Dare 18 🙅🏻Cubicle

1.3K 48 1
                                    


Ynna POV

Lutang na lutang ako habang kami ay nag e-ensayo ng throw lines. 5 minutes na lang ay kami na. Hindi ko na nga napanuod at nainintindihan ang play nila Keitth dahil sa iba ang lumilipad saaking isipan.

Ilang beses na kong umiling umiling ngunit hindi talaga matanggal sa isipan ko ang litanya na lumabas sa kanyang bibig.

'Yeah, I will prupose to her like I was courting her before.'

'Yeah, I will prupose to her like I was courting her before.'

'Yeah, I will prupose to her like I was courting her before.'

3x pa na pilit na ume-echo sa buong isipan ko. Mag pu-prupose? Bakit? Mag papakasal na ba sila? Liligawan ulit? Bakit? Nag break nanaman ba sila?

Malumanay akong nag buntong hininga at tumingin sa kanya.

Ngayon ay mini-make up-an na siya at panay nanaman ang kalikot sa kanyang cellphone. Ibang iba ang ngiti niya ngayon. May halong kaba, excitement at lakas ng loob ang nakikita ko doon.

Kaya pala, kaya pala grabe ang late niya ng dating dito. May iba pala siyang importanteng ginagawa. Kaya naman pala.

Nang kami na ang tinawag ay walang kabang gumapang sa aking dibdib. Ewan ko. Imune na ata ito.

"And here are the last story na for sure ay magugustuhan natin! Let us welcome and start to view the Story of a King and the Lost Queen..."

Nandito na kami sa backstage. Agad na tumugtog ang musika namin. Ang mga ilaw ay agad na nag sipatayan. Walang nakikita dito kaya't pumunta na kami sa kanya kanyang pwesto namin.

Tumama ang spot light sa gitna kung nasaan ang wala pang tao. Doon kasi ako pupunta doon na mag sta-start ang kwento. Bigla namang nag hiyawan ang mga tao. Sobrang dami nila.

Ngunit ang natatamo kong kaba kanina ay hindi ko na maramdaman pa sa ngayon.

Ako: Nasaan ako? Bakit ako nandito? Parang awa niyo na tulungan niyo ako.

At bigla namang lumiwanag ng kaonti ng dumating si Franchezka.

Franchezka: Oh really? Kawawa ka naman.

Ako: Parang awa mo na tulungan mo ako. Wala naman akong ginagawang masama pakiusap.

Franchezka: For your information hindi ako nandito para tulungan ka. Nandito ako para gawing miserable ang buhay mo!

Ang kwento namin ay tungkol sa isang malagim na sekreto. Ako ang Prinsesa dito. At lahat sila ay sinasamba ako. Or let us say, I'm a Queen Bee here. Wala sila ay takot saakin. I'm a mean here. Lahat sila ay inggit na inggit saakin simula ng pamunta ang korona saakin na madalas ay napupunta kaya Franchezka.

Hanggang sa nag plano sila na ako'y ikukong sa isang abandonadong bahay na pag mamay-ari ni Ellijah. Ilang araw akong kinulong doon. Hindi kumakain at walang saplot dahil nga sa pinaslang nila ako.

Hanggang sa dumating si Ellijah. He's the King sa aming ekswelahan. Mayaman. Pero ng may narinig siyang humihikbi sa kanilang abandonadong bahay ay agad siyang pumasok rito.

Simula noon ay nahumaling ako kay Ellijah sa sobrang kabaitan niya. Nalaman din ng lahat na si Franchezka ang may kagagawan kung bakit ako nawala ng 1month. Pinakulong siya at sinabing magbabayad siya.

Naging kami dito ni Ellijah, hanggang sa isang gabi.

Ako: Bakit ba wala pa siya dito?

Irene: Alam mo girl, baka na late lang 'yon. 'Wag ka ngang masyadong paranoid.

Truth Or Dare #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon