Ynna POV
Kinabukasan ay dumiresto ako sa room para hagilapin ang mga gagawin kong projects sa kaklase kong si JB. Group project kasi ito. Pumunta ako sa dako niya at nakita kong nakikipag tawanan siya sa mga kaibigan niya.
Tumingin siya sakin at sinikop niya ang buhok niyang mahaba na kulay gray. Ang ganda niyang lalaki. "Hi bebe Ynna what is it?" Maarte niyang tanong. Ngumiti ako at agad siyang nagsalita. "Oh! Alam ko na. Yung group project natin? Wait kunin ko lang stay put ka lang diyan." Sabay tawa niya at hinalungkat ang bag niya.
Habang abala siya sa pag kuha ng i-aasign niya sakin ay luminga muna ako sa paligid ng room namin. Wala pa sila Keitth at ako pa lang ang nandito.
"Ynna ito. Ayan yung mga ita-type mo. Then pagkatapos mo i-type ipi-print mo siya sa 10 pieces. Sorry ah ayan kasi yung pinili mo eh." Sabay nguso niya at medyo ginulo ang buhok.
"Ok lang JB kaya ko naman 'to eh tsaka typing lang 'to sanay na 'ko." Sabay ngiti ko at tinignan ang mga papel na ita-type ko. Sanay na 'ko sa mga ganitong project na i-aasign sakin. Madalas kasi gumagawa ako ng mga story pero hindi ko matapos tapos iyon dahil sa kabagutan.
"Hay ikaw na girl. Ikaw na talaga." Sabay halakhak niya. Ngumiti ako sabay umalis doon sa kanila at bumalik sa upuan ko. Narinig ko pa silang tumawa dahil nag joke si JB.
Tinignan ko ang mga papers. "Parang story din pala 'to." Tinignan ko pa ang isang pages at nakita ko ang mga characters. "Ellijah?" Basa ko doon. Nahihibang na siguro 'to si JB at kapangalan pa ni Ellijah ang napili niya. Umiling ako.
"JB!" Sigaw ko rito.
Tumingin siya sakin. "Yes bebe Ynna?" Sabay harap niya sakin.
"Story ba 'to?" Pakita ko sa mga papel na hawak ko.
Ngumiti siya at tumango. "Yes chuvalu eklabu! Mag ro-role play tayo!" Nguso niya ng paarte.
Mag ro-role play kami? Bakit hindi ko alam? Akala ko isusulat lang 'to tapos ipapasa na. Lumingon ako kay JB. Tinanguan ko siya at ngumiti. Narinig kong maingay na sa loob habang nag binabasa ko ang summary ng aming script hudyat na marami ng tao.
"Hoy!" Balibag ni Keitth sa lamesa ko.
Tiningala ko siya at nag kunot noo.
Tumawa lang siya. "Ano yern?" Sabay tingin niya ng binabasa ko. "Para saan 'to?" Lingon niya sakin habang tinitignan pa ang susunod na pages.
"Script namin. Ita-type ko mamaya." Sinikop ko ang buhok ko sa aking tenga.
"Ang dami nito ah. Pero sabagay kaya mo naman 'to. Pero para saan nga 'to?" Sabay bigay niya sakin ng mga papel.
Lumunok ako ng nakita kong papasok na ang apat na boys at nasa pangalawang linya si Ellijah na may suot na earphones at medyo nakabukas ang isang buttones. Rinig ko agad ang mga tilian sa labas at ang mga kaklase kong nandito sa loob.
Tumingin ako kay Keitth. "Para sa role play. Teka anong group--" pinutol niya ang sasabihin 'ko.
"Ah shit! Oo nga pala! Sinong ka grupo ko?" Sabay kagat ng labi niya at tumingin sa itaas na parang nag iisip. "Ay oo nga pala si Camilla! Nasan na ba 'yun?" Tingin niya sa likod niya. "Wait lang Ynna titigan ko din yung ipapagawa sakin."
Tumango ako at nakita kong nakabangga niya si Bench. "Ano bayan kupal ayos nga." Singhal niya dito.
Hinawakan siya ni Bench sa braso at tinignan. "Don't say hurtful words baby." Sabay kagat ng labi nito at kumindat. Ngumiti ako sa kalokohan ni Bench.
Nakita kong kumunot ang noo ni Keitth. "Gago! Alis!" Sabay hawi ng kamay niya kay Bench at dumiresto kay Camilla.
Dumating na ang prof at nag dicuss sa history. Bagot na bagot ako kaya hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako. Nagising na lang ako ng dumating na ang pangalawang prof namin.
BINABASA MO ANG
Truth Or Dare #Wattys2016
Novela JuvenilSa laro ng pag ibig hindi mo malalaman kung ilang beses ka ng natalo. Dahil hindi mo to mamalayan kapag nasaktan ka na ng higit pa sa inaasahan mo. Ynna Zin Marchesa still accept the fact na kailan man ay hinding hindi na siya magugustuhan ng taong...