Dare 2 🙅🏻 Hallucinating

3K 86 6
                                    



Ynna POV

Pumunta ako sa table namin na hingal na hingal. Di ko na kinaya na maglakad dun sa quadrangle na tirik ang araw. Kaya ang ginawa ko tumakbo na lang ako. Kinuwento ko na din sa kanila kung bakit ako natagalan eh kasi naman no, makabangga mo ba naman ang ultimate mega heartthrob at campus crush mo sa hallway di ba?

Tapos papa unlanan ka pa ng mga matatalinhagang salita. Kilig ovaries ko. Pero kinakabahan pa rin ako, dahil alam kung galit siya nung sinabi niya yon. At alam niyo ba ang mas worst?

Seatmate ko siyaa! It feels like lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog--easy, nasa likod ko lang pala siya ng upuan. Hallucinating. Kakatapos lang ng break at naglalakad na kami sa hallway.

Pero hindi ko parin kaya ang sarili kong hindi kiligin. Kababata ko kasi yang si Ellijah. At you know what? Im already inlove with him since nung bata pa kami until now. Imagine 18 years?! The 'f'lang talaga.

"Sige mag pa untog ka." Keitth.

"H-ha?" Taka kong tanong.

"Pauntog ka kako."

Wala pala ako sa pintuan na sa side na ko ng pader. Psh. Pumasok na kami sa room. At...lumakas nanaman yung kabog ng dibdib ko. Nakita ko nanaman siya. Lalo mo kong pinapa fall sayo. Nakita ko siyang naghahawi ng buhok niya.

"Oy! Ynna! Pwede pahiram ng handbook mo? Eh yung project kasi na pinapagawa saten hindi ko pa nakokopya eh." Si Dani.

"Ay sige sige wait lang." Kinuha ko yung handbook ko at binigay kay Dani. Nakita ko'ng napawi ang ngiti ni Elijah at kinausap sila Bench.

"D-dani oh.." Bigay ko kay Dani pero nakatuon pa rin ang paningin ko kay Ellijah habang masaya na tumatawa sa mga kaibigan niya. Umupo na lang ako. Pinakinggan ko na lang sila.

Minsan nga napapaisip ako, out of place na ba ako sa kanya? Kasi kaibigan ko siya, yung mga kaibigan niya kaibigan din namin, close ko pa nga eh pero siya, hindi niya ko magawang kausapin, bakit ganon?

"Oy! Pilikmata!" Tawag sa kanya ni Keitth. Nakikisali din siya dun sa mga boys, boyish din kasi ang isang to eh. Imagine nakatalikod siya habang nakaupo. Pano yon?

"Mmm?" Rinig ko'ng sagot ni Ellijah.

"Ano yung nabalitaan naming nakipaghalikan ka daw dun kay Tin?" Jusko Keitth di mo talaga matikom ya'ng bibig mo eh no?

"Ha? Sinong Tin?"

"Tin! Yung minahal mo da--"

"Ah! Si Tin Villafuerte?" Pag putol ni EJ. Patuloy akong nakinig sakanila.

"Oo! Oh eh ano nanaman ginawa mong kalokohan?"

"Ha? Bakit ano ba ginawa ko?" Ani niya at narinig kong pinupokpok niya at ballpen niya sa mesa niya.

"Tengene naman paulit ulit. Nakipaghalikan ka daw sa kanya." Inulit pa! Tibay mo talaga Keitth.

"What?! Sino nagsabi? A-ako? Makikipaghalikan sa kanya? For pete sake?!"

"Oo. Yun yung sabi eh." Bagot na sabi ni Keitth.

"What the?! Sino nagsabi?" Shocks. Keitth!! Wag mo ko ibubuking.

"Wag mo sabihing..." Pa intense na sabi ni Ellijah at ramdam kong malapit na siya sakin. Oh lord.

"Eh sino pa ba? Edi yung mga 'chismosa' dito." Diniin talaga ni Keitth yung chismosa. Thankyou Keitth.

"I knew it. Nag papaniwala ka nanaman dun kila Stacey?! C'mon Keitth di naman siguro maliit ang utak mo di ba?" Rinig ko ang ngisi ni Ellijah kahit hindi ko naman nakikita iyon.

Truth Or Dare #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon