A GIRL'S POV
"Huhu. Ano ng gagawin ko?"
Naiiyak na talaga ako.
Hindi ko alam kung ano pang i-rereact ko. Napaka-hopeless romantic ko talaga.🎶I'm broken, can you hear me?🎶
HAHAHAHA. Lecheng kanta iyan.
Kasalukuyang nasa facebook profile ako ng crush ko. Wala naman akong ginagawa kundi tignan ang picture niya. Tignan kung may bagong share na post. Yun lang kasi yung naka-public sa account niya. Na-sendan ko na kaya sya ng FR. Kaso, lumipas ang mga araw, wala pa ding confirmation. Huhu. Dinelete niya yata yung request ko. Saket non ha. T_T
Gusto nyo bang malaman yung history kung pano ko nahanap tong crush ko? Hahaha. Sige. Mag-k-kwento muna ako. Para magka-kilig hormones ulit ako. Charing!
Ganito kasi yun,
Actually, kabarkada siya ng pinsan ko. Yung pinsan ko kasi na yun, pogi e. Hahaha. So, dahil active ako sa twitter, naghanap ako dun sa mga followers niya, mga minemention na kabarkada, etc. Kasi alam kong may pogi yung kabarkada e. Hahaha. Landi Instinct ang tawag don. Hahaha. So, hindi ako nabigo. Nakita ko lang naman "siya". Maliit lang kasi yung icon sa twitter diba. Pero feel ko talaga pogi e. Hahaha.So finollow ko siya sa twitter. And hopefully, na-accept niya. (Naka-private siya e.) Okay na yung di ma-followback. Basta ma-stalk ko sya okay na. Huahua.
Kaso days passed, mejo inatake ako ng konsensya ko. Kasi kabarkada ng pinsan ko. Feel ko lang masama yun. Hahaha. Ang psycho ko talaga. So ayon, in-unfollow ko siya. Sabi ko kasi may mahahanap pa naman akong iba.
But then, months passed naman, naghanap na ulit ako ng boylet. This time, sa facebook naman. Tapos wala ako mahanap. Mga jejemon nakikita ko. Grabe sila. -_-
Naalala ko bigla siya.
Si-nearch ko siya sa Search Bar. Alangan namang sa Chatbox? Buti nalang alam ko pa fullname niya. So ayon, edi lumabas na. Grabe. Pogi pala talaga. Kahit saang-angulo mo tignan. Waaa. Pero syempre, di ko muna inadd. Nahiya ako nung una. Hindi ko kasi gawain yon. Sa twitter, pede pa. Kaso iba na sa facebook e. Nung nagkalakas loob lang ako, saka ko pinindot yung "Add Friend".
Hays. Pero eto nga, unfortunately, walang nangyari. Pati sa twitter, finollow ko na ulit siya pero pending lang din yung nakalagay. Hay nako! Kaya naman nag-save nalang ako ng picture niya at ginawa kong wallpaper ng phone ko para naman di ko siya mamiss. Hoho.
Mga ilang araw din matapos nun, saka ko lang naisip yung instagram. Hinanap ko siya. And luckily, nahanap ko. Tapos hindi naka-private yung account niya! So tuwang-tuwa ako!
I was about to follow him when something hit me.
Baka makulitan na siya sakin. Ayoko ng ganun. Lalong di niya ako magugustuhan. So I ended up looking at his photos on IG nalang.
Sabi ko, kung una ko lang sana tong nakita, edi mas napabilis sana yung buhay ko. Hays. Naman oh.
So ayun na nga ang nangyare.
Balak ko na ngang i-cancel yung FR ko sakanya e. Kasi walang nangyayari. Pati na rin yung follow request ko sakanya sa Twitter. Hays.Shi-nut down ko na yung laptop ko at nahiga na. Oo. Shutdown na agad. Walang log-out o close tabs man lang.
Naka-open pa nga yung anime na papanoodin ko sana e. Kaya lang bukas nalang.Napatingin na naman ako sa kisame ng kwarto ko. Napaisip ako, kung lagyan ko kaya to ng maraming pictures niya? Hahahaha.
Baliw na baliw na talaga ako sakanya.
Naisip ko din kung ano ba ugali niya.
Kung Snob ba siya o friendly.
Kasi base sa observation ko sa aura niya is, suplado. Kaya hindi ko lalao masabi kung may pag-asa ba ako o wala. Hay. Buhay. Huhu.Tapos napaisip ulit ako. Bakit nga ba hindi ko sabihin sa pinsan ko? Baka matulungan niya ako?
Kaya lang kasi. Lalaki yon.
Oo. Close kami. Kaya lang iba pa din.
Nakakahiya pati mag-open.
Lalo na't baka di pa siya interesado.I-pm ko nalang kaya yung crush ko?
"Uy, crush kita. Accept mo naman ako oh."
Edi nagmukha naman akong desperada pag ganon?
Ugh. Nakakapagod mag-isip.
Ba't kasi nag-hanap pa ako ng crush e.
Nakarma agad ako. :3At ang isang solusyon na tanging alam ko ay ang matulog. Kasi gabi na. Hahaha
10:06PM na. May gagawin pa ako bukas!
Orayt. Goodnight pips! :)xoxoxoxo
Ayo! Kumusta? Okay lang ba yung first chapter? Votes or Comments? Very much appreciated. :)
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
DiversosWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...