Bea's POV
Ba't ganon? Parang ang saya ko ngayon. Parang wala akong problema? Parang di ako iniwan ng mahal ko? Di kaya--
"Bat ang hilig mong magdaydream Ate Bei?"-Deanna
"Juice ko! Tsk mamatay ako ng maaga sayong bata ka." sabi ko habang hawak hawak yung dibdib ko.
"Ha? Actually mga 10 minutes na akong nandito Ate Bea. Sadyang di mo lng talaga ako napansin dahil diyan sa kakaday dream mo! Iniisip mo siya noh?"-Deanna
"Ahh si Klyssa? Oo naman palagi ko kayang iniisip yung baby sister ko." sabi ko ng pangiti.
Namula naman siya. Nako! Obvious na obvious ehh."Ate Bea naman ehh. Alam mo naman yung ibig kong sabihin ehh."-Deanna
"Ahh. Si Mommy Ly? Oo iniisip ko din siya."-Ako
"Hindi si Coach Ly Ate Bea. Yung mahal mo."-Deanna
"Ahh mahal ko? Si Mommy Den? Oo iniisip ko siya."-Ako
"Haaaaay Ate Bea. Pa-showbiz masyado ehh. Yung mahal mo! Yung nag-iisang dwende m-" di na niya natapos dahil tinakpan ni Ponggay yung bibig niya. Nagtaka ako.
"Sinong pinag-uusapan niyo? Mahal nino? Sino? Ano? Saan? Kailan?"-Jho
Natawa ako sa mga tanong niya pero don ko lng narealize bakit ginawa yon ni Ponggay.
"Si Tita Den/Tita Ly mahal ni Ate Bea!!" biglang sigaw ng dalawa yun nga lng hindi pareho ng sinabi. Si Deanna 'Tita Den' si Ponggay 'Tita Ly'
Tiningnan ako ni Jhoana na parang nagtatanong kung nagsasabi ba sila ng totoo, I just nodded.
"Hmm. Pati si Klyssa din pala."-Ponggay
"Hmmm. Okay. Magmadali na kayo dyan may pasok pa tayo."-Jho
Sinunod naman nila yung sinabi ni Jho. Simula nong wala na si Jia dito kung wala si Mich si Jho yung kasama ko patungong school syempre gamit yung car ko.
"Haay ang tagal talaga ng Mich na yan."-Ako
"Baka di siya sasabay sa atin? Mauna na tayo"-Jho
"Naah. Baka magalit pa yun sa akin."-Ako
Nagsigh siya. Ehh?
Mga ilang minuto pumasok na si Mich na hinihingal.
"G-guys sorry ang tagal ko! Hooo! Kapagod tumakbo."-Mich
"Tagal mo nga.." bulong ni Jho yun pero narinig ko.
"Ha?"-Mich
"Wala. Sabi ko tara na. Baka malate pa tayo."-Jho
Pinaandar ko na yung car. Sa daan puro lng sagutan ni Mich at Jho naririnig ko. Parang mga bata lng ehh. Pffft.
"Oh tapos na kayo? Dahil bababa na ako."-Ako,
Di nila yata napansin na nasa parking lot na kami sa school. Lumabas na ako at iniwan sila.
Lam ko namang si Mich na bahala sa car key ko. Ganyan kasi ginagawa ko pag nagmamadali. Dahil sa pagmamadali ko may nabunggo ako. At yung shirt ko nabasa. Argh! Pagtingin ko sa nabunggo ko napa-upo siya at nakayuko. Bea! Wag mo munang isipin yung shirt mo mas importante kung okay lng ba yung nabunggo mo."Ahm. Are you okay?"-Ako
"Hmmm."-siya
Ano ba to? Pipi? :3
"Talaga? Angat mo mukha mo para sure akong okay ka lng."-Ako
Tinaas niya lng kamay niya.
"Wait you're familiar. Ikaw ba yan--" naputol yung itatanong ko sana dahil dumating si Jho and Mich
"Oh my! What happened to your shirt Bea? Who did that to you?"-Jho
Lumapit pa ito sa akin at pupunasan sana ito pero napansin niya yung babaeng napaupo dahil sa pagkabunggo ko.
"Ikaw ba may gawa nyan?!"-Jho
Di sumagot yung babae. Lalapitan sana ni Jho pero pinigilan ko na.
"Wag na Jho, ako naman may kasalanan, ako kasi yung bumunggo."-Ako
"Psh. Pasalamat ka!" Jho said referring to the girl.
"Sorry ha? Okay ka lng ba talaga?"-Ako
I tapped her head. Lumayo naman ito ng kunti.
"Lets go Bea."-Jho
Wala na akong nagawa dahil hinila ako ni Jho.
"Hey 8 AM class mo Jho di ba? Punta ka na sa class mo."-Ako
"Paano na yung shirt mo? Samahan na kitang bumili."-Jho
"Wag na. Nandito naman si Mich eh. Baka malate kapa sa klase mo."-Ako
"Hmm. Okay. Sige see you at lunch Bei." Sabi ni Jho tapos kiniss niya yung pisngi ko at tumakbo na siya. Nashock ako don sa ginawa niya.
"May mamatay na isang Kapre ngayon dahil sa sama ng tingin ng isang dwende."-Mich
Ang weird ng sinabi niya kaya tumingin ako sa kanya. Pero pinoint lng niya yung likod ko using her lips. Lumingon ako,
"J-jia..."-Ako
Tumalikod na ito at lumakad. Susundan ko sana kaso pinigilan ako ni Mich.
"Bibili pa tayo ng shirt, remember?"-Mich
I just nodded. Argh! Bea ang shunga mo! Si Jia yun ehh. Di ba iniwan niya ako pero bat ganon yung mukha niya yung nakita niyang kiniss ako ni Jho sa pisngi? Nakita ko yung selos at galit sa mukha niya.
Pumasok na kami sa Get Blued store.
"Shirsey po na Valdez. Medium size."-Ako
"Nako wala na pong M size sa Valdez shirsey."-babae
"Ehh. What shirsey po may available M size diyan?"-Ako
"Morado shirsey nlng po."-babae
Naubo naman ako don! Wow ahh? Anong kalokohan ito? Tumawa naman si Mich.
"Oh ito po. Keep the change."-Mich
Inabot niya yung 500 wow totoo ba talaga ito? Si Mich nanglilibre? Ang tanging nagawa ko lng ay tingnan ang pagkuha ng shirsey at ang paghila ni Mich sa akin. Nagsimula na kaming lumakad patungo sa cr pero napansin niya yatang hindi ako kumikibo kaya liningon niya ako.
"Oh ito palit kana. We have no time for your drama. You're Welcome pala!"-Mich
Binigay niya yung shirsey sa akin at pinush ako sa cr. Wala naman akung magawa dahil malagkit na yung shirt ko dahil natapunan ito ng coffee. Paglabas ko nakita ko si Mich ang laki ng ngiti.
"Bagay sayo. Hahahahahahahahahahahahaha" sabi niya at tumakbo.
Baliw talaga. Pinagtinginan lng naman ako sa mga schoolmates ko. May naririnig pa nga akong may nagsabing "Ang sweet naman!" Naglakad na ako patungo sa room ko. Di ko naman gustong malate ako noh. Nakasalubong ko si Ponggay at Deanna.
"Wow Ate Bei! It fits."-Ponggay
Di ako sumagot.
"Bagay na bagay sayo Ate Bea!"-Deanna
Nagtawanan sila at tumakbo kagaya lng sa ginawa ni Mich. Tsk ang hirap pag may mga baliw kang mga kaibigan.
------------------------------------------------
A/N: Panalo ang Ateneo at maraming ganap ang JiBea!! Yohooooo! #OBF #PrevailAteneo
-Myss_K <3
BINABASA MO ANG
AlyDen's Daughter (JiBea)
FanfictionBilang isang anak ng AlyDen, medyo nakakapressure kasi isipin niyo "you're the first child born gamit lamang ang 2 egg cells" syempre very very thankful si Mommy Ly and Mommy Den kasi nabuo ang isang Isabel Beatriz Lazaro Valdez.. And yeah that's me...