Chapter 13: Tampuhan

417 17 6
                                    

Harry'sPOV

"Apecx, Eto na yung short mo." Dumating na sila Kuya Calum at Trisha, dala-dala yung pinabili ni Apecx na shorts.

"Hagis mo dito sa loob." Sabi ni Apecx, at ginawa naman ni Kuya Calum.

Tumingin ako kay Trisha at magkatabi sila ni Kuya Luke pero trinatry nya yung best nya na wag tignan si Kuya Luke.

Gumaganti lang ba si Trisha kay Kuya Luke? o totoong gusto na niya si Kuya Calum? Ano na kaya mangyayari kay Kuya Luke kung ganun?

Lumabas na si Apecx at nag-iba yung outfit nya.

White tank-top tapos may sando siyang black as loob tapos black na shorts yung kakabili lang nila Kuya Calum tapos naka tsinelas pa rin siya dahil di naman nya kaya na mag close shoes dahil pilay nga yung paa niya.

"Woah." Yan ang nasabi nila Kuya Luke at Kuya Calum habang kami ni Trisha nakatitig lang sa kanya.

"Nakakita ba kayo ng multo?" Tanong ni Apecx habang sinusuklay yung buhok niya, gamit yung kamay niya.

"Oo!" Biro ni Kuya Calum. Lumapit si Apecx kay Kuya Luke ng paika-ika. At kinuha yung snap back niya.

Hindi ako makapagsalita. Ibang-Iba si Apecx ngayon. Blooming at pumoporma na.

"Naks iba na!" Biniro ko siya pero di siya tumawa o tumingin sa akin.

Anong problema nito?

"Kuya Calum, pasabay na yung dress ko, kukunin ko na yun." Sabi niya at hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Sige." Sabi ni Kuya Calum.

Kukunin ko na yung damit at iaabot ko na sana kay Kuya Calum.

"Sabi ko 'Kuya Calum' Hindi ikaw." Sabi niya sa akin pero di pa rin niya ako tinitignan.

"Paalalay ako." Sabi niya kay Kuya Luke at bigla naman syang inakbayan ni Kuya Luke.

Tumingin sa akin si Kuya Luke at binigyan ako ng "Anong problema bakit ganun si Apecx" look.

binigyan ko naman siya "Ewan ko, Di ko alam kung bakit ganyan yan." Look.

"Ang sexy mo pala." Sabi ni Trisha kay Apecx.

"Shhh. Wag kang maingay." Biro niya at bigla siyang tumingin sa akin pero iniwas nya agad.

"Anong ginawa mo ha?" Tinabihan ako ni Kuya Luke.

"Di ko alam, may dalaw ba yang kapatid mo? Grabe yung mood swing eh." I rolled my eyes.

Tumawa sya. "Nagtatampo na sayo yan." Sabi niya sa akin.

"Halata naman eh." I smirked.

"Kain na tayo, nasa Max na daw sila Mommy, nandun din daw si Ashton kasama ate mo Harry." Sabi ni Kuya Calum sabay hawak sa kamay ni Trisha.

Lumapit si Apecx kay Kuya Luke.

"Tayo naman mag-PDA" sabi niya sabay pasan sa likod ni Kuya Luke at bigla naman syang binuhat ni Kuya Luke.

Tumambad sa akib yung legs ni Apecx. Nanlaki yung mata ko dahil biglaan.

Apecx'sPOV

Binuhat na ako ni Kuya Luke at naglakad na kami papalabas ng boutique.

Tumingin ako kay Kulot, at nanlalaki yung mata nya sa legs ko.

Gusto ko sana siyang biruin kaso naalala ko na nagtatampo ako sa kanya dahil sa text nya at dahil sa di niya pagsabi sa akin na nakita niyang magkasama si Kuya Calum at Kuya Luke.

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon