SKY'S POV
Nung iniwan namin ni Aya yung dalawa dun, kami naman ang nag-moment. Wahaha.
Oo. Hindi ko to storya pero,
Wag kayong magulo jan. Matagal ko na kayang gusto tong si Aya. HahahaKaya lang...si SKY ALONZO ay isang dakilang TORPE.
Kaya hindi ko alam kung nahahalata na ba niya or what.
Kung aamin na ba ako or what. Hay."Uy Sky! Ano ba yan! Kasing-lalim na yata ng dagat yang iniisip mo? Okay lang yung dalawang yun dun. Tuwang-tuwa si Stella dun. Hahaha"
Sht. Ayun oh. Yung tawa niya. Yung mga ngiti niya. Parang nag-slow motion bigla. Ito pala yun!
Kaya ako nag-decide na magsalamin dahil sakanya. Ang ganda niya talaga!
Pero syempre, madalas ako sungitan niya. Tapos minsan ko lang yang mahuling nakangiti o tumatawa. Lagi kasing poker face. Pero masayahin daw siya. Hay nako. Abnormal talaga mga babae. Parang yung Author nito jusko."Tara na kina Stella at Sy. Masyado ng masaya dun yung bruhang yon e. -_-"
"Hindi. Dito muna tayo. May sasabihin ako."
Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Pero agad din siyang nag-poker face.
"Ano ba yun? Isusulat ko dito sa journal ko." sabi niya habang hindi pa rin tumitingin sakin.
"Ahm, ano kasi. Sht. Okay. Gusto kita Aya."
"Ahh. Okay. Gusto kita aya--HA?"
Hahahaha. Isinulat niya nga sa journal niya eh. Baliw talaga to.
"Wag mo nga akong pinaglololoko Alonzo!" sabay ligpit ng ballpen at journal niya. "Tara na dun sa loob."
"Pero seryoso ako."
"Pag lumipad na ang baboy, saka ako maniniwala sayo? Ok?"
At tuluyan na nga siyang lumayas.
So ano yun? Basted ako? Ano ba yan! Aya naman eh. :3Sumunod nalang ako sakanya sa loob.
At doon, nakita kong magkayakap yung dalawa. Hay. Nakakainggit naman. Buti pa sila.Teka nga.
"Hoy kayong dalawa! Bakit kayo magkayakap?!" sigaw ko sakanila.
Pagharap nila,
"Omg. Anyare sainyo? Pulang-pula mga mata niyo! Umiyak ba kayo?" tanong naman ni Aya na nasa tabi ko pala.
"Tumawa kami Aya. Oo. Ganun na nga. -_-" sabi naman ni Lala.
"Hay nako Stella Alonzo. Wag mokong maganyan-ganyan. Magpinsan nga kayo netong Sky na to. Ano na ba kasing nangyari?" patuloy na pangungulit ni Aya.
Aba at nadamay pa ako. Tumahimik nalang ako sa kadahilanang, sisinghalan na naman ako nito pag nagsalita pa ako. Hay.
"Nanood kami ng sad movie. Na-carried away lang kami." paliwanag naman ni Sy.
"Hahaha. Ang bading mo tsong! Kala mo maniniwala kami? Halata namang nagpapalusot ka eh. Kilala kita pre. Hindi ka na-c-carried away sa movie no!" sabi ko naman sakanya.
Pinagloloko talaga ako neto eh.
"Gusto niyo bang malaman? Yung totoo talaga?" sabi ulit ni Sy.
"Yes. We want the truth and nothing but the truth!" sabay naming sabi ni Aya. Nagkatinginan naman kami. Inirapan lang niya ako. Hayayay.
"Kami na." sabi niya at hinawakan ang kamay ni Lala.
"WHAT? ANO?" sabay ulit naming sabi ni Aya.
"Anong gayuma ang pinainom mo kay Sy ha Stella?" banat ni Aya.
"Hoy grabe. Wala. Kusa siyang na-inlove sakin. Hahaha." pagyayabang naman ni Lala.
"Asus. Sino kaya ang may crush saaken. Nyee." pang-aasar pa ni Sy kay Stella.
Parang timang tong mga to. Edi kayo na! Edi kayo na may lovelife! Kayo na talaga!
"Mag-c-cr lang ako." paalam ni Stella.
So ito na ang perfect time para sa pag-i-interview kay Sy.
"Hoy Sy, lika nga dito. Mag-usap tayo ng lalake sa lalake. Aya, alis jan." sabi ko.
"Makapag-utos to. Fine." At ayun, lumayas na ang bebe loves ko. Huhu.
Ibinaling ko na ang tingin ko kay Sy.
"Bilang pinsan ni Stella at tropa mo, curious lang ako e. Pano nangyari yun? Ediba loyal ka sa Ex mo sabi mo? Yung Ex mo na di ko kilala. -_-"
"Hahaha. Makikilala mo rin siya soon."
"Eh pano naman tong pinsan ko? Ano yon tol rebound lang? E sapakan nalang pala?"
Angas din netong si Sy eh. Kahit tropa ko to, basta si Stella ang pinag-uusapan, kaya kong upakan to. Para ko na kasing kapatid yun.
"Hindi. Ako bahala sa pinsan mo. Pangako yan. Lalake sa lalake Sky."
"Siguraduhi--"
*BLAG!*
"Ano yun?" sabi ko kay Sky?
"Sht." sabi lang niya.
Tumayo kami at hinanap ang kumalabog.
At nakita namin si Stellang nakahandusay sa sahig."STELLAAAA! STELLA! Gising! Huy!" sigaw ko.
Napa-takbo din agad si Aya sa sigaw ko.
Agad naman itong binuhat ni Sy."San guestroom nyo Aya?" tanong ni Sy at igi-nuide na sila ni Aya sa guestroom.
Gabi na rin eh. Hindi ko na maiuuwi yan pag ganyan. Tawagan ko nalang si Manang.
Buti nalang may number ako.
"Hello po Manang? Si Sky po ito"
"Oh iho, bakit ka napatawag? Si Stella? Kumusta?"
"Ayun nga po manang eh. Hindi po makakauwi jan. Hinimatay na naman po kasi eh."
"Naku. Diyos ko po. Bakit kaya nagkakaganyan ang alaga ko?"
"Dalhin na po ba namin sa hospital?"
"Naku. Hindi nagpapa-ospital si Stella. Laging sa albularyo yan nagpapagamot."
"Eh? bakit naman po? Wala na bang pera sina tito at tita?"
"Hindi. Pogi yung albularyo. Type na type ko eh. Hays. Sabihin niyo pag hindi pa din nagigising after 15 minutes. Dadalhin na natin dun kay fafa albularyo."
Hala? Si Manang? Tumatalande? Sht. 58 na to ah?
"Sige ho."
In-end call ko na. Nakaka-ano si Manang eh.
Nagpunta na ako sa guestroom at sinabi sakanila na pag di pa nagigising si Stella after 15 minutes eh tatawagan na si manang.
Nakita ko namang lumong-lumo ang itsura ni Sy. Hays. Mahal na ba talaga nito si Stella?
xoxoxoxo
Votes/Comments? :)
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
DiversosWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...