Chapter 9: Trouble itu!!

508 22 4
                                    

Harry's POV

Dumiretso ako sa Condo ko. Nagdecide ako na dun na lang matulog. Tinext ko na sila Mommy na dito ako matutulog para di na sila mag-alala, di ko na cinontact si Apecx baka kasi makaabala lang ako sa kanila ni Niall mukhang tuwang-tuwa siyang kasama si Niall eh kaya hinayaan ko muna silang dalawa. Kakainis din ito si Apecx eh may manliligaw lang nakalimutan na ako hays nakakainis. 

At starting from now di ko na crush si Niall!!! itata-tak ko sa isip ko na temporary lang talaga tong pagkabakla ko gaya ng sabi ni ate Gemma pero sana nga makayanan ko, Hay straight gay na ata talaga ako eh *pouts* 

*Phone rings* 

"Hello?" Sinagot ko yung phone

"Hoy baklang kulot!!" Narinig ko yung best friend ko sa telepono.

"Flat?" Tanong ko. 

"Oo, ako nga" Sabi niya 

"Ba't ka tumawag?" Tanong ko sa kanya habang humiga ako sa kama. 

"Wala, masama bang tawagan ang best friend ko?" Tinanong niya ako 

"Hindi naman, pero kasi pagod ako wala ako sa mood makipagusap." Palusot ko sa kanya. 

"Sayang nandito kasi si Niall sa bahay eh." Sabi niya more like na iniinggit niya ako kahit di naman ako naiinggit 

"Ahh, sige enjoy na lang kayo dyan magpapahinga na ako." Sabi ko sa kanya na nagtatampo dahil pinagpalit na niya ako kay Niall. 

"Nagtatampo ka noh?" Nahulaan ni Apecx. 

"Hindi ah, ba't naman?" I lied. 

"Wala, basta para kasing nagtatampo ka." Sabi niya sa akin. 

"Di nga, magpapahinga na ako apecx bye na good night." Sabi ko sa kanya 

"Sige, good night pasok ka bukas ah, may sasabihin ako sayo tungkol kay kuya Luke at Trisha." Sabi niya sa akin. 

I groaned. "Oo sige na bye na" 

"Bye good night" Sabi niya sa akin sabay baba ng telephone. 

Kaloka tong si Apecx tatawag para sabihin lang na nandun si Niall sa bahay nila at may sasabihin daw siya tungkol kay Luke at Trisha, putek wala man sinabing namimiss niya ako? o ano nakakaasar sya talaga. 

Papasok na lang ako bukas pero di ko sya papansinin. Hayyyyys alam niyang sya lang yung kaibigan ko eh tapos gaganunin niya ako? waiit lang ba't ang gulo ko? ba't ganito ba sinasabi ko? ano bang pake ko kung pagpalit niya ako kay Niall? Wala naman akong pake eh, 

Harry putek kumain ka na lang ng Pizza sa labas at itigil mo na yung kakaisip kay Apecx. 

Lumabas ako ng Condo unit ko at bumili muna ako ng pizza sa pizza hut na malapit dito. 

"1 box of pizza, hawaiian." Sabi ko sa counter at inabot ko yung bayad ko. 

"Keep the change." I added. 

"Thank you sir!" Yung lalake sa counter ngumiti at tumango ako sa kanya habang yung noo ko nakakunot dahil sa inis ko 

naupo muna ako sa bakanteng upuan at hinintay yung order ko. 

Habang naghihintay ako, may nakita akong pamilyar na mukha na pumasok sa restaurant. 

si Trisha, lalapitan ko sana siya kaso may kasunod syang pumasok at lalake yun. 

nung nakapasok na naaninag ko na kung sino yung kasama niya 

PUCHA

HALA

Confused or Confirmed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon