STELLA'S POV
Loyal siya sa Ex niya.
HAHAHAHA. Tanga ba siya? E wala na nga sila e! EX na nga! Bobo talaga non.
Bakit di nalang kasi ako?! :3Naiiyak nalang ako sa tuwing ikinukwento niya yung tungkol sa ex niya. At talagang sakin pa talaga! Hindi niya ba alam na may lintek na nararamdaman ako para sakanya? Naman oh!
Pero syempre. Hold-up ang tears. Hays. I'm a great pretender.
He always tell na mabait daw sobra yun, maalaga, mapagmahal at maganda.Gustong-gusto ko ng isumbat sakanya na bakit siya iniwan eh kung almost perfect na relationship nila? Jusko po.
Nakakahiya ako kasi katabi ko lang siya ngayon at kwento pa rin siya ng kwento tungkol sa EX niya. Kitang-kita mong tuwang-tuwa siya. Hays. Syjohn. </3
"Hey Stella. Alam mo bang nakakamukhamo siya?"
Ano ba yan. Talagang ako pa ang nakamukha pang-asar na talaga? Asan na ba kasi sina Kuya Sky at Aya?
"Oh talaga? Maganda nga pala talaga yun kung ganon. Hahaha" told ya. Such a best actress.
"Namimiss ko na nga siya eh. Sana naaalala niya pa ako."
"Bakit nga pala kayo naghiwalay?" inosenteng tanong ko.
Pero sinuklian niya lang ako ng Shock na expression.
"You really want to know?"
"Oo. Ay nga pala, ano ba name niya? Baka kilala ko pala. Haha. Classmate ko or friend somewhere?"
Naupo siya ng maayos at saka tiningnan ako ng mata sa mata.
Unti-unti siyang lumalapit. Shet.
Hahalikan niya ba ako?
Omg. Ayan na. Ayan na.
Pipikit na sana ako ng lumagpas siya at may kinuha sa likuran ko.WHOO. ASSUMERA NG TAON GOES TO STELLA ALONZO! YEY! -_-
Napatingin nalang ako sa kinuha niya.
Panyo tapos ginawa niyang Blindfold?"Her name is Ella. She's a cheerful girl. Mahilig din siya magluto, mag-bake at syempre, kumain. Mabait siya at maganda. Kumbaga, nasa kanya na ang lahat kaya nagustuhan ko siya....."
E wala naman pala akong laban dun eh. Maldita kasi ako. Rawr! Hahaha
"...niligawan ko siya ng 5 months then ayun. Naging kami March 09, 201*. Secretly. She doesn't want to tell to her parents kasi baka magalit daw sila. Basta kahit kanino, wala dapat makaalam kundi kami lang. Even our friends. Wala talagang nakakaalam. So ayun. Things went smooth. Walang namamakialam na iba..until 'that' day came..."
Tumingala na siya.
"...December 26, 201*. I told her to come sa secret place namin. Kasi ibibigay ko yung gift ko sakanya. Nagtago ako sa may puno to surprise her kasi nakita kong padating na siya. Tumatawid na siya nun ng bigla siyang nabunggo ng humaharurot na truck..."
Now, I know kung anong purpose ng pag-blindfold at pagtingala niya. Kaso, Kahit anong gawin niya, still, tumulo pa din yung mga luha niya. And it hurts to see him like this. </3
Hindi ko akalain na ganun ka-grabe yung nangyari sa ex niya.
"....kitang-kita ko lahat ng pangyayari. Kung paano siya nabunggo, kung paano tumulo yung mga dugo, at kung gaano siya ka-walang malay. Dali-dali ko siyang dinala sa pinaka-malapit na hospital. Hindi ko muna tinawagan ang parents niya hangga't di pa hinahanap ng doctor. Nung matapos siyang gamutin, tinanong ko na agad kung kumusta ang lagay niya. Then they said, stable na daw pero nagka-amnesia daw siya. Sobrang lala na amnesia. Simula nun, pa-sikreto ko pa din siyang pinadadalhan sa nurse ng mga pagkain kasi baka mahuli ako ng parents niya. At ng makauwi siya sa bahay nila, patago rin akong sumisilip. Pero I guess, wala pa din siyang maalala hanggang ngayon."
Hinigit ko ang blindfold niya at nakita kong sobrang pula na ng mata niya.
"Iiyak mo na. Ako lang naman to eh. Wag ka na mahiya. Na-iopen mo nga sakin yan eh tapos iiyak lang sa harap ko di mo pa magawa? Hays."
"Stella? Pwedeng payakap?"
Ha? Ano daw? Yakap ba yon? Emeged.
"S-sure."
Hindi siya nag-alinlangan na yakapin ako.
Dahil dun, lumakas yung pag-iyak niya. Hindi naman gaano yung sound pero mahahalata mong umiiyak na talaga siya ng sobra. Ganito pala ang mga seryosong lalaki umiyak. Si Kuya Sky kase, parang tanga umiyak eh.Hahaha. Sige lang Sy. Mamaya kana umalis. Hahaha. Feel na feel ko pa ang mga bisig mo. Wahahaha
"Miss na miss na kita Ella. Hindi mo pa rin ba ako naaalala? Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Maghihintay pa din ako sayo."
Bulong lang siya ng bulong. Hindi ko na maintindihan. Dahil nga iyak na iyak siya. Hays.
Pati ako eh naiiyak na rin. Waa. T^T
"Chansing kana Stella." sabi niya na matawa-tawa na.
Napansin ko naman na mahigpit ang pagkakayakap ko sakanya. Agad ko naman itong niluwagan.
"Baka lang naman mas magiging okay ka pag ganon no. Hahaha." palusot ko naman.
"Eh. Haha. Kung alam ko lang, crush na crush mo ako. Ayiee."
Agad ko siyang itinulak palayo.
"Bahala ka nga jan! Mag-comfort ka mag-isa mo!" tinalikuran ko na siya at aalis na dapat pero,
Hinila niya ang kamay ko at niyakap muli.
"Maawa ka naman sakin. Iniwan na nga ako ng EX ko eh, pati ba naman ikaw?"
"Madrama ka pala Syjohn Tan. Kala ko suplado ka lang eh. Hahaha"
"Tsk. Pero crush mo ako? Wahahaha"
"Isa pa at lalayasan na talaga kita. Seryoso na ko."
"HAHAHA. Pikon ka. Wag kang mag-alala. Pag bumalik na yung ex ko, ipapakilala kita."
Wag na sana siyang bumalik pa. Wag na.
Lalo pa't sa tingin ko, hulog na hulog nako.
Ala Nahu log log log log log log log~
xoxoxoxo
Votes/Comments? Tc. Mwa. :*
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
RandomWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...