STELLA'S POV
Nakakapatulala na lang lahat ng nangyayari sakin.
Lahat, biglaan. Sobrang bilis.One day, nag-s-stalk lang ako then later on na-meet ko na siya. Tapos naging close kami ng sobra-sobra ng pinsan ko tapos hinihimatay nako halos every week tapos kami na ni Sy?
Teka. Naguguluhan nako.
Yung sa pinsan ko. Okay lang. Good to know yun. Pero yung kami na ni Sy? Pano? Nung araw kasi na umamin kami kay Kuya Sky at Aya, sumakay lang ako sa trip niya eh. Kasi you know na, nakakakilig. Omg.
Pero hindi ko naman inexpect na mula sa araw na yun eh may mga kyeme na. Parang ngayon lang. Actually, kagigising ko lang eh. Vibrate ng vibrate phone ko tapos nakita ko to:
From: Sy 💓 6:05am
Hello sa girlfriend kong ubod ng ganda at bait. :) Nag-breakfast kana ba? Wag kang papagutom ha? :)
-------
From: Sy 💓 7:35am
Ang tagal namang magising ng prinsesa ko. Miss na miss na kita. Puntahan na kaya kita?
-------
From: Sy 💓 8:00am
Ano bang gusto mong breakfast? Dalhan kita. :)
-------
Omg. Kinikilig na me. HAHAHA. Totohanan na ba talaga to?
Napatakip ako ng unan sa sobrang kilig. Kinakagat-kagat ko pa yung unan ko kasi gusto ko na talagang sumigaw. AAAAAAH!
"Ay? Hindi ko alam na may lahi palang aso ang girlfriend ko. Ok lang. Cute naman. :)"
Huh?
Tinanggal ko ang unan at hinanap ang nagsalita.
Then nakita ko siya. Si Syjohn Tan! Si Sy! Ang boyfriend ko! Nandito sa kwarto ko! Wtf?!
"At bakit ka nandito? Sino namang nagpapasok sayo? Ha?" pagtataray ko sakanya. Kung sinusupladuhan ako nito minsan, eh tatarayan ko na din.
"Si Yaya mo. :)"
Hala ka? Walanjo talaga si Yaya. Hindi niya ba naisip ang mga posibleng gawin ng nilalang na ito saakin?
"Teka. Sinabi mo bang boyfriend na kita?"
"Yep. Pero hindi niya daw muna sasabihin sa parents mo. Hayaan niya daw na ikaw ang magsabi. :)"
Ha? Ay nako! Lagot talaga si Yaya pagbaba ko!
"Sige na. labas ka na. Mag-mumumog lang ako. :3" tiniklop ko muna ang kumot ko tska tumayo.
"Lakas din ng loob mong makipag-usap sakin ng di pa nagmumumog ha? Haha." sabi niya habang inakbayan ako.
"Aba. Ikaw sumugod dito eh. Magtiis ka!" sabi ko at hiningahan ko pa siya. Wahahaha
"Hmm. Ang bango. Amoy canal. Ano ba yan prinsesa ko." sabay labas niya at halatang pinipigil ang tawa.
Walangyang yon. Nag-toothbrush naman ako kagabi ah? Tsk.
Nag-ayos na ako at bumaba na.
Nakita kong McDo ang breakfast namin. HALAAAAAAAA.Quarter-pounder pa nga yata? Omg.
"Yaya. Nag-pa-deliever ka ba?" sabi ko habang tinitignan pa ang ibang pagkain."Hindi ineng. Dala yan ng boyfriend mo."
Dala daw ng boyfriend ko. Ayieeee. Megesh.
Okay. Wag Pahalatang kinikilig. Di ko naman kasi akalain na malakas mang-asar yung si Sy eh. Buset.
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
RandomWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...