Chapter 6: Task!

653 21 18
                                    

Apecx's POV

"YAAAAAAAAAAAW!" Humikab ako at dinilat ko ang aking mata. 

.

.

"Harry?" Bigla kong nasabi nung nakita kong may kamay na nakapalupot sa balakang ko. 

Lumingon ako at nakita ko magkayakap kami ni Harry. Hindi ako makapagsalita nung nakita ko yung ulo niya na nakadagan sa ulo ko habang yung mukha ko nasa dibdib nya. Pero infairness ang bango ni Harry.

Pero hindi ba't kami magkayakap? 

"KULOT!" Kumalas ako sa yakap namin at nagising sya 

"YAWWWWWW!" Humikab sya habang kinukusot niya yung mata niya. 

"Ba't tayo magkayakap ha? Anong ginagawa mo ha?" Tanong ko sa kanya 

"Echosera ka gurl! ikaw nga ang yumakap sa akin kagabi!" Sabi niya sa akin 

"Anong ako? Anong ginawa ko?" Mas ehosera toh eh, ako yayakapin sya? 

"Oo, naalimpungatan pa nga ako nun eh dahil sayo dahil ang likot mo tapos nagulat ako nakayakap ka na sa akin at inaamoy mo pa ako!" He snapped and talsik laway sa mukha ko. Pinunasan ko yung mukha ko.

"Talsik laway ba?" Tanong niya sabay takip sa bibig.

"Sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya 

"Ah eh, Sorry hihi" Sabi niya sabay tumawa awkwardly.

"Tumayo ka na dyan at maligo ka na!" Sabi ko sa kanya.

"Pahiram toothbrush ah?" Tanong niya.

"Gags, meron dyan sa cabinet na extra yun na lang gamitin mo." Sabi ko sa kanya sabay suot ng bathrobe at tinali ko yung buhok ko then niligpit ko na yung higaan.

"Apecx, Paano ko bre-breakan si Jenny?" Narinig kong tanong ni Harry habang nasa banyo at naririnig ko yung shower. 

"Sabihin mo sa kanya na. . ." Nag-isip ako ng pwedeng palusot

"Ano?" Tanong niya. AY di makapagintay ang bakla 

"Sabihin mo na lang "Sorry, but it's not working." ganun ganun" Sabi ko sa kanya. 

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Tumawa sya ng malakas

"Letse, ba't ka tumatawa?" Tinanong ko sya 

"Wala, nai-imagine ko na yung pagmumukha niya pag sinabi ko yun HAHAHAHAHAHAHA" Sabi niya sabay tawa ulit.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Tawa ko rin ng malakas.

"Ba't ka tumatawa" Tanong niya 

"Kasi nai-imagine ko na rin yung diring diri mong mukha kapag sinabi mo yan! HAHAHAHAHAHAHA" Sabi ko sa kanya sabay tahimik sya 

"Sige maliligo na ako sa kwarto nila Mommy." Dagdag ko sabay alis na ng kwarto at dumiretso sa kwarto nila mommy. 

Habang naglalakad ako sa kwarto nila Mommy may narinig ako sa kwarto nila kuya. . .

"Uhm hi, alam kong nabubully ka dahil sa akin ah eh ah uhm. . . Mali mali mali!" Narinig ko si kuya Luke. Kaya lumapit ako sa pinto at nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi niya.

"Alam kong gusto mo ako matagal na and sorry kung lagi kitang ini-isnob pero. . ." Tumigil sya.

"Pero Trisha pwede ba kita mayaya this summer for a date?" Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Gusto ni Kuya Luke si Trisha? Hala anyare? Uhm maganda naman si Trisha pero diba ayaw niya sa babaeng obsessed sa kanya? ayaw niya yung sya yung hinahabol? eh ba't ganito? Okay lang ba yung narinig ko? Tama ba yung narinig ko?

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon