Ynna POVKinabukasan nakita ko agad si Ellijah na nagmadaling bumaba sa kotse niya. Andito ako sa Parking Lot dalawang araw na kaming sabay laging pumapasok hindi naman ako late at siya rin naman pero bakit parang may pupuntahan siya?
Pagkapasok ko sa classroom nakita ko'ng wala siya don may pinuntahan nga talaga ata. Pumasok na ang second subject namin at hindi pa rin siya dumadating P.E subject ngayon at hindi ko alam kung ano nanaman ang topic namin ngayon dahil lumilipad nanaman ang isipan ko kay Ellijah.
"So besides dahil malapit na din naman ang Intrams niyo eh..let's play volleyball..all girls and all boys." Sabay ani ni Sir Erik, ang aming P.E teacher and one of the most MVP coach sa larangan ng volleyball sa iba't ibang universities.
Maraming naghiyawan, isa na kami dun..volleyball players ata to no. Aja! Pagkalabas namin ng room nakita ko si Ellijah na nakatayo sa gilid ng pintuan ng room namin habang kinakausap sila Bench at ang ibang kabarkada niya, gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya nag punta pero baka isipin niya na nangingiealam ako.
Pagkapunta namin sa locker namin may narinig nanaman kaming pamilyar na boses sa girls locker.
"I didn't expect it. Ang ini-expect ko ihahatid niya lang ako, but I guess I'm wrong." Sabay tili ni Tin.
"Oh girl, you've got your moves!" Ani Coreen at tumawa silang dalawa. Kung di ako nagkakamali bestfriend ni Tin si Coreen since when their highscool. Hindi ko alam ang pinag uusapan nila at binuksan ko na lang ang locker ko, sa tingin ko di nila ako nakita.
"Ynna, palit nga tayo ng shorts buset sobrang iksi nitong akin!" Ani ni Keitth. Ewan ko ba kung sinadya niya'ng sabihin ang pangalan ko at iparinig yon, pinandilatan ko siya ng mata agad siyang bumalik sa ulirat dahil alam niya na ang ibig kong sabihin.
"Mas maiksi to, buti pa nga yung sayo eh medyo mahaba naiikisian ka pa diyan?" Ani ko. Tumango siya at tumaray.
"Oh, Ynna! Andyan pala kayo. Last time umuwi ka agad ng maaga ah? Baket?" Tanong ni Tin. Tumingin ako sa kanya meron siyang malalalim na mata, matangos na ilong, tan ang balat at higit sa lahat meron siyang higher cheekbones she's more even sexy body.
Nag iisip ako ng maisasagot ko sa kanya, ewan ko ba sa sarili ko at bakit ko naiisipang hindi magpakita kay Tin eh wala naman akong atraso sa kanya at higit sa lahat isa siyang mabait na tao.
Ngumiti ako. "Sumakit kasi agad tiyan ko, siguro dahil nabigla ata ako sa pag routine kaya yon di ko na kinaya." I lied. Tumango siya at nag paalam na silang dalawa ni Coreen.
Palabas na kami ng girls locker room ng madatnan namin ang boys na nag susuot pa lang ng volleyball jersey nila.
Nakita ko din si Ellijah na nag tatali na ng rubber shoes at nakitang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti ako ngunit nag kunot siya ng noo at natatawang binalik ulit ang tuon sa tinataling rubbershoes niya. He's irritating my smile though.
Pagkalabas namin ng locker room naka ready na agad ang net at ang coach namin.
"'Ba naman to ang daming tao, eh hindi pa naman Intrams." Ani Keitth at tinatakpan ang shorts niya ng panyo niya maputi ang legs ni Keitth at ang tuhod niya naman ay sobrang putinrin, hindi ko nga namin alam kung bakit niya pa tinatakpan eh naiinggit kami sa sobrang ganda ng legs niya.
"Taga support nang section natin ang mga yan." Sabay tawa ko, ngumuso lang siya.
Pinag grupo na kami ni Sir Erik, una ang mga players muna ng volleyball pero dahil 5 lang kami sa room na magagaling may pinili din si Sir na medyo marunong runong mag volleyball, hindi nakasali si Daniella dahil hindi niya daw ito alam at mamaya pa sila maglalaro.
BINABASA MO ANG
Truth Or Dare #Wattys2016
Teen FictionSa laro ng pag ibig hindi mo malalaman kung ilang beses ka ng natalo. Dahil hindi mo to mamalayan kapag nasaktan ka na ng higit pa sa inaasahan mo. Ynna Zin Marchesa still accept the fact na kailan man ay hinding hindi na siya magugustuhan ng taong...