SKY'S POV
Hi there! Sky's the name! And Ranch is the surname! Hahahaha. Lol. Jk. Seryoso na. Ako lang naman ang poging poging poging poging pinsan ni Stella Alonzo. Hahaha.
Anyway, kaya ako nagka-POV ngayon eh, hindi ko pala alam. Ask niyo si Author.
Im on my way to Syjohn's house.
Oo. Tama kayo. Sa bahay ng crush ni Lala.Eh wala namang mangyayari kung ganun lang ang gagawin ni Lala e. So ako nalang ang gagawa ng move para sakanya. Late Christmas, New Year's, Valentines Gift at Advance Birthday Gift ko na to sa kanya. At alam niyo, sinasabi ko na sainyo to ha. Maganda ang kalalabasan nito.
*dingdongdingdongdingdongdingdong*
See? Di pa rin niya binubuksan yung gate? Malamang nasa music room na naman yon.
Tutal mababa naman yung bakod nila, aakyat nalang ako. Ang bagal e. Tsk.
Nang makababa na ako, napansin ko yung aso nila na pumasok sa gate.
Ay walangyang gate yan! Bukas pala! Lagot talaga sakin yang si Sy.
Pumasok na ako sa bahay nila at sinugod siya sa music room.
Nang makita niya ako ay napatigil naman siya sa pagtugtog.
"Yo." Bati niya.
"Yo din. Hahaha."
"May tama ka na naman Sky! Anyare sayo?"
"Wala naman."
Hindi na niya ako sinagot at mag-g-gitara na naman sana siya pero iniiwas ko siya.
"Mag-c-cover ka na lang ba ng kanta?"
Halata sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkalito.
"Huh? Kanta ba yan?"
Ano daw? This time ako naman ang nalito.
"I mean, What Do You Mean~oh~"
Binato ko nga ng basahan.
"Belieber ka na talaga Sy. Sabi ko nga Bading ka e. "
"Hahaha. Oy. Hindi ah."
"Good kung ganun. So, may nagugustuhan ka bang babae?"
"Onamann. Kaya lang. Haha. Basta."
Napangiti siya saglit pero naging poker face na ulit yun.
"Sama ka sakin?"
"Oy kalangitan. Saan mo na naman ako dadalhin? Sa bar or night clubs? Enamo lo. Ikaw nalang!"
"Hindi. Mag-j-jam tayo. Cover tayo ng bagong kanta sa bahay ng pinsan ko."
"Osige ba! Jan ako game! "
"Dalhin mo yang gitara mo. Walang musical instruments dun."
"Hahaha. Langya ka Sky. Dapat sainyo nalang."
"Wala kasi ako ipapalamon sayo don."
"Edi dito nalang sa bahay ko. Lalayo pa ba tayo?"
"E ayoko ng atmosphere dito sa bahay mo. Iba ang dating sakin."
"Ang weird mo ngayon dude. Tara na?"
Hahaha. Well, para makilala ka naman ng pinsan ko. Hahaha. Ano kaya magiging reaction nun? Di pa naman niya alam na pupunta ulit ako dun. And take note, kasama ko pa yung crush niya. Bwahaha.
Sumakay na kami sa kotse ko. Akin syempre. Di naman marunong mag-drive to. Buti pa ako. Marunong sa halos lahat ng bagay. ;)
Medyo malapit lang naman yung bahay nina Lala kina Syjohn e. Hindi ko lang alam kung alam niya yon.
"Sky, san ba tayo pupunta?"
"Sa bahay nga ng pinsan ko. Ang kulit mo."
"No. I mean. Saan mismo tayo pupunta? Anong address?"
"Malapit lang sa bahay namin. Basta dun din sa subdivision namin."
Sinulyapan ko siya saglit at nakita kong nagpapawis ang loko.
"Hoy Sy. Natatae ka na ba? Wait lang. Malapit na."
"Tungaw. Hindi. Ang init lang dito sa loob ng kotse mo."
"Ano ka! E, naka-aircon kaya tayo!"
Hindi na siya sumagot at tumingin nalang sa bintana. Okay? Anyare?
Maya-maya lang ay nandito na rin kami. Naunang bumaba si Sy dahil kukunin niya pa gitara niya sa may passenger seat.
Nang okay na ang lahat, mag-d-doorbell na sana ako pero bukas yung gate. Kaya tumuloy nalang kami.
Kumatok kami sa pinto at agad namang binuksan nung Yaya ni Lala.
"Hello po Manang! Anjan po ba si Lala?"
"Nako iho. Tulog. Gisingin ko muna. Pasok na kayo."
Pumasok kami ni Sy at umupo sa sofa. Hahaha. Mas lalong magugulat yun paggising niya. Ano bang oras na at tulog yun? Ah. 3:30pm palang pala.
Nakarinig ako ng footsteps mula sa hagdanan. Alam kong siya na to. Hahaha.
Nang maaninang ko na ang kanyang mukha, nakita kong nakapikit pa ang bata. Hahahaha.
Tinignan ko ang reaksyon ng katabi ko pero busy siya sa pagtitingin ng mga pictures sa table.
Nilapitan ko si Lala.
"Hoy Lala. Baka madapa ka. Gumising ka na nga!"
Kakamot-kamot lang siya ng ulo.
Hahahaha.Patay na talaga to.
Bumulong ako sakanya."Wala ka man lang balak mag-ayos? May panis na laway ka pa. Tska ang gulo ng buhok mo. May kasama ako."
Agad naman siyang napamulat ng mata at napatingin sa kasama ko.
Mga ilang segundo ding namilog ang mga mata niya habang nakatitig kay Sy. Tapos nagtatakbo na sa kwarto.
Hahahahaha. Im so good. So very very good.
Pero hindi ko alam kung ako lang ba to o talagang pati si Sy ay nagulat? Hmm.
xoxoxo
Votes//Comments? :)
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
AcakWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...