STELLA'S POV
Ready na ako.
Tinignan ko muna saglit ang itsura ko sa salamin. Sobrang pula ng mata ko. Tapos may eyebags pa. Hay. Lalagyan ko nalang ng concealer tapos mag-sh-shades nalang ako.
Nakapag-imapake na ako kagabi pa. Aalis nalang talaga ako. May nakita pa nga akong nakabalot na regalo. Walang pangalan. Dinala ko na. Baka makatulong to sa pagbalik ng ala-ala ko.
Bumaba ako, dala-dala ang isang backpack, at isang maleta. Nandito na lahat. Malalaki naman to at dala ko naman ang kotse ko.
"Where do you think you're going stella?" sabi ni Dad.
"I need this Dad. I need to find myself. Please lang. Hayaan nyo muna ako."
"Hindi ka naman namin pipigilan. But atleast, try to hear our side baby girl. Please." ibang-iba ang epekto ng tatay ko sakin. Talagang pag malungkot siya, malungkot na rin ako.
"Nung araw na naaksidente ka, may nagdala lang sayo sa hospital. Hindi namin alam kung sino. Meron pa ding nagpapadala ng mga prutas. Malala ang naging amnesia mo. At napagkasunduan namin ng Mom mo na wag nang ipaalam sayo yun dahil maramdamin kang bata. Ayaw ka namin nakikitang malungkot. Sobrang mahal na mahal ka namin. Pero ito nga, alam namin na darating ang araw na ito. Na makakaalala ka na. Hindi pa naman dapat yun ngayon pero na-obserbahan mo na agad sa sarili mo yun. Matalino ka talagang bata. Manang-mana ka sa daddy mong pogi." sabi niya ng nakangiti pero tumutulo yung luha.
Umiiyak na rin tuloy ako.
"Dad, eh yung nakabangga po ba saakin?"
Napabuntong-hininga siya.
"Anak, yung dad ni Aya ang nakabangga sayo. Si tito Jun mo. Nawalan ng preno yung dina-drive niyang truck. Hindi niya rin alam na ikaw ang nabangga niya. Kaya umalis na lang siya dahil sa takot. Pero nung nabalitaan niya, umamin naman siya. Syempre nagalit kami, pero, ayaw namin kayong maapektuhan ni Aya kaya naman, hindi na kami nagsampa ng kaso at nagkapatawaran na. Yun din ang dahilan kung bakit mas maingat sayo yung tito Jun mo ngayon. Sobrang takot niya nalang talaga nung aksidenteng yun."
Niyakap ko na ng mahigpit si Dad. Pero kahit narinig ko na yung totoo. Kelangan ko pa din umalis.
"Dad, mauuna na po ako. Ingat po kayo ni mom dito."
"Sige anak. Mag-iingat ka. text mo kami pag nakarating kana dun."
Bago ako umalis, nagpunta muna ako sa kwarto ni mom.
Nakita kong tulog pa siya pero pulang-pula din ang mata. Nakayakap siya sa paborito kong stuff toy."Mom. I'm sorry din po. Alis na po ako." hinalikan ko lang siya sa noo tapos umalis na.
Bago ako umalis, sinabi din ni Dad na sasamahan daw ako ni Sy. May kelangan daw kasing sabihin sakin si Sy. Hindi daw nila alam kung ano yun.
I'm very grateful that I have parents like them.
Eto pa ang isa, hindi ko alam kung pano ko haharapin si Sy.Hays. akala ko panaman mag-isa lang ako. -_-
SYJOHN'S POV
Nasa loob na kami ng sasakyan ni Stella. Buti at pumayag siya na ako ang mag-drive at sumama sakanya. Syempre nung una, ayaw niya. Pero nakuha ko ang car key at sumakay na agad ako.
"Ano na ba yung sasabihin mo?" Finally. Nagsalita rin siya. 30 minutes na kaming nasa byahe pero ngayon lang siya nagsalita. Busy lang siya sa kakabasa ng libro. Tsk. Hindi ba siya nahihilo?
"It was you."
Isinara niya ang libro niya at napatingin sakin (naka-shades siya)
"Anong 'It was you'?"
"It was you. It's always been you. Ikaw yung mahal ko. Ikaw si Ella. Ikaw yung EX ko na kinukwento ko sayo. Ikaw yung maganda. Ikaw yung mabait. Ikaw yung mahilig mag-bake at kumain. Ikaw yung may amnesia. Ikaw yung babaeng bibigyan ko ng gift nung araw na naaksidente ka."
Hindi ko makita ang reaction niya kasi naka-focus ako sa pag-d-drive.
"So bakit hindi mo sinabi saakin? Alam mo bang nagpakahirap akong mag-stalk sayo sa lahat ng social media accounts mo pero hindi moko ina-accept?! Hanggang ngayon nga eh, di mo man lang ako ma-add. Tss."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Hahaha "So yun talaga ang pinroblema mo e no? Kung bakit di kita ina-accept? Hahahaha. Still childish as ever Ella."
"Manahimik ka nga jan. Ella ka jan! STELLA yun."
"Hahaha. Wala akong pake. Yun ang gusto ko ELLA. Haha. Anyway, kaya di kita ina-add/ina-accept kasi, makikita mo yung mga posts ko. Tungkol kasi lahat sayo yun. Sa IG lang ako hindi obvious. Naisip ko nga non na nakakaalala ka na eh. Kaso dahil mas stalker ako kesa sayo, nalaman kong hindi pa kaya ayun. Hinayaan lang kita."
"Eh teka, in-unfriend mo ba ako?"
"Oo. Mas mahirap kasi para sayo kung hindi ka pa nakakaalala tapos makikita mo agad yung mga posts ko. Pipilitin mo lang alalahanin. Edi mahihirapan ka. Alam ko PW ng fb mo. Nagsabihan tayo nun. kaya naman dinelete ko na din lahat ng msgs sa messenger, dm sa twitter, tapos yung phone mo nawala kaya naman, mas napadali ang trabaho ko. Haha. Pero hindi ko inakala na sa paghahanap ng crush, ako yung na-tipuhan mo. Hay. True love na talaga to. Wahaha"
"Eh anong nangyare dun sa twitter? Diba, inaccept mo na yung Follow request ko?"
"Oo nga eh. Nagkamali nga ko non. Pero di pa naman ako showy sa twitter kaya okay lang. Pero nung nag-fr ka ulit di ko na inaccept. Hahaha"
"Oo nga. Nakakabwisit ka. Tss. Suplado."
"Hahaha. Woah. Pag naalala mo ang lahat, babawiin mo yang sinabi mo. I-aadd na kita mamaya. Nakakahiya naman sayo."
"So ikaw pala yun? So sayo din pala yun?"
Naguluhan ako. "Ang alin? Ang mahal mo? Aba oo naman yes. ;)"
"Noon yun. Tsk."
"Aww. Hindi na ba ngayon? Hays. Kelangan mo na talagang maalala ang lahat. Ano na nga kasi yung sinasabi mo?"
"May nakikita kasi akong lalaki pag sumasakit yung ulo ko. Blurred. Tapos naririnig ko pa minsan boses niya. Tapos, may regalo akong nakita kanina. I guess para sayo yun?"
"Siguro. Yun lang tangi kong maisasagot. Dala ko nga din pala yung regalo ko para sayo. Kaso, ibibigay ko nalang siguro pag naalala mo nako. Well, gagawin ko naman ang lahat para maalala moko eh. That's why were here!"
Saktong nandito na kami. Nag-park na kami at bumaba na.
"WELCOME TO BATANGAS MY DEAR STELLA!" sabi ko sabay pose pa.
Nakita kong tumawa siya. Hay. She's still the same. Madali pa rin siyang mapatawa kahit na nagmamaldita.
"Mukha kang unggoy jan. -_-" sabi nya.
"Okay lang. Mahal mo naman. HAHAHA. Picture nga tayo."
Pareho kaming umiyak so, kelangan i-edit yung mata. BWAHAHAHA.xoxoxoxo
Votes/Comments? :) Ty. :)
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
AcakWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...