STELLA'S POV
Kasalukuyan kaming nag-d-dinner ni Sy.
Hindi ko na muna siya inaaway ngayon dahil shock pa din ako sa lahat ng nalaman ko.Ako pala yun? Ako pala yung sinasabihan ko ng kung-ano ano? Hahahaha. Walanjo. Tanga ko.
Tinitigan ko si Syjohn habang kumakain. I still can't believe.
I want him ever since. Pero eto na. Nasa harapan ko na siya. Kumakain.
Siya pala yung Past ko. Na Present ko din. At magiging Future ko pa.Sana makaalala na agad ako. Gusto ko na maalala yung mga ginawa namin noon. Kung paano ba ako maging girlfriend niya. Kung may sweet bones din ba ako. Nako. For sure, kireng-kire ako ng mga panahong yun. Sa gwapo ba naman nitong si Sy. Mabait na, Gentleman pa, Masipag. Jusko. Nasa kanya na lahat. Wala nakong hahanapin pa. May abs pa nga yata eh. Mehehe. 😏
"Sy, may tanong ako." napa-lingon naman siya agad sakin at sumenyas na 'Sige lang.'
"Ahm, may abs ka ba?"
Nginitian niya lang ako ng sobrang lawak. Tapos humagalpak na ng tawa. -_-
Ay. Yun lang. May sira nga lang pala sa ulo to. Tss."Bakit ka naman tumatawa jan?" nagpunas nako ng bibig kasi tapos nako kumain. Siya, kumakain pa din. Hay. Takaw eh.
"E kasi naman, alam mo ba dati, pinangangalandakan ko pa sayo to pero sabi mo lang, *ehem* 'EEEHH! KADIRI KA TAN! WAG KA NGA!' ayan. May patakip-takip ka pa sa mata mo tapos hinahampas moko ng sobrang lakas."
And I was like, "Talaga? Ganun ako? Hahaha. Pero, ngayon kasi fan nako ng may mga abs. Lalo na kung kagaya ni Zac Efron ang maghuhubad sa harapan ko. Jusmiyo!"
"Edi fan na pala kita." tapos nag-smirk na naman siya. Pucha. Gwapo niya lalo pag gumaganun siya. Napaiwas naman ako ng tingin eh. Tsk.
"Tse. Wala kang proof."
"Aba. Gusto mo yatang maghubad ako sa harapan mo ngayon?"
"Wag na. Baka dalawang maliit lang makita ko eh. Saka nalang. Pa-damihin mo muna." pang-aasar ko pa. Tapos nilayasan ko na. HAHAHAHA.
Punta muna ako sa seaside. Alam ko namang nakasunod siya sakin eh. Pero di ko lang pinapansin. Tapos,
"Uy, TAN. Ano ba to? Bakit may blindfold? Mahilig ka dito no? Obvious na obvious eh! Tanggalin mo nga to! Wala akong makita."
"Magtaka ka kung may makikita ka habang naka-ganyan ka. Tss." sabi naman niya. Wahaha. Asar na.
Tapos mga 1 minute lang naman ang lumipas, inaangat niya na yung kamay ko. Tapos, tapos, tapos, SHT!
"Uy Sy! Si Zac ba to? Emeged. Ang ganda naman ng surprise mo saken. Libre hawak pa sa abs. Waaaa." Grabe. Halatang nag-w-workout. 😍
"Hahahaha. Oo. Si Zac yan. Zac Tan. Wahahahaha"
EH? 😲😱😵
Tinanggal ko yung blindfold then,
WTF. Tinanggal ko agad yung kamay ko sa abs niya.
Sabay talikod."Di ka naman mabiro eh! Eh!"
"HAHAHAHAHA. Nakakalalaki kana kase eh. Makapang-asar ka jan. Ano ka ngayon?"
"Tss. Oo na. Oo na. Ikaw na macho. -_-"
"Hahahaha. Macho talaga. Suot mo ulit to."
Bi-nlindfold na naman ako. Hays. Ano ba naman yan.
"Ano na naman to? Bakit may ganito pa? Daming arte eh. Makikita ko din naman."
"Eh surprise nga eh. Surprise. Alam mo ba yun? Gusto mong i-enroll ulit kita ng Grade 1?" sabi niya habang inaalalayan ako.
"Tss. Whatever."
Hindi na siya nagsalita. Pinakikiramdaman ko kung nasaan na kami. Wala ng buhangin eh. Pero maya-maya meron na ulit.
Mga 5 minutes pa kaming naglakad. At sa wakas, tinanggal na niya ang blindfold.
Dahil, sobrang tagal nakasara ang mata ko, blur pa ang lahat pagkamulat ko. All I can see is lights. Candle lights. Then, I saw everyone here. Dad, Mom, Yaya, Aya, Kuya Sky, Tito Jun & Tita Eli (Aya's parents) Tito Dale & Tita Leigh (Kuya Sky's parents)
"Anong meron?" sabi ko habang iniikutan ko yung mga candle lights.
Lumapit sakin si Aya at niyakap ako ng mahigpit "Nahuli na nga kayo eh. Sorry ulit Stella." tapos ayun, umiyak na naman siya.
"Hay nako Aya. Okay lang yun. Alam ko na ang lahat,. Hindi ko naman matiis na magalit sainyo ng matagal eh." tska ko siya nginitian ng sobrang lapad.
Sumunod naman si kuya Sky na niyakap din ako. "Sorry Stella. Ang alam lang naman naming lahat is may amnesia ka eh. Hindi namin alam na ikaw yung ex ni Sy. Siya lang may alam nun. Not until, nag-post siya sa facebook ng, 'Finally found her. Finally found My Stella. :)'"
Hindi ko pa nga pala siya friend. Di pa ako ina-add. Loko talaga yon.
Napalingon naman ako kay Sy at nag-thumbs up lang siya saken.
Kumakain na kasi sila.Bumitaw na si Kuya Sky. Kaya tinanong ko na kung ano talagang meron.
"Magpapakasal na kami ni Aya. Kaka-propose ko lang kanina. " sabi ni Kuya Sky sakin.
"Eh? Bakit? Pano? Ang bilis naman yata?"
"Nauna nga kasi yung baby. Mwehehe." sabi ni Kuya Sky sakin.
Agad ko naman siyang binatukan dahil dun. "Walangya ka! Anong ginawa mo sa bestfriend ko?!" tinawanan lang niya ako ng tinawanan.
Nakain man yung buntis na si Aya dun eh, hinigit ko na.
"Stellaaaa! Ano baaaa. Nakain ako e. Huhu T^T"
"Tse. Malanding to. Kala ko ba ayaw mo sa kuya Sky ko?"
"Gaga. Matagal na din ako may gusto jan. E alangan namang magpa-easy to get ako diba."
"Haha. So ano tingin mo sa ginawa niyo? Hard to get kasi pinagpagudan niyong dalawa yang paggawa sa baby niyo? Hay nako!" hinawakan ko yung tyan niya, hindi pa malaki. Mukhang babago lang yata. "Baby, napaka-loka talaga ng nanay mo ano? Sipain mo nga."
"Hahaha. Hindi yan susunod sayo. Chill ka lang. Oh eto, basahin mo. Kakain na muna ako."
Iniabot niya sakin yung invitation nila. Wow ha. Kaka-propose lang ready na agad invitation? Hanep talaga tong si Kuya Sky. Paniguradong binalak na niyang buntisin si Aya.
Maid of Honor akeee. At Best Man ang boyfriend ko. Nice one. Hahaha. Tinignan ko yung date ng kasal nila at bukas na. Aba? Bukas na. Sobrang bilis nga pala ng mga pangyayari. Hays.
Ako kaya? Kelan? Author, ano?
Pupunta na rin dapat ako at makikikain pero, may nakita akong dalawang malandi.
Magkayakap. Hahaha. Sexy pa nung babae. Naka-bikini. Naks.
Aba, at hindi pa rin pala doon natapos. Naghalikan pa. Leche.
They almost make out. Nakakadiri sila. Tumalikod na ako at hindi na nanoood pa.Yung babae? La akompake eh. Pero dun sa lalaki. Tangina niya. Hayop siya. Makikipag-break na naman ba ako? Tss. Bahala na siya sa buhay niya.
xoxoxoxo
Votes/Comments? Thankyouu! ^-^
BINABASA MO ANG
The Story behind Stalking [One-Shot]
RandomWhen you had a crush, you stalk. When you stalk, you love. When you love, there's a possibility that you'll get hurt. Diba ang complicated? E siguro wala nang mas ko-komplikado pa sa story ni Stella Alonzo. Nalaman niya lang ang lahat simula ng mag...