Ynna POVPinunasan ko ang luha ko habang ako'y palabas ng auditorium. Ni hindi ko na namalayan ang pagiging miserable ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang palagi kong pinupuntahan kapag ako ay umiiyak.
Pumasok ako doon at agad naupo sa isang bench. Humikbi ako at pinunasan ang luhang pa isa isang pumapatak sa aking pisngi.
"Ganon pala 'yon. Kapag harap harapan mong nakita. Ganon pala."
Pilit akong humihinga ng malalim ngunit sa bawat pag hikbi ko ay kusang tumatakas ang luha ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para matahimik ako dito sa pag iyak. Daig ko pa ang batang naiwan sa isang mall.
"Hanggang kailan ko to mararanasan?"
Tumingin ako sa itaas kung nasaan ang may mga puno doon. Yumuko ako at pinagsisipa ko ang mga bulaklak na nasa paligid ko.
"Tanga mo. Ang bobo mo."
Patuloy ko itong sinipa hanggang sa malanta at mag kanda wasak wasak ito. Pumatak nanaman ang isang luha ko at agad ko iyong pinunasan.
Bakit siya pa? Bakit 'yun pa? Bakit hindi na lang iba. Bakit hindi na lang ako?
Ang dami kong tanong sa isip ko na ubos na ubos na akong bigyan ng dahilan. Puro tanong na ako mismo ay hindi ko masagutan. Puro sakit na hindi ko maibsan.
"Bakit naman ako ang pipiliin?"
Tumawa ako at tinuro ang sarili ko. "Ako?"
Natawa ako habang nagsasalita. "Bobo, ang engot mo. Hinding hindi ka pipiliin no'n!"
Alam mo kung bakit? "Kasi hindi ikaw siya. Hindi ikaw yung taong nagpapasaya sa kanya. Hindi ikaw 'yon. And you will never be Tin, Ynna. Never."
Garalgal na ang boses ko at yumuko. Nilamukos ko ang mukha ka at tumingin sa harapan. "Umayos ka nga!"
Kung pwede lang tanggalin ang puso ng pansamantala ay ginawa ko na. Kung pwede lang sana.
Kinabukasan ay pilit akong pumasok. Hindi na nga dapat ako papasok dahil na rin sa biglang sumama ang pakiramdam ko. Ang O.A mang isipin pero ganon talaga ang natatamo ko ngayon.
"Oh, jusmiyo maryosep!" Salubong agad saakin ni Keitth saktong pagkarating ko ng classroom.
Tumingin ako sa kanya na naka kunot ang noo. "Bakit?"
Agad niyang hinarang ang kamay niya saakin. "'Wag kang lalapit parang awa mo na."
Tinarayan ko siya at sinipa. "Parang tanga 'to. Bahala ka nga diyan."
"Joke lang! 'Eto naman hindi mabiro eh. Ano bang nangyari sa'yo?!" Natatawang tanong niya.
Hindi ako humarap sa kanya, chineck ko ang bag ko. "Wala, bakit?"
"Ang tamlay mong gaga ka? Hoy anyare nga sa'yo?!"
Tumingin ako sa kanya, "Wala nga sabi! Ano bang pwedeng mangyari sa'kin?"
Ang tagal niya akong tinitigan at biglang tumawa ng malakas. "Kamusta naman ang eyebags beshie?"
Kinapa ko ang ilalim ng mata ko at agad kumuha ng salamin. Nagtaka ako sa sarili ko. Ang itim na ng ilalim ng mata ko at lumalabas na ang wrinkles sa mukha mo. Mukha akong walang tulog.
"Gaano kasakit humagulgol gabi gabi?" Tanong saakin ni Ayii.
Humarap ako sa kanya. "Ewan ko. Malay ko."
"Oh tologo? Eh ano pa lang ginawa mo kagabi? Kasi noong nag punta kami sa bahay niyo, may narinig kami sa kwarto mo na grabe kung maka iyak. Hala sino kaya 'yon?" Tanong ni Keitth kila Daniella.
![](https://img.wattpad.com/cover/49789418-288-k23799.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth Or Dare #Wattys2016
Fiksi RemajaSa laro ng pag ibig hindi mo malalaman kung ilang beses ka ng natalo. Dahil hindi mo to mamalayan kapag nasaktan ka na ng higit pa sa inaasahan mo. Ynna Zin Marchesa still accept the fact na kailan man ay hinding hindi na siya magugustuhan ng taong...