#Three

12 0 0
                                    

STELLA'S POV

Grabe na talaga.
Pag hindi ka naman nag-panic eh ewan ko na.

"Neng, akala ko ba si Aya ang bisita mo? Hindi mo naman nabanggit sakin na pati itong si Sky ay pupunta dito." Bungad ni yaya sakin.

"Ya, hindi ko nga rin po alam e. Si Aya, hindi na daw po makakapunta."

"Ah. Ganun ba. Sige. Samahan mo si iho sa kusina. Kumakain."

"Sige po."

Pumunta nako kay Kuya Sky.
Yes. Kuya ko siya since ahead siya ng one year sakin. So it means pati yung crush ko. Hahaha.

"Pakabusog ka jan Kuya Sky." Sabay upo ko sa silya na katapat niya.

"Salamat. Wala kasi akong mapuntahang kabarkada e. Puro busy sila."

"Ah. Ganun ba. Hehe."

Feeling ko namula agad yung pisngi ko dun sa word na "kabarkada".

"Ay. Nga pala, pwedeng makihiram ng laptop? Mag-oonline sana ako."

"Ah. Sige lang. Tapos ka na ba kumain? Punta ka nalang sa kwarto ko. Nasa kama lang yun. Linisin ko lang to."

"Sige. Kunin ko na ha?"

Tapos ayon nga. Princess Sarah naman role ko ngayon. Hahaha. Sana makahanap na siya ng ibang mapupuntahan. Jusko. I can't breathe in my own house!

Wait. Wait.
Sinabi niyang hihiramin niya yung laptop ko diba? OMG!

Shet! Ant*ng* ko!

"Kuyaaaa Skyyyyyyyy! Wait langgg!"

Jeez. Sobrang bilis ng takbo ko pataas.
Nakabukas pa yung mga account ko dun. Desktop Background ko din si Crush. At ang masama, pag nakita niya agad yun, nasa facebook profile ako ni crush! Waaa. Iyak na.

And as expected, Im late.

Ngiting-ngiti na yung loko habang tinitignan yung laptop ko at aba. Pini-picturan!

Waaaa!

Automatic na kinuha ko yung laptop ko sa harapan niya.

"Hahaha. Huli ka ngayon. Pinapantasya mo pala si Sy ha." Sabi niya habang tumatawa at gumugulong sa kama ko na parang mamamatay na.

"Ugh. Kuya Sky! Wag kang maingay! Please? Wala pang nakakaalam niyan kundi ako at ang bestfriend ko."

Waaa. Naluluha-luha nako. Im so doomed. T.T

Inayos na niya ang sarili niya pero halatang nagpipigil ng tawa. This time, nakaupo na siya.

"Explain mo nga sakin kung pano mo nagustuhan yong mokong na yon. Hahaha."

"Eh! Sasabihin ko kung di ka na tatawa. :3"

"Hindi na. Sige na. Go."

So ayun nga. Sinabi ko sakanya kung pano ko naging ultimate crush si Syjohn Tan. (Ayan na po yung pangalan ng crush ni Stella. Hahaha. Sorry na-late. XD)

"So, okay ka lang sa ganyan?" Yan ang tanong ni Kuya Sky after niya marinig ang story.

"Syempre hindi. Pero wala naman akong magagawa e."

"Pwes, ako meron. Hahaha."

"Wag ka nga! Baka kung ano lang sabihin mo kay Syjohn e."

"Hahaha. Kidding. Pero I think kelangan mo malaman to." Biglang naging seryoso yung mukha niya.

Hindi ako nagsalita at inintay siyang sabihin ang kasunod non.

"Lala, Bakla si Syjohn."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ni hindi man lang siya tumatawa.

"Kaya ako nalang. Ako nalang Lala. Ako nalang." Hawak na niya yung kamay ko habang sinasabi yung mga salitang yun.

Ako naman, still like this---> O.O
Hindi ko maibuka yung bibig ko.

Then suddenly,

"HAHAHAHAHAHAHA. WAHAHAHA. BWAHAHAHAHA. GRABE. HINDI KO NA KAYA! WAHAHAHAHAHAHA!"

-_-

"Kuya Sky? Gusto mo cactus?"

"Haha. Ang seryoso mo kasi."

"Heh! Lumayas ka na nga dito sa pamamahay ko! Bwisit ka."

Nakakainis. Di naman kami close neto e. Mejo lang.

"Sige. Lalayas ako. Pupunta ako sa bahay nina Syjohn. Wahahaha."

Ugh! >\<

"Napaka-feeling close mo Kuya Sky ah! Di ko alam na ganan ka."

"Well, sorry ka nalang. Hahaha. Sige. Alis na me! Babayeyuhooo~"

Sabay takbo niya pababa.

Edi syempre hinabol ko. Baka nga makapunta yun kina Syjohn.

Hanggang sa makarating kami kung saan naka-park yung kotse niya.

Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko.

"You don't have to worry about anything. You can trust me. :)"

Natameme naman ako.

"Okay. Alis nako. Salamat sa pagkain."

At ayun nga.
Nawala na siya sa harapan ko.

Bumalik na ako sa bahay at humarap ulit sa laptop ko.

Nag-log-in ako sa facebook at pinagmasdan na naman ang mga posts niya.

May bago siyang post.

"She's just the girl Im looking for."

Tapos may mga heart at music notes.
Waaa. Wala na nga yata talaga akong pag-asa.

Nakakapanlumo naman yon.
Hanggang kelan ko kaya siya titignan dito sa laptop ko? Hays.

×°×°×°×
Waaa. Votes or Comments? :)

The Story behind Stalking [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon