STELLA'S POV
After nung day na yun sa bahay, maraming nagbago.
Oo. Madaming nagbago.Oo nga! Madaming nagbago talaga! Sobrang dami!
Oo na. Ako na makulit. Hahaha. Like, friends na kami ni Syjohn Tan! Omg.
Hahahaha! Oo. Friends. -_-
Friends PA LANG. Hahaha. Mag-l-level up din yan! Wag kayo mag-alala readers! ^_^Friends in person. Pero, hindi sa mga inii-stalk kong accounts niya. Hays.
Nakakahiya kaya kung mag-FR na naman ako no! Tska mas mabuti naman na close in person kesa sa social sites. Diba? Pak! Ganern!At dahil doon, pinaghusayan ko ang pagtugtog ng piano. Haha. Para maging in naman ako pag nag-j-jam sakanila! And guess what's the result?
Hindi ko pa din kaya. >.>
Siguro hindi talaga para sakin yon. Siguro, kelangan ko ng sumuko. Siguro, hindi talaga yun ang plano ni lord saakin. Waaa. Goodbye Sy na ba to? T^TWell, hindi pa naman yata. OA ko lang talaga maka-react. Hays.
*...Aya calling*
"Heyo! sup btch?"
"Haha. Btch your face! Tara gumala?"
"Hoy ayang luka, mainit po ha? Nakakatamad." nahiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata.
"Kahit na kasama si SYJOHN TAN? Oo. YOUR ONE AND ONLY SYJOHN TAN."
Agad akong napabangon at,
"Really? Teka, saan ba? Ngayon na ba? Saglit. Bihis lang ako!"
"HAHAHAHA. Alright. Faster btch. SB tayo."
"Got it. Bye."
Ayerrn. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Yung 30 minutes kong paliligo ay naging 29 minutes nalang. Hays. Hindi tuloy ako nakaligo ng maayos. :3 At yung pagbibihis kong 15 minutes ay naging 13 minutes nalang,. Di nako nakapili ng maayos. Hays.
At after 1 hour of preparation. Bumaba na ako at nagpaalam kay Yaya.
2 hours talaga ang regular preparation ko pag-aalis. ;)Nasabi ko na bang may kotse ako at marunong ako mag-drive? Haha.
Against nga sina mom dito kaso wala silang magagawa. Walang makakapigil sakin.I turned the engine on and then gorabells na.
Nakarating naman ako agad sa pinakamalapit na SB dito sa village. Pero, bakit wala pa sila? Masyado ba akong mabilis mag-prepare? Hahaha. text ko nga si Aya.
Me: Where na yous?
Aya: Anong where na yous ka jan? May yous ba na word?
Me: Madami kayo so yous ang ginamit ko. Bagong pauso yan ng mga jeje lord. So ano na? San na ba kayo? Dito nako sa SB *toot*
Aya: HAHAHAHAHA. Wtf? SB? as in Starbucks?
Me: Oo. Diba sabi mo, SB tayo? -_-Ano ba tong si Aya. Nababaliw na talaga.
Aya: SB means, Sa Bahay. Sa Bahay tayo. Sa Bahay namen! HAHAHA.
What? -_- Daming pakulo netong babaeng to.
Hindi ko na siya nireplyan at dali-daling nagmaneho papunta sa bahay nila. Sarap sapakin non ah.Pagkadating na pagkadating ko, hinanap ko agad ang bruha.
Dire-diretso ako sa bahay nila."HOY AYANG BAHONG UTOT! HALIKA NGA DITO!"
Umupo muna ako sa sofa nila dahil stress na stress nako at sa palagay ko eh, mukhang haggard nako.
Binuhay ko ang electric fan nila at tinodo sa tres. Ugh! Init!May naririnig nakong footsteps so I bet si Aya na to.
Nakatalikod kasi ang sofa sa hagdanan so hindi ko kita. kaya naman humarap nako sakanya at,"WALANGYA KA---Uhh, hi? Hehe"
WTF.
WTF.
WHATTHEFCK.
No. It can't be.
Of all people why? Why?"Nice to see you again Stella. :)"
"Ahh. Hehe. Hello po tito. Kelan pa po kayo dumating? I thought next week pa?" sabi ko habang nagmamano kay tito. yes. Dad ni Aya. Nakakahiya ako. T^T"Haha. Kanina lang. So, anong meron? May ginawa na naman ba si Aya sayo at nagwawala ka na naman?"
"Hahaha. Hay nako Dad. Di ka pa nasanay sakin." sabi ni Aya habang bumababa ng hagdan.
"Hahaha. Sige na Stella. Kanina pa ikaw hinihintay ng mga yan. Si sky nandun na din tska yung boyfriend mo na halos kadarating lang."
O.o?
"Huh? Tito? May boyfriend po ako?"
"Si Sy yon. Kinikilig ka naman jan. Halika na nga sa taas. Ang tagal mo eh. Bye dad una na kami!"
Hinila na niya ako sa taas.
Omg. Lutang pa rin ako.
That's the feeling. Feeling na masabihan ka na may boyfriend ka. Emeged.
Ako? May boyfriend? At si Syjohn pa? Omg. HEAVEN.Pag-akyat ko dun sa mini entertainment room nina Aya (Yes. Mas mayaman sila saamin. Hahaha.)
Nakita ko na agad ang likod ni babe. Wahaha. Omg."Hi Lala!" bati ni Kuya Sky saken. Tropa ko na din kase yan e. More like bestfriends kaming tatlo nina aya. Tapos ayon, idinagdag pa si Sy baby.
"Hello. So anong meron? Hahaha"
"Engagement nyo to ni Sy." bulong ni kuya Sky sakin.
And I was like,
"WHAT? SRSLY?!"
"HAHAHA Kidding lala. Eto ang box na para sa atin sabi ni tito! Hahaha. Paghati-hatian na natin!" tuwang-tuwa niyang sabi. Abnormal talaga tong pinsan ko.
"Grabe ka naman Sky. lagi mo nalang pinag-t-tripan yung pinsan mo." biglang sabi ni Sy.
"Hahahaha. Ayieee. Bakit mo ipinagtatanggol?" pang-asar naman ni Aya.
"Hoy Sy, may gusto ka ba dito kay Stella?" seryosong sabi ni Kuya Sky.
So lahat kami natahimik. Naghihintay ng sagot.
Nakakabinging katahimikan.
Then,
"Hahahahaha. Wala! Loyal ako sa EX ko no. Ewan ko sainyo. HAHAHA"
Mas lalo tuloy kaming natahimik at nakatingin sakin yung dalawa.
Tanging halakhak lang ni Sy ang maririnig sa buong entertainment room.
So, nagsalita na ako."Kwentuhan mo naman kami tungkol sa ex mo na yan! May picture ka ba? Hahaha. " nasabi ko nalang. At nanlaki lalo ang mata nung dalawa.
Well. Oo. Masakit yung nalaman ko. Sa sobrang sakit, I need to fake everything. My smile, My interest in her ex, and the way I feel for him.
xoxoxoxo
Wala na ba talagang forever? Hahaha. Votes/Comments? Thanks! :)
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
RandomWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...