#Fourteen

10 0 0
                                    

STELLA'S POV

That night, bumalik rin agad ako sa manila. Wala akong kahit sino mang pinagpaalaman. Yung receptionist lang siguro ang may alam.

Tatlong araw na rin ang lumipas mula noon.

Hindi ako sa bahay umuwi.  This time, mag-isa talaga ako. Pumunta ako sa condo nila mom. Wala na namang tumitira dito e. Dito muna ako pansamantala. Tinapon ko na yung phone ko. Bumili ako ng bago. I even changed my number. Wala akong ni-isang contact sa kanilang lahat. Malayo ako sakanila.

Isang araw masaya ka, pero magigising ka na lang na parang panaginip ang lahat ng yun. Kaya di ko na magawang maging masaya. Nakakatakot.

Hindi na rin ako umattend ng wedding ng bestfriend ko. Hindi ko na kaya. Kahit masakit, kailangan kong pigilan. Nag-DC na din ako ng fb, twitter, IG, halos lahat ng social accounts ko. Kaya di ko alam kung anong balita na sa kanila. Namimiss ko na din naman sila kahit papano. T^T

Nakakaalala nako ng paunti-unti. Kada araw padami ng padami ang naaalala ko. Lalo lang akong nasaktan. Yung mga pangako niya saakin. Mahal na mahal niya daw ako. Yung ako lang daw. Yung ako na daw ang papakasalan niya kahit anong mangyare. Puro daw. Ano namang patutunguhan ng lahat ng yon.

{Flashback}

Nasa playground kami. Nasa swing ako siya naman nakaupo lang sa lupa. Nakaharap sakin.

"Stella, mahal mo ba ako?" tanong niya.

"Onamann. Sobraaaa. Sobrang mahal na mahal kita kahit makulit ka at moody pa minsan. Hahaha"

"Weh? kiss mo nga ako sa cheeks?" sabi niya na pabebe yung tono.

"Ayoko nga. Sabi ko pag kasal na tayo, saka natin gagawin yang mga bagay na yan." sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Damot talaga. Eto nalang." nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko.

"..Stella Alonzo, will you be my girl for the rest of my life? Will you marry me?" hindi man yun ang pinaka-romantic na proposal para sa isang babae, sobra kong naramdaman yung saya at pagmamahal niya para sakin.

"Yes Syjohn. Walang pag-aalinlangang YES!" tapos niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

***

Hay. Ang saya no? May happy ending pa kaya ito? Aasa pa ba ako sayo?

Naaalala ko na kung paano niya ako niligawan. Kung paano ko hinarap ng lahat. kahit magsinungaling pa ako sa mga magulang ko, nagawa ko. Kaso anyare? Haha. Nagkanda-leche-leche na.

Tinigilan ko na ang pag-d-daydreaming at umalis muna. Kelangan kong maaliw. Kahit mag-isa lang ako. Kaya ko to. Masasanay rin ako. Masarap mag-isa diba? Lasang hays. </3

Pero syempre, alam niyo naman na umaasa pa din ako na kahit papano hahanapin ako ni Sy at magpapaliwanag diba? Tangina niya talagang hayop siya. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala pa ba akong ako yung EX niya na matagal na niyang hinahanap eh. Baka naman di rin totoo na nagka-amnesia ako. Baka kinunchaba niya lang rin ang mga doctor. INAMO TALAGA SYJOHN TAN!

Sinisipa ko yung coke in can na nakita ko. Tsk.

"Waaaaaaa. Waaaaaa. Waaaaaa."

Huh? May nakita akong bata na nakaupo sa may tabi.  Naka-dress siya ng maikli. May flower crown din siya. Hala ang cute.

"Bakit ka umiiyak pretty girl?" tanong ko sakanya sabay hawi ng buhok na nasa mukha niya.

"Kasi po, natamaan niyo po ako ng sinipa niyo eh."

"Hala? Ganun ba? Sorry baby girl. Sorry. Badtrip lang ako. Call me Ate Ella, I mean, Stella. How about you? What's your name?"

Bigla na siyang ngumiti. Shet. May kamukha siya. Ugh. Ang ganda niya. Nako. Artistahing bata. Sana ganito din itsura ng magiging anak ko.

"Hi Ate Ella! Ako po si Stella. :) Pareho po tayo ng name. :)" sabi niya tapos lumabas yung dimples niya sa magkabilang pisnge. Pero di ko ma-disregard yung sinabi niyang Ate Ella. Sabing Stella nga eh. :3

"Woah. Really? Sige, Stelle nalang itatawag ko sayo ha? Tapos Ate Stella itatawag mo sakin."

"No. You're Ate Ella." nag-cross arms pa siya.

"No. It's Stella nga kasi!" nakakairita tong batang ito. Makulit. Maganda nga, makulit naman.

Napansin ko namang napahikbi na siya. Halaaa. Iiyak na ba siya? Alaaa. No. Omg.

"Okay. It's Ate Ella then. Don't cry baby girl. Papanget ka niyan. :)" tapos ngumiti na ulit siya. Jusq. Nakaka-tibo ang ganda neto. -.-

"Ate Stella, pwede po ba tayong kumain ng Ice Cream? Nawawala po kasi ako eh. Nagugutom na po ako :3"

"Oh sure Stelle. Let's go!"

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapalingon. Parang may sumusunod sa amin.
Tinignan ko ulit ng maigi si Stelle. Hindi naman siya mukhang kasabwat ng mga kidnapper dito sa maynila dahil napaka-sosyal niya kung titignan.

Nakarating naman kami ng Ice cream parlor ng safe. Hoo. Thank God.

"Anong flavor ng Ice cream ang gusto mo?" tanong ko sakanya. Tinuro naman niya yung cookies & cream. Aww. Pareho kami ng favorite.

Umupo na kami sa table. Gusto niya daw sa may glass wall eh. Hays. Pareho talaga kami ng gusto.

Pinapanood ko lang siya kumain. Ang sarap niya kumain eh. Alam mo yung, titignan mo lang siya, busog na ka na? Ang gana niya kumain eh. Ang cute pa niya. Kinain ko na rin yung sakin kasi matutunaw na.

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. "Kuya!" kinakatok niya yung glass wall.

"Stelle. Wag mo katukin yang glass wall. Baka masira lagot tayo. Pupunta ka ba sa kuya mo? Tara sa labas. :)" baka kasi pogi yung kuya niya. Bwahaha. Magkaka-jowa na naman ako neto.

"Anong kulay ba ng damit ng kuya mo?" tanong ko. Andami kasing lalaki eh.

"Color white po yung suot nya. Ayun po oh." tinuturo niya saakin pero di ko maaninag. Hanggang sa bumitaw siya saakin.

 Nabitawan ko yung ice cream na kinakain ko. Sht. Sayang.

Siya ang kuya ni Stelle?

Nakita na naman kita. Pinaramdam mo na naman sakin kung gaano kasakit. Pinaramdam mo na naman sakin kung gaano ako dapat manghinayang. Ikaw ba? Kumusta? Masaya ka ba? Nanghihinayang ka rin ba tulad ko? I guess hindi. .

Ang hirap pala talaga. Siya na kasi yung tatalong tenses ng buhay ko eh! Tapos ganun ganun na lang yon? Ayoko na kasing marinig ang paliwanag niya. Kitang-kita na kasi. Kitang-Kita na.

Tumakbo na ako para di na niya ako makita.
Naramdaman ko nalang na tumutulo na yung luha ko.

xoxoxoxo

Votes/Comments? Thankyouuu! ^-^

The Story behind Stalking [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon