STELLA'S POVHindi ako makatulog dahil sa matinding sakit ng ulo ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Sobrang sakit. Parang binibiyak. Hindi nako makapagsalita.Hindi ko na rin makuha yung phone ko sa bedside table para tawagan si Sy. Ugh. Anong gagawin ko?
Kailangan kong bumangon.
"UGHHHHHHH!" sobrang sakit talaga. Kahit yata iumpog ko to sa pader wala akong mararamdaman kundi yung sakit nito mismo.
Maya-maya, nakarinig nako ng sunod-sunod na katok sa pintuan ko. Sht. Naka-lock nga pala yun.
Pero ilang segundo lang eh bumukas na rin ito. Hindi ko na marinig ng ayos ang sinasabi ni Yaya. Basta ang alam ko lang, nandito na siya.
"Tawagan ko lang yung albularyo. Mahiga ka muna stella." malabo pero naintindihan ko naman.
Albularyo na naman? Eh hind nga ako nagaling dun.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at nagdasal ng taimtim saking isipan.
~~~~~~~~~~~~|>|
Nagising ako sa tila-ok ng manok. So umaga na pala.
Nangangati na yung noo ko. Hinawakan ko at,
Ay jusko.Kung ano-ano na naman yung tinapal sakin ng jowa ni Yaya.
Inayos ko na ang sarili ko at bumaba na.
Hinanap ko si Yaya sa baba pero wala.
Nasan kaya yun?Pinuntahan ko sa kwarto niya at ayun nga. Natutulog pa.
Isasara ko na ang pinto ng makita kong may tao pa sa likuran niya.
Mukhang katabi niya yung jowa niya. Ang lantong ng yaya ko! Susmaryosep. -_-
Anyway, okay lang yun. Kelangan ko ding umalis ngayon ng hindi niya nalalaman. Kaya naman bumalik ako sa taas para mag-ready na.
AYA'S POV
Busy ako ngayon.
Nagsusulat sa journal ko. Haha. Cute kaya neto. Duck ang cover. Kawaii ^-^~ May mga bibe akong nakita, mataba, mapayat, mga bibe. Ngunit ang may pakpak, sa likod ay iisa, siyang lider na nagsabing kwak-kwak-kwak.🎶
Hinanap ko ang phone ko kung saan man ito naroroon. Hays. Di ko alam kung san ko naipatong eh. Ayun sa ilalim pala ng kama. Hahaha
*..Stella calling..*
"Hello?"
"Samahan moko." seryoso ang tono ng boses niya.
Nanginginig man ako sa loob-loob ko, itinanong ko pa rin kung saan.
And I guess, gusto na niyang kumpirmahin ang lahat.Pagka-end ng call, tinawagan ko agad si Sky pati na rin si Sy. Group call na this. HAHA.
May sinabi kasi ako sakanila nung isang araw lang. Isang lihim na di dapat malaman ni Stella pero I guess, malalaman na niya."Na-miss naman agad ako ng aya bebe loves ko. " bwisit sadya itong si Sky eh. Langya.
"Bakit Aya? May problema ba?" sabi naman ni Sy.
"Well, Sky, may problema tayo so magseryoso ka muna please? Sy, oo. About kay Stella."
"Anyare?" sabay nilang sabi. Hahaha. Natatawa ako sa dalawang to eh.
"Nagpapasama siya sakin dun sa lugar na yun." sabi ko sabay buntong hininga.
"Eh paano yun? Ediba hindi nga siya pinapayagan nina tito at tita pumunta dun?" sabi ng engot na si Sky.
"Wala na tayong magagawa kung ito na talaga ang tamang oras para malaman niya. Samahan mo na Aya. Pero susunod din kami ni Sky. Let's face this." mahinahong sabi ni Sy.
Hays. This is it. This is really really it. T^T
STELLA'S POV
Kasalukuyan akong nag-d-drive ngayon at katabi ko si Aya.
Nag-insist pa siya na siya na daw mag-d-drive kasi baka kung mapano daw ako. Naikwento ko na rin sakanya ang nangyari sakin kagabi."Kumusta na ba ang pakiramdam mo ngayon?" tanong niya habang nakatingin sa may bintana.
"Okay na naman. Kaya lang. Ayoko ng maulit yun. Para akong mamamatay. Hays."
Hindi na siya nagsalita.
Pansin ko lang, tahimik siya ngayon. At hindi tumitingin saakin.I wonder why...
"Aya, may problema ka ba? You're so quiet today." hindi ko na talaga napigilang magtanong.
"Nag-away lang kami ni Dad. Pero okay lang naman ako. Don't worry. :) "
Ayun eh, ngumiti na siya. So I guess, okay nga lang talaga siya?
Pero ako yata ang hindi okay eh. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko, marami akong malalaman.
Tumatayo mga balahibo ko pag naiisip ko yon eh. Haha. Hays.I turned on the music player para atleast magka-ingay sa loob ng kotse. Sobrang tahimik eh.
~'Cause you know,
you know, you know🎶Bigla akong napatapak sa brake.
Sht. Yung ulo ko. Sumasakit na naman."Stella? Why? Sinasabi ko na nga ba e. Lipat kana dito. Ako na mag-d-drive." sabi ni Aya na nagulat din.
Wala na akong gumawa kundi lumipat at hinayaan siyang mag-drive.
🎶That I love you, I have loved you all along
And I miss you, Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me and you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore🎶Lalong sumasakit yung ulo ko. Pinikit ko ang mga mata ko.
At may naririnig ako.May naririnig akong kumakanta at tumutugtog.
Sandali ko munang idinilat upang tignan kung meron nun sa paligid. Kaso wala.
Napansin ko na mag-s-stop na si Aya dun sa lugar na yun kaya naman,"Aya. No. Sa iba tayo."
"Pero magagalit sina tito at tita. Tska dito ka naman talaga diba?"
"Babalik tayo jan. Pero ngayon, humanap ka muna ng iba. Please."
Wala na siyang gumawa kundi sumunod. Marami akong gustong malaman. Ayoko jan sa ospital na yan kung saan ako nagpa-check up dati dahil daw sa severe headache ko. Maaari nilang i-fake ang result kasi kilala nila sina mom at dad. Kaya sa iba muna.
I want to know everything.
Everything about me.xoxoxoxo
Votes/Comments? Thankiees. Tc! ^-^
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
De TodoWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...