#Five

14 0 0
                                    

SYJOHN'S POV

Sinasabi ko na nga ba e.
Tama talaga yung kutob ko.

Well, kaya ko to. :)

I think nakapag-ayos na siya?
Sa peripheral vision ko lang siya sinusulyapan e. Hirap kase neto.

"Ehem." Napatingin naman ako kay Sky. At syempre, nadaanan ko din ng tingin ang pinsan niya. 

Pinsan niya.

"Lala, este Stella, meet Syjohn. Syjohn, meet Stella."

Ihinaya ko yung kamay ko sakanya para makipag-shake hands.
Inabot nya naman ito ng may panginginig sa kamay.

Okay? Anong ginawa ko? Natakot ba siya sakin?

STELLA'S POV

Wtfwtfwtfwtfwtfwtfwtfwtf.
What to do? Natataranta na ako!

Sht. Keep calm and love Syjohn.

Kaya mo yan Stella. Go for it! It's now or NEVER!
Inhale. Exhale.

"Hi there Syjohn :)"

Ayan, syempre kelangan ang pinaka-magandang smile. Kahit na nagpapawis na yung kamay ko at nangangatal-ngatal pa. Waa T^T

"Hello. Nice to meet you. You can call me Sy or John. Basta wag yung buo. Haha :)"

Wait. Did he just smiled?
And laughed...even a little?
Really?!?

😍😍😍😍

Geez. Feel ko na ang pamumula ko so tumungo na ako, binitaw yung kamay ko sa shake hands namin and tried to speak clearly.

"Sige. Kuha lang ako ng pang-merienda nyo. Upo muna kayo jan. Feel at home. :)"

"Ah. Lala, mag-j-jam kasi kami eh. Pwede bang magamit yung veranda sa may room mo?" singit naman ni Kuya Sky.

"Sure kuya. Punta na kayo don. Dalhin ko nalang sa taas food nyo."

Then they went upstairs.
Andami nilang dala. Syempre, puro musical instruments.

And even nag-p-prepare ako ng food nila, kitang-kita ko kung pano dalhin ni Sy yung guitar niya.
So, fckn cool. Omg.

Buti nalang may ingredients dito. Mag-b-bake nalang ako ng cupcakes?
Mabilis lang naman to eh. :)

"Ya? May fresh milk pa po ba tayo dito?" sabi ko while checking the fridge.

"Nako neng. Wala na eh. Pero may darating na mag-d-deliever."

"Ahh. ganun po ba. Sige po."

Puntahan ko nalang sila sa veranda para itanong kung anong drinks ang gusto nila ka-partner ng cupcakes.

3 steps away nalang ako sakanila.
Then I stopped.

Nag-start na pala sila. I didn't even make a move para mapakinggan ko ng maayos yung tinutugtog nila.

🎸🎶🎶🎶🎸

Hindi ko alam ang title nito.
Pero parang pamilyar ang tono nito.

Kumupas na lambing sa iyong mga mata~

Narinig ko na to somewhere eh.
Sa radyo siguro?  Pero hindi eh, iba eh.

Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama,
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita

Yung pagkakakanta, damang-dama.
Parang may pinaghuhugutan?

Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya~ 🎶

Sumilip na ako para tignan kung sino yung kumakanta pero,

"Acck!" yung ulo ko. Bakit? Bakit sumasakit ng ganito?
Napapa-upo nako sa sobrang sakit. Hindi ko alam ang gagawin.
Parang hihimatayin ako.

Until I heard some footsteps walking towards me.

"Stella? Stella? Okay ka lang? Can you hear me?"

I don't know if it's Kuya Sky or him.
Pero, hindi ko na talaga kaya.
So, everything went black.


After 15 minutes**

Nagising ako sa kama ko.
Ugh. What happened?

I try to recall everything pero sumasakit lalo yung ulo ko.

"Stella neng? Gising kana ba?" sabi ni yaya mula sa labas ng kwarto ko

"Opo. Pasok na po kayo."

Pumasok siya dala yung cupcakes na ginawa ko.
Wait.

"Ya? Hindi po ba nasunog ito?" naalala kong nag-b-bake ako nito kanina eh.

"Hindi naman. Nailabas ko naman sa oven ng maayos. Okay kana ba? Eto na yung fresh milk. Kadadating lang ng nag-deliever. Ano pang nararamdaman mo?"

Sakit po. Sakit sa puso. Sakit ng damdamin.
Labis na hinagpis at pighati.
Hahahaha. Char lang.

"Medyo okay na po ako. Salamat ya. Ano po bang nangyari?"

"Nako. Ang alam ko lang eh, hinimatay ka eh. Pagpunta ko eh, nandito ka na sa kwarto mo."

"Ahh. Ganun po ba. Sige po. Salamat po. "

Pumunta ako sa may veranda ng kwarto ko. Kasi naalala kong may mga bisita nga pala ako. Hays.
Nakakahiya naman to.

Nakita ko dun si Sy. Nasan kaya si kuya Sky?

Tumalikod na ako at maglalakad na sana paalis nang tinawag niya ako.

"Stella?"

"Yes?" Hahaha. Ang landi ko naman talaga. Kakagaling lang sa pagkahimatay pero makaharot wagas.

"Ikaw ba nag-bake nitong cupcake?"

"Ahh. Oo. Muntik pa ngang nasunog eh. Haha. Kumusta naman ang lasa?"

Kumagat muna siya ng konti tapos syempre, nginuya at nilunok muna bago magsalita.

"Masarap. Na-miss ko to."

Huh? O.o? ? ?

Nakita niyang namimilog ang aking mga mata kaya naman napa-balik ako sa reyalidad.

"Haha. I mean, Namiss ko to kasi matagal nakong hindi nakakatikim ng cupcakes eh." sabi naman agad niya.

"Ahh. Okay. Sige. Kain ka lang jan. Meron pa sa baba. Kuha ka lang. :)"

"Wait Stella. Why don't you join us here?"

Kung sinabi mo pang, "Why don't you join ME here?" Papayag pa ako. Hahahaha

"Nye. Hindi na. Hindi ako marunong ng mga ginagawa niyo eh. Sige na. Marami pa kasi akong gagawin eh. "

Nagtatakbo na ako para wala ng follow-up question si Sy.
Well, ang hirap itago ng kilig ko kasi nandito siya sa pamamahay ko, kinakain niya yung cupcake na gawa ko plus nakikipag-usap siya sakin. OMG.

Best Day Ever!


xoxoxoxo

Hi! Votes/Comments? Thanks in advance!  c:






The Story behind Stalking [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon