Ynna POV"Ej how's about your script? Okay ba?" Tanong ni JB nang mapagkumpol kumpulin na kami dito sa upuan na malapit sa pwesto niya.
Hinawi muna ni Ellijah ang buhok niya at tumango. "Yeah, actually di ko pa siya binabasa but...I think it's good." Tipid na ngiti niya.
Tumingin ako sa kanya. Naka pang apat siya na upo habang binabasa ang script.
"So ganito ang magiging plano." Agad na kinwento ni JB ang mangyayari.
So base sa script kami ni Ellijah ang magiging bida. Kaibigan ko dito sa Irene at si Franchezka ay magiging karibal ko kay Ellijah.
"So you mean ang magiging leading lady ko dito--"
"Yup, si bebe Ynna ang magiging lady mo!" Putol ni JB kay Ellijah.
"What?!" Gulat na sabi niya.
"Bakit ayaw mo ba?" Tanong ko.
Nagulat ako sa sinabi ko, anong pumasok sa isip mo Ynna?!
Tumingin siya sakin, "At ikaw pa talaga ang lakas na loob na mag sabi niyan ah."
Tinignan ko din siya ng diretso. "Eh parang ayaw mo ata eh."
"Okay okay guys, stop the arguing okay? Nandito tayo para mag brainstorming at pag isipan ang bawat role ng isa. Walang away muna ha?" Pag sita saamin ni JB. "Oh para mas chill tayo mag laro muna tayo ng 'Pak Ganern' halika kayo!"
Ngumiwi ako, "Ayoko"
"Nako, nako umaarte ang isa diyan!" Parinig ni JB.
"Halika ka na..." Pag pilit saakin ni JB. "Ej? Ikaw? Dali na..." Pilit niya rin dito.
"Tsk. Maguusap usap ba tayo oh mag lalaro lang dito?" Striktong sabi niya.
"Ay eto na nga po. So ano ng plano niyo guys?" Awra saamin ni JB.
Nag usap usap kami roon, kahit alam kong labag sa loob ni Ellijah ay pumayag siya na ako ang magiging ka-partner niya. Iritang irita siya saakin na ewan.
Napag isip isip ko, dahil siguro nakaka halata na siya na crush na crush ko na siya ay a-akto na akong pormal. Siguro kailangan kong mag pa ka sungit ng bongga sa kanya pero crush ko pa rin siya ah? Eh ayoko lang na kapag nalaman niya, eh iwasan niya ako.
"Ano okay na 'yon? So nandito ang mga scripts ninyo na prinint ni bebe Ynna. Basahin niyo ulit dahil mamaya eh may practice na tayo."
"What?! JB 'wag muna ngayon." Kunot noo ni Ellijah.
"Oh bakit may lakad ka ba?" Tanong ni JB.
"Oo eh. Kaya please, huwag muna ngayon." At hinawakan niya ang kamay ni JB.
Nagulat naman si JB sa ginawa ni Ej kaya't agad agad itong pumayag. "Oh my God." Bulong niya. "Oo naman, Papa Ej. Ano kailan ba mo ba gusto?" Ngiti ngiti niya rito.
"Ha? JB eh di ba sa makalawa na iyon? So kailan tayo mag pa-practice?" Biglaang singit ko.
Hindi na niya alam ang sasabihin niya, "Ah, eh, ano..."
"Ganito guys, sa Tuesday na tayo mag practice okay? Para naman makapag--" pinutol ko ang suhestiyon ni Ellijah.
"Ano?! Next week pa? Tapos sa susunod na pangatlong araw na iyong presentation? Wow naman." Medyo tumaas ang boses ko.
Great, Ynna. Ganyan lang.
Tumingin saakin si Ellijah ng walang emosyon, "So anong gusto mo? Ngayon na agad tayo kag practice? Ngayon agad natin gawin yung arrangements and props? Yung casts? Huh?"
BINABASA MO ANG
Truth Or Dare #Wattys2016
Novela JuvenilSa laro ng pag ibig hindi mo malalaman kung ilang beses ka ng natalo. Dahil hindi mo to mamalayan kapag nasaktan ka na ng higit pa sa inaasahan mo. Ynna Zin Marchesa still accept the fact na kailan man ay hinding hindi na siya magugustuhan ng taong...