Kinabukasan
Kumakain kami ngayon..
"Mom may laro po kami ngayon. Makakapunta ba kayo?"-Ako
"Ahm. Sorry baby lam mo naman na sobrang busy sa office ngayon. Sorry baby."-Mommy Ly
"Hmm. Okay lng po how about you Mommy Den?"-Ako
"Baby..."-Mommy Den
"Okay I understand Mommies. Bye" tumayo na ako at lumabas sa bahay. Oo na medyo nagtatampo ako. Pero busy naman talaga sila eh. Naiintindihan ko naman 'yon pero mas maganda kasi pag may nanonood na pamilya mo di ba? Iba yung saya ehh.JIA's POV
(A/N: Uy perstaym niya XD)"Nako pag di ko talaga nagustuhan yang larong yan! Uuwi talaga ako!" -Ako
Ehh kasi tong kaibigan ko. Gusto niya daw makita yung crush niya. Pffft eh nagpapasama pa. Nako talaga pag di ko nagustuhan iiwan ko talaga ito.
"Sige na plsss Jia ngayon lng ito eh. Magugustuhan mo yung game promise." sabi ni Kim
"Ehh alam mo naman na wala akung alam sa sports na yan eh. Tsk." Sabi ko. Ehh wala naman talaga akong alam sa volleyball.
(A/N: kunwari hindi siya volleyball player xD )"Tara naaaa!!" sigaw niya sabay hila niya saakin papasok sa gym.
Naghanap kami ng upuan at ang loka pinili pa talaga yung malapit sa bench ng mga players ng kalaban ng school namin."Kim sino ba maglalaro ngayon?" tanong ko wala pa kasing mga players na lumabas.
"CSA vs. Ateneo" sagot niya.
ahh Ateneo pala yung kalaban ng school namin. Wait? What? Ateneo?! Oh my gosh nan dyan si Mich eh childhood best friend ko."Kim!! Kilala mo si Mich Ahomiro? Childhood best friend ko yun." Share ko sa kanya sabay ngiti.
"Nako Jia nangangarap ka na naman. Tsk tsk. Haha san mo nabasa yung name niya? Di ba sabi mo wala kang kilalang vb player sa ibang school?" tanong niya. Aba loko di siya naniniwala saakin.
"Childhood best friend ko nga yan eh." sabi ko
"Nako Jia. Manuod ka nlng dyan. Haha ang sikat non tas childhood best friend mo? Nice joke Jia."
Grr. Di talaga siya naniniwala. Edi wow. Bahala siya. Tumitingin ako sa crowds at napansin ko yung mga shirts nila may "VALDEZ" kasi kahit taga school namin may nagsusuot din. Sino kaya yan? Bakit kaya sikat siya? Ehh? Bakit ako nagtatanong? Ayy oo curious lng ako.
Naputol ang iniisip ko ng biglang naging wild yung gym.
Kaya tumingin ako sa court kaya pala lumabas pala yung players ng Ateneo."VALDEEEEEEZ!"
"MARRY ME VALDEZ!"
"AKIN KA NA LNG VALDEZ!!" "ANAKAN MO AKO VALDEZ!!"Yan lng naman yung sinisigaw ng mga tao sa loob ng gym.
Sino ba si Valdez bat parang ang sikat? At bakit di ko ito kilala? :3
"Jiaaa!! Yan yung crush ko si Valdez!! Tas yung katabi niya si Mich." sabi ni Kim sabay turo sa isang girl na mataas. Ang cute niya yung dimples niya ,tas the way she smiles parang walang babaeng hindi maainlove dito eh. Wait ano? Uy di ko yun sinabi ahh? And the last time I checked straight pa naman ako.
"Oh tulala ka yata dyan? Ano nagagandahan ka na sa kanya? Akin lng siya Jia ahh?" -Kim
"Nako. Ewan ko sayo Kim."At yun nanuod na kami. Wow talaga ang galing niya eh grabe! Kaya pala ang raming fans. :3 Nakuha lng mn nila set 1,2 at 3 oh diba? Grabe talaga ehh. Ang lakas ng sigawan. Pero nong nag-announce na na sila yung nanalo at si Valdez yung Player Of the Game nagsmile lng siya pero hindi abot mata. Ewan ko kung ako lang ba yung nakakita or sadyang imagination ko lang ito. Ay bsta. Nong umupo na sila sa bench, tong si Kim sigaw ng sigaw kaya napalingon si Valdez at si Mich. At nagkatitigan kami ni Valdez. Parang feel ko namumula yung mukha ko, nagsmirk pa siya oh shit! Kaya yumuko na ako.
"Uy kita mo yon? Nagsmirk si Valdez saakin!" sabi nong babaeng nasa likod ko. Aba kapal! Ako kaya tiningnan niya.
"JIA? JULIA MELISSA MORADO?" May tumawag kaya nag-angat ako si Mich pala tas nagwave siya saakin. See? Childhood best friend ko talaga to.
"Oh my gosh?! Kilala ka niya Jia. So hindi yon biro? Yung mga sinabi mo kanina?" Tanong ni Kim. Nganga hahaha
"Yes. Sabi sayo ehh." Sagot ko.Pumunta na sila sa loob para magshower yata. Tas itong si Kim maghihintay daw kami sa players ng Ateneo eh. Kaya nandito kami sa labas ng gym na malapit sa parking lot. Desperadang Kim talaga hahaha.
Habang naghihintay kami biglang pumasok sa isip ko yung titigan namin ni Valdez. Bat ganon yung epekto niya saakin? Straight ako noh? :3 Or that's what I thought? Ayt basta straight ako.
BEA's POV
Habang nagshoshower kami bigla kong naisip yung babaeng tinitigan ko. Ang cute eh. Yung namula yung pisngi niya hahaha. Pero ba't kilala yun ni Mich. Matanong nga mamaya.Natapos na akung magshower at magbihis , shirsey ko yung suot ko. At sakto naman na tapos na din si Mich.
"Mich ba't mo kilala yung babae kanina?" Tanong ko.
"Ahh yon? Childhood bestfriend ko. Yung sa dati naming bahay. Neighbor kasi kami hihi. Bakit?" -Mich
"Ahh. Wala naman. Kala ko ako lng bestfriend mo. *pout*" -Ako
"Eww Bei wag kang magpout hahaha di bagay. Ehh sorna di ko nasabi. Ipapakilala kita sa kanya later." Sabi niya sabay kindat at nagsmile ng nakakaloko."Hoy Mich anong ibig sabihin ng ngiting yan? -_- " -Ako
" Haha nakita ko yung nangyari kanina. Yung titigan niyo tas yung pamumula ng mukha niya at yung pagsmirk mo. Nako nako Valdez napaghahalataan ehh." Pagkatapos niyang sabihin yun tumawa siya. Nako tong babaeng to nakakaloka.
---------------------------------------
-Myss_K ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/58358489-288-k586489.jpg)
BINABASA MO ANG
AlyDen's Daughter (JiBea)
FanfictionBilang isang anak ng AlyDen, medyo nakakapressure kasi isipin niyo "you're the first child born gamit lamang ang 2 egg cells" syempre very very thankful si Mommy Ly and Mommy Den kasi nabuo ang isang Isabel Beatriz Lazaro Valdez.. And yeah that's me...