#Fifteen

20 0 0
                                    

STELLA'S POV


Gumising ako ng nagmamadali. Kelangan kong umuwi. Kelangan ko ng number ni Aya! O di kaya ni Kuya Sky! Kelangan ko0 agad sila makausap!

Hindi nako naligo. Mabango pa naman ako. Dali-dali kong inimapake ang mga gamit ko at lumayas ng condo. Pwede ko namang balikan kung sakaling may naiwan akong gamit.

{Flashback}

"San ba tayo pupunta Syjohn?" tanong ko kasi hindi kami pupunta sa secret place namen eh. Iba ang daan nito. Ayaw naman niya sabihin.

"Basta. Hahaha. Surprise nalang."

Tumigil yung tricycle na sinasakyan namin sa tapat ng isang mala-mansyon na bahay.

"Welcome home baby! ^-^" sabi niya sabay pose sa may gate nung bahay.

"Bahay natin to? Pinagawa mo para satin? Wow." nakaka-amaze as in!

"Stella, someday ipagpapagawa kita. Gusto mo ba na ganitong-ganito rin?" sabi niya sabay pisil sa pisnge ko.

"So hindi satin to ganerrn? Pinaasa mo naman ako. -_-"

"Hahahaha. Bahay namin to. Tara pasok ka na sa loob."

"What? E bakit di mo sinabi? tignan mo naman ang itsura ko oh? Mukha akong julalay. Sana naman nakapag-dress ako. At nakapag-ayos ng konti. Tsk. :3"

"You're beautiful in any way Stella. Kaya tara na. tama na arte ha?  :)"

Wala nakong nagawa kundi sumunod.

Pagkapasok ko, grabe. Ninerbyos agad ako. Hay. Laki ng bahay nila. Ganda pa.

Sinalubong kami ng tatlong tao. Isang magandang babae at gwapong lalaki na may hawig kay Syjohn at isang kamukhang-kamukha ni Syjohn. In any view. Kamukha niya.

"Stella, meet my family. Mom, Dad & Syjay."

"Hello po." tapos nginitian ko sila. Halata yata na kinakabahan ako. Jusq. pano kung di nila ako magustuhan diba?

"Haha. Stella. Wag kang kabahan. Kahit di pa kita nakikilala eh, alam kong mabait ka at bagay ka sa anak ko. Lagi kang kinukwento ni Syjohn samin eh. Pati itong dad niya ay boto rin sayo. Si Syjay naman, okay lang rin sakanya. Kung mapapansin mo, magkamukha sila. Kambal sila e. Haha. Tara na kumain?" sabi ng mom niya

"Ah ganun po ba. Haha. Sige po. "

***

At ayun na nga. Naalala kong may kakambal nga pala itong si Syjohn which I assume na siya yung nakita ko nung isang gabi. Pero ewan pa din. Kelangan ko malaman ang lahat.

Pagkarating ko sa bahay, nagulat si Yaya. Pero di ko na muna siya pinansin. Nginitian ko lang. Tapos sina Mom & Dad, nakasalubong ko pero niyakap ko lang din. Mamaya ko na sila kakausapin.

Dire-diretso ako sa kwarto ko at hinanap sa directory ang tel # nina Aya.

(dialing...)

"Hello?" Yes! Sinagot niya.

"Hello Aya? Si Stella to."

"WHAT? OMG. STELLAAA WE MISSED YOU! SAN KA BA NAGPUPUNTA! LECHE KA. DI KA MAN LANG UMATTEND NG KASAL KO. HUHU PINAG-ALALA MO KAMI NG ILANG ARAW! KUMUSTA KANA BA?" sabay-sabay niyang tanong tapos sobrang lakas pa ng boses.

"Mamaya na ang tanong. Mamaya nako magpapaliwanag. Anjan ba si Kuya Sky? Pakausap."

"Oo. Andito sa tabi ko. Oh eto na......Hello Stella?"

The Story behind Stalking [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon