ang buhok at light lang ang make-up. Alam 'kong gabi yung event pero ayoko talaga na makapal ang i-apply 'ko sa mukha 'ko. Nag eye-liner ako at mascara. I applied cheek color, red lipstick and smoky eye-shadow. Girly rin naman ako minsan kaya alam 'ko kung paano mag make-up. 

"Ape--" 

Pumasok si Kuya Luke sa kwarto 'ko at gulat na gulat yung expression niya. 

"Ikaw ba yan? Ilabas mo kapatid 'ko hoy!" Sabi niya sabay head-to-toe sa akin. 

"Gusto mo bang sapakin kita? Para malaman mong ako 'to?" Sabi 'ko sa kanya at inakbayan niya ako sabay gulo ng buhok. 

"Ano ba yan! Inayos 'ko 'to diba?" Sabi 'ko sa kanya sabay tulak. 

"Nandyan na yung kulot mo sa baba!" Sabi niya sa akin. 

"Oo, alam 'ko!" Sabi 'ko.

"Nasan pala si Kuya Calum?" 

"Ahh. .  eh, sinundo si Trisha." Sabi niya sabay iwas ng tingin. 

"Masakit pa rin ba?" Tanong 'ko sa kanya.

"Ang alin?" Patay malisya naman neto sarap sapakin sa bungo. 

"Trisha." 

"Ah baba na tayo!" 

"Oy diba may surprise ka pa para sa kanya?" 

"Ha? may sinasabi 'ka?" 

"Oo, di mo ba narinig?" 

"Hindi eh, tara na bumaba na tayo!" 

Hindi na ako nakapalag pa at sumunod na lang ako sa kanya pababa. Inalalayan niya ako pababa dahil daw baka madulas nanaman ako at ma-extend pa daw ang paa 'ko. Oh diba ang sweet kaso bwiset eh pilosopo -.-

Pagbaba 'ko hinawi 'ko yung buhok 'ko at nakita 'ko si Kulot na nakatalikod habang tinitignan yung picture nila mommy.

"Hoy!" Sigaw 'ko sa kanya at lumingon siya.

Nanlaki ang mata niya

"Ikaw yan Apecx?"

"Sabi 'ko sa'yo di kapani-paniwala na ikaw si Apecx eh." Binulong ni Kuya Luke kaya muntikan 'ko na siya masapak at yun yung dahilan kung bakit umalis na siya.

"Ano tara na?" I smiled at Harry.

Infairness ang pogi niya sa suit and tie niya.

Nagkatitigan kami at bigla akong nanginig. Anong nangyayare sa akin?

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon